Tanong 1: Matagal nang ipinangako sa atin ng Panginoon: “Ako’y paroroon upang ipaghanda Ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung Ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto Ako, at kayo’y tatanggapin Ko sa Aking sarili; upang kung saan Ako naroroon, kayo naman ay dumoon(Juan 14:2–3). Nakapaghanda na ang Panginoon ng lugar para sa atin sa langit. Pagbalik niya, agad niya tayong iaakyat sa kaharian ng langit. Kung bumalik na ang Panginoon, bakit nasa lupa pa rin ang lahat ng Kanyang mga santo? Bakit hindi pa rin tayo nadadala?

Sagot: Naghanda ng lugar ang Panginoon para sa mga sumasampalataya sa kanya. Totoo ’yon. Pero nasa lupa ba ang lugar na ’yon o nasa langit? Hindi tayo nakakasiguro tungkol diyan. Iniisip nating nasa langit ang kaharian ng langit, pero ayon ’yon sa sarili nating pagkaintindi at imahinasyon. Pero ’yon ba talaga ang katotohanan? Tingnan natin ang sinabi ng Panginoong Jesus: “Ama namin na nasa langit, sambahin nawa ang pangalan Mo. Dumating nawa ang kaharian Mo. Gawin nawa ang Iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa(Mateo 6:9–10). Malinaw na sinabi sa ’tin ng Panginoong Jesus na nasa lupa ang kaharian ng Diyos, hindi sa langit. Matutupad ang nais ng Diyos sa lupa gaya ng sa langit. Basahin natin ang Pahayag 21:2–3: “At ako si Juan, nakita ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Diyos…. Narito, ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao, at Siya’y mananahan sa kanila, at sila’y magiging mga bayan Niya, at ang Diyos din ay sasakanila, at magiging Diyos nila.” Dumako tayo sa Pahayag 11:15: “Ang kaharian ng sanlibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa Kanyang Cristo: at Siya’y maghahari magpakailan-kailanman.” Ang mga propesiyang itong nabanggit, “ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao,” “… ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Diyos,” “Ang kaharian ng sanlibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa Kanyang Cristo.” Pinatutunayan no’n na itatayo ng Diyos ang Kanyang kaharian sa lupa, at mamamalagi siya sa lupa kasama ang sangkatauhan. Ang mga kaharian ng mundo ay magiging mga kaharian ni Cristo, at magtatagal ’yon magpakailanman. Kung naniniwala tayong nasa langit ang kaharian ng Diyos ayon sa ating pagkaintindi at imahinasyon, naniniwalang kapag dumating ang Panginoon, iaakyat Niya tayo sa langit, hindi ba mawawalan ng kabuluhan ang mga una niyang sinabi? Sa katotohanan, ang panghuling resulta ng plano sa pamamahala ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan ay ang pagtatayo ng kaharian ng Diyos sa lupa. Ang Makapangyarihang Diyos—Cristo ng mga huling araw—ay gumagawa ng kanyang paghatol at paglilinis sa sangkatauhan para makabuo ng isang grupo ng mga mananagumpay sa lupa. Ang mga nagkakamit ng kaligtasan ng Diyos, na nagiging perpekto at nagiging mananagumpay, sila ang makapagsasabuhay sa mga salita ng Diyos at makasusunod sa kagustuhan Niya sa lupa. Sila ang mga mamamayan ng Kanyang kaharian. Matapos mabuo ang mga mananagumpay na ito, matutupad ang kagustuhan ng Diyos sa lupa. At maitatatag na sa lupa ang kaharian ni Cristo, at makakamit ng Diyos ang buong kaluwalhatian. Sa huli, tutuparin niya ang mga propesiya sa Aklat ng Pahayag. Hindi pa rin ba malinaw sa ’tin ang mga katotohanang ito? Ano’ng lugar ang inihanda ng Panginoong Jesus para sa ’tin? Itinakda Niya na ipanganak tayo sa mga huling araw, salubungin Siya sa lupa sa pagbabalik Niya, tanggapin ang paglilinis ng Diyos at maging perpekto, at maging mga mananagumpay para maisagawa natin ang kagustuhan ng Diyos, at lahat ng mga kaharian sa lupa ay magiging mga kaharian ni Kritso. ’Yon ang nais ng Diyos. Dumarating sa lupa ang Diyos pero sinusubukan nating umakyat sa langit. Sa paggawa nito, hindi ba natin sinasalungat ang gawain ng Diyos at ang Kanyang kalooban? Kapag inangat niya tayo sa hangin, wala namang pagkain at lugar do’n na matitirhan, pa’no tayo mabubuhay? Hindi ba sariling pagkaintindi at imahinasyon lang natin ’yon? Gagawa ba ang Panginoon ng gano’ng bagay? Yung katotohanang nakakapag-isip tayo nang gano’n, nagpapakita lang na para talaga tayong bata. Para bang nasa alapaap ang mga isip natin!

mula sa iskrip ng pelikulang Paggising mula sa Panaginip

Sinundan: Tanong 2: Naniwala ako sa Panginoon nang mahigit kalahati na ng buhay ko. Walang pagod akong gumawa para sa Panginoon at inaabangan ang Kanyang ikalawang pagdating. Kung dumating ang Panginoon, bakit hindi ko natanggap ang Kanyang pagbubunyag? Isinantabi ba Niya ako? Litung-lito ako dito. Paano ninyo ito ipapaliwanag?

Sumunod: Tanong 2: Hindi pa natin nasisiguro kung nasa lupa o nasa langit ang kaharian ng Diyos. Maraming beses nang nagsalita ang Panginoong Jesus ng “malapit na ang kaharian ng langit” at “Dumarating ang kaharian ng langit.” Kung “kaharian ng langit,” ibig sabihin nasa langit ’yon. Pa’no ’yon napunta sa lupa?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 1: Nananalig na tayo sa Panginoon sa loob ng napakaraming taon. Kahit maaari tayong mangaral at kumilos para sa Panginoon at magdusa nang husto, maaari pa rin tayong palaging magsinungaling, manloko at mandaya. Araw-araw, ipinagtatanggol natin ang ating sarili. Napakadalas, mayabang tayo, mapagmataas, pasikat, at mapanghamak sa iba. Namumuhay tayo sa sitwasyon ng pagkakasala at pagsisisi, at hindi tayo makaalpas sa pang-aalipin ng laman, at dumaranas at nagsasagawa ng salita ng Panginoon. Hindi pa natin nararanasan ang anumang realidad ng salita ng Panginoon. Sa kaso natin, madadala man lang ba tayo sa kaharian ng langit? Sabi ng ilang tao, gaano man tayo magkasala, gaano man tayo inaalipin ng laman, ang tingin sa atin ng Panginoon ay walang kasalanan. Sumusunod sila sa salita ni Pablo: “Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng trumpeta: sapagka’t tutunog ang trumpeta, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin” (1 Corinto 15:52). At ipinapalagay nila na agad babaguhin ng Panginoon ang ating anyo pagdating Niya at dadalhin tayo sa kaharian ng langit. Naniniwala ng ilang tao na ang mga tumatanggap ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya pero patuloy pa ring nagkakasala ay hindi karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng langit. Nakabatay ito unang-una na sa salita ng Panginoong Jesus: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). “Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t Ako’y banal” (Levitico 11:45). Ito ay dalawang magkakumpitensyang pananaw na hindi malinaw na masasabi ng sinuman, Makipag-usap naman kayo para sa amin.

Sagot: Noong araw, dati-rati’y itinuturing nating salita ng Diyos ang mga salita ng mga apostol na kagaya ni Pablo at sumusunod tayo sa...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito