Tanong 2: Ipinako ang Panginoong Jesus bilang alay sa kasalanan para tubusin ang sangkatauhan. Tinanggap na natin ang Panginoon, at nakamit ang kaligtasan sa pamamagitan ng Kanyang biyaya. Bakit kailangan pa nating tanggapin ang gawaing paghatol at pagdadalisay ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw?

Sagot: Sa Kapanahunan ng Biyaya, ginawa ng Panginoong Jesus ang gawaing pagtubos. Hindi gawaing paghatol ng Diyos sa mga huling araw na iligtas ang sangkatauhan. Ang nakamit ng gawaing pagtubos ay nagsilbi ang Panginoong Jesus ilang alay sa kasalanan para sa ating lahat, at tinubos Niya tayo mula sa mga kamay ni Satanas, pinagsisi tayo sa ating mga kasalanan, at tinanggap ang pagliligtas ng Diyos. Ginawa Niya tayong karapat-dapat na humarap sa Diyos at tamasahin ang biyaya at pagpapala ng Diyos. Iyan ang tunay na kahulugan ng gawain ng pagtubos. Pero maraming tao ang hindi nakakaintindi. Palagi nilang iniisip na ang gawaing pagtubos ng Panginoong Jesus ang nagkaloob ng ganap na kaligtasan sa sangkatauhan, at pinahintulutan tayong pumasok sa kaharian ng langit. Ang ideya na ’yan ay ganap na nagmula sa imahinasyon ng tao. Binigyan tayo ng Panginoong Jesus ng kaligtasan, totoo ’yan, pero binago ba nito ang mga makasalanang kalikasan natin? Talaga bang naging banal tayo dahil pinatawad ng Diyos ang mga kasalanan natin? Kung gayon, bakit madalas pa rin tayong nagkakasala? Talaga bang aaprubahan ng Panginoon ang mga madalas na nagkakasala? Kakaunting tao ang nag-isip tungkol sa problemang ito, at wala pa tayong nakitang kahit sino na talagang nakakaintindi sa problemang ito. Tinubos tayo ng Panginoong Jesus mula sa katayuan ng kasalanan. Napatawad ang ating mga kasalanan, nabigyan tayo ng kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya, katotohanan ito. Pero habang naniniwala tayo sa Panginoon at sinusunod at Panginoon, madalas din nating pinagtataksilan ang mga turo ng Panginoon, at nagpapaubaya sa mga kagustuhan ng laman na magkasala. Nagsisinungaling tayo, nandaraya, nanlilinlang, nang-iintriga, naghahangad ng katanyagan at kayamanan, nagpapaubaya tayo sa kalayawan, naghahangad ng kayamanan, at sinusunod ang mga kalakaran ng masamang mundo… Sa mga panahon ng pighati at pagsubok, madalas nating di-nauunawaan at sinisisi ang Diyos, o iniiwanan at pinagtataksilan pa natin ang Diyos. Kapag hindi naaayon ang gawain ng Diyos sa mga ideya ng tao, walang-ingat nating hinahatulan at kinokondena ang Diyos. Kasabay ng pagsunod natin sa Diyos, sinasamba at sinusunod natin ang mga tao. Nabubuhay tayo sa siklo ng pagkakasala at pagsisisi, mahirap matakasan ito. Hindi natin mapalaya ang ating mga sarili mula sa mga bigkis at pagkontrol ng ating malasatanas na kalikasan, katotohanan ito. At bagama’t tapos na ang gawaing pagtubos ng Panginoong Jesus, at napatawad na ang mga kasalanan natin, at hindi na tayo isinusumpa dahil sa paglabag sa mga utos ng Diyos, at pwedeng humarap sa Diyos para magdasal sa Kanya at tamasahin ang kabuuan ng biyaya ng Diyos, hindi ito nangangahulugan na tapos na ang gawaing pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, dahil nananatili pa rin sa ating kalooban ang makasalanang kalikasan. Pinipilit pa rin tayo ng malasatanas na kalikasan natin na tutulan at pagtaksilan ang Diyos. At kung hindi natin nakikilala ang Diyos, hindi natin kailanman katatakutan ang Diyos at ilalayo ang mga sarili natin sa kasamaan, lalo pang hindi mararating ang katayuan ng ganap na pagsunod sa Diyos, pagkakaayon sa Diyos at kabanalan. Hindi pa talaga tayo nakakamit ng Diyos. Alam nating lahat, banal ang Diyos, at matuwid. Kung hindi mapapabanal ang mga tao, hindi nila makikita ang Panginoon. Hindi pahihintulutan ng Diyos ang marumi o masama sa Kanyang kaharian. Ipinapasya ito ng matuwid na disposisyon ng Diyos. Kaya sa mga huling araw, ayon sa Kanyang plano sa pamamahala, kailangang iligtas ng Diyos ang sangkatauhan, ipatupad ang Kanyang gawaing paghatol at pagkastigo, para alisin ang mga gapos at pamigil dulot ng kasalanan sa masamang sangkatauhan at siyang mga ugat ng pagkakasala at tulungan ang sangkatauhan na tuluyang makawala sa impluwensiya ni Satanas, mailigtas ng Diyos, at makapasok sa kaharian ng Diyos. Tingnan natin ang dalawa pang talata mula sa Makapangyarihang Diyos.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang isang makasalanang tulad mo, na katutubos pa lang, at hindi pa nabago, o nagawang perpekto ng Diyos, makakaayon ka ba ng puso ng Diyos? Para sa iyo, na ang dating ikaw pa rin, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at na ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa pagliligtas ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka magiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, puno ka ng karumihan, sakim ka at masama, ngunit ninanais mo pa ring bumaba na kasama ni Jesus—hindi ka ganoon kasuwerte! Nalaktawan mo ang isang hakbang sa iyong pananalig sa Diyos: Natubos ka pa lang, ngunit hindi pa nabago. Para maging kaayon ka ng puso ng Diyos, kailangang ang Diyos Mismo ang gumawa ng gawain ng pagbabago at paglilinis sa iyo; kung ikaw ay tinubos lamang, wala kang kakayahang magtamo ng kabanalan. Dahil dito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa magagandang biyaya ng Diyos, dahil nalaktawan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pagperpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang katutubos pa lang, ay walang kakayahang direktang manahin ang pamana ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa mga Pangalan at sa Pagkakakilanlan).

Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging malinis. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng luklukan ng Diyos. Lahat ng gawaing ginagawa sa araw na ito ay para malinis at mabago ang tao; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin ng pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at magawang dalisay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4).

Sa mga huling araw, ganap na ililigtas ng Diyos ang tao mula sa impluwensiya ni Satanas, pahihintulutan ang tao na bumalik talaga sa Diyos at maging akma kay Cristo, at maging mga banal na tao na gumagalang at sumusunod sa Diyos. Ang tanging paraan para makamit ito ay sa pamamagitan ng gawaing paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa pamamagitan lamang ng paghatol at mga pagbubunyag ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na malalaman ng mga tao sa wakas ang katotohanan kung paano sila pinasama ni Satanas, at ang diwa ng kanilang kalikasan, at malalaman ang matuwid at maringal na disposisyon ng Diyos na hindi nagpaparaya sa pagkakasala. Sa ganitong paraan lamang magkakaroon ang mga tao ng totoong pagsisisi, mga kaloobang namumuhi sa laman at nagrerebelde laban kay Satanas, at mga pusong natatakot sa Diyos, talagang makawala sa madilim na impluwensiya ni Satanas, bumalik sa Diyos, at makamit ng Diyos. Sa ganitong paraan lamang maililigtas ang sangkatauhan sa wakas at makapasok sa kaharian ng langit.

mula sa iskrip ng pelikulang Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono

Sinundan: Tanong 1: Pero sabi mo nagkatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw para gawin ang gawaing paghatol. May batayan ba ito sa Biblia, o tinutupad ang anumang mga propesiya sa biblia? Kung walang batayan sa biblia, hindi natin dapat paniwalaan ito kaagad.

Sumunod: Tanong 3: Maraming taon na akong nananalig sa Panginoon at nabasa ko na nang kaunti ang Biblia, kaya bakit hindi ko pa nakitang magpropesiya ang Panginoon na sa mga huling araw ay magiging tao Siyang muli at magiging Anak ng tao para isagawa ang gawain ng paghatol? Pinatototohanan ninyo na nagkatawang-tao nang muli ang Panginoong Jesus, na Siya ang Makapangyarihang Diyos, at na ginagawa Niya ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. May basehan ba ito sa Biblia? Pinagtibay ba iyan ng mga relihiyon?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito