294 Ikaw Lamang ang Makapagliligtas sa Akin

Mababang-loob at nakakubli,

sinasamahan Mo ang mga tao sa kanilang mga paghihirap,

ibinibigay sa kanila ang daan tungong buhay na walang hanggan.

Taos Mong minamahal ang tao

tulad ng sarili Mong dugo’t katawang-tao.

At Ikaw ay karapat-dapat sa kanilang pagmamahal.

Nanaisin Mo pang Ikaw ang maghirap,

upang ang tao ang makinabang.

At nagpapaulan ka ng buhay sa kanila.

Ang puso Mo ay totoong napakaganda,

Kay matuwid Mo at nararapat sa pagpupuri ng tao.

Ang mga salita Mo’y sumasakop sa akin.

Ang paghusga Mo’y dumadalisay sa akin.

Ikaw lamang ang makapagliligtas sa akin.

Pinupungos at pinakikitunguhan Mo ako,

sinusubok at pinipino Mo ako.

Ikaw lamang ang makagagawang perpekto sa akin. Ikaw lamang.


Ang pagmamahal Mo ang nagdadala sa aking makatawid

sa landas ng paghihirap, at nakakatikim ako ng tamis.

Batid mong mahina ang tao, nakikiisang-damdamin Ka sa kanila.

Paano Ka kailanman malilimutan ng tao?

Nabubuhay Ka kasama ng tao at pinamumunuan Mo sila,

binibigyan sila ng bagay na maaaring asahan.

Una Kang naghihirap, bilang tunay na halimbawa.

At ang pagmamahal Mo’y nasa tao.

Ang mga salita Mo’y sumasakop sa akin.

Ang paghusga Mo’y dumadalisay sa akin.

Ikaw lamang ang makapagliligtas sa akin.

Pinupungos at pinakikitunguhan Mo ako,

sinusubok at pinipino Mo ako.

Ikaw lamang ang makagagawang perpekto sa akin.


Ang pagmamahal Mo’y totoong mahalaga.

Ang pagmamahal Mo’y sadyang napakaganda.

Iniwan Mo ang Iyong totoong damdamin sa tao.

Sakaling nanampalataya ako sa Iyo

nguni’t ‘di maibigay ang buo kong puso,

buong buhay kong pagsisisihan ito.

Kung nanampalataya ako sa Iyo,

nguni’t hindi maging tapat, paano ako magpapakatao?

Ang mga salita Mo’y sumasakop sa akin.

Ang paghusga Mo’y dumadalisay sa akin.

Ikaw lamang ang makapagliligtas sa akin.

Pinupungos at pinakikitunguhan Mo ako,

sinusubok at pinipino Mo ako.

Ikaw lamang ang makagagawang perpekto sa akin.

Ang pagmamahal Mo’y totoong mahalaga.

Ang pagmamahal Mo’y sadyang napakaganda.

Iniwan Mo ang Iyong totoong damdamin sa tao.

Ikaw lamang ang makapagliligtas sa akin.

Ikaw lamang ang makagagawang perpekto sa akin.

Sinundan: 293 Tanging ang Diyos ang Pinakamahusay

Sumunod: 295 Naghahanap ng mga Kapalagayang-loob

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kaugnay na Nilalaman

85 Kasama Ka Hanggang Wakas

ⅠNagpapaanod ako’t nilalakbay ang mundo,pakiramdam ay wala sa sarili at sa loob ay walang-kakayanan.Ginising ng Iyong mga malalambing na...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messnger