74 Ang Paghatol at Pagkastigo ng Diyos ay Upang Iligtas ang Tao
Ⅰ
Dumating ang Diyos sa mundo
upang gumawa’t iligtas tiwaling sangkatauhan.
Nakalipas na kaligtasa’y pagbubuhos
ng sukdulang awa’t habag N’ya,
Sarili’y ‘pinagkaloob kay Satanas
kapalit ng sangkatauhan.
Kaligtasan ng Diyos malapit na
sa wakas, inuuri ang lahat.
Sa pagkastigo’t paghatol,
nililigtas Niyang ganap ang sangkatauhan.
Tanging matatanggap ninyo’y
paghatol Niya’t pagkastigo,
gayundin mga hambalos Niyang walang-awa.
Ngunit dapat ninyong malaman:
Wala ni isang kaparusahan
sa lahat ng hambalos Niyang walang habag.
Sa pagkastigo’t paghatol,
nililigtas Niyang lubusan ang sangkatauhan.
Tanging matatanggap ninyo’y
paghatol Niya’t pagkastigo,
gayundin mga hambalos Niyang walang-awa.
Ⅱ
Mga salita man Niya’y mabagsik,
poot man Niya’y nagngangalit,
natatanggap ninyo’y mga salitang turo.
Pinsala ninyo’y di Niya nais;
ayaw ng Diyos na kayo’y sirain.
Matuwid Niyang paghatol ay paglinis,
gayundin pagpipino Niyang mabagsik;
Mababagsik na salita o dagok
ay lahat para sa kaligtasan.
Ang paraan ng pagliligtas ng Diyos
sa sangkatauhan ay di na gaya nang dati.
Ngayon, ang matuwid Niyang paghatol
ay magpakailanmang kaligtasan ninyo.
Ano’ng masasabi ninyo
sa pagkastigo’t paghatol na ito?
Di ba’t kaligtasa’y palagiang natatamasa ninyo
mula umpisa hanggang wakas?
Sa pagkastigo’t paghatol
nililigtas Niyang lubusan ang sangkatauhan.
Tanging matatanggap ninyo’y
paghatol Niya’t pagkastigo,
gayundin mga hambalos Niyang walang-awa.
Ⅲ
Nakita na ninyo ang Diyos sa katawang-tao,
nadama karununga’t pagkamakapangyarihan Niya,
naranasan mga dagok at disiplina Niya,
ngunit natanggap rin labis Niyang biyaya.
Mga pagpapala ninyo’y mas higit kanino man,
yaman at gara ni Solomo’y nahigitan.
Ngunit tumagal kaya kayo ng ganito,
kung Diyos ay di-pumarito upang maging
Tagapagligtas ninyo, Tagapagligtas ninyo?
Kung tanging nais ng Diyos ay parusahan kayo,
pagkakatawang-tao’y wala na sana.
Sang salita lang ang kailangan
sa pagpaparusa sa inyo.
Di sana kayo makakatagal hanggang ngayon.
Di pa rin ba kayo naniniwala sa sinasabi ng Diyos?
Nililigtas Niya ng lubusan, ang sangkatauhan.
Ang matuwid Niyang paghatol ay inyong kaligtasan,
inyong magpakailanmang kaligtasan.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Isantabi ang mga Pagpapala ng Katayuan at Unawain ang Kalooban ng Diyos na Maghatid ng Kaligtasan sa Tao