Tanong 2: Naniwala ako sa Panginoon nang mahigit kalahati na ng buhay ko. Walang pagod akong gumawa para sa Panginoon at inaabangan ang Kanyang ikalawang pagdating. Kung dumating ang Panginoon, bakit hindi ko natanggap ang Kanyang pagbubunyag? Isinantabi ba Niya ako? Litung-lito ako dito. Paano ninyo ito ipapaliwanag?
Sagot: Iniisip ng tao na kung kalahati ng buhay niya ay naniniwala na siya sa Panginoon, gumagawang mabuti para sa Panginoon, at mapagmatyag na naghihintay sa Kanyang ikalawang pagdating, kapag dumating muli ang Panginoon Siya ay magbibigay sa kanila ng pagbubunyag. Ito ang paniwala at imahinasyon ng tao at hindi ito tugma sa katunayan ng gawain ng Diyos. Nilakbay ng mga Fariseong Judio ang lupa at dagat sa pagpapalaganap ng landas ng Diyos. Binigyan ba sila ng Panginoong Jesus ng anumang pagbubunyag nang dumating Siya? Sa mga alagad na sumunod sa Panginoong Jesus, sino sa kanila ang sumunod sa Panginoong Jesus dahil sa nabigyan sila ng pagbubunyag? Wala ni isa sa kanila! Maaari kang makipagtalo na natanggap ni Pedro ang pagbubunyag ng Diyos at nakilala na ang Panginoong Jesus ang Cristo, ang Anak ng Diyos, pero pagkatapos iyan ng matagal-tagal na pagsunod ni Pedro sa Panginoong Jesus at narinig Siyang nangaral ng mahaba-habang panahon at nagkaroon ng kaalaman tungkol sa Kanya sa kanyang puso. Noon lang siya nakatanggap ng pagbubunyag mula sa Banal na Espiritu at nagawang makilala ang tunay na pagkakilanlan ng Panginoong Jesus. Gaya ng nakikita mo, tiyak na hindi tumanggap ng anumang pagbubunyag si Pedro bago sumunod sa Panginoong Jesus, iyan ang totoo. Ang mga sumunod sa Panginoong Jesus ay nakilala lamang na ang Panginoong Jesus ang darating na Mesiyas matapos Siyang marinig na mangaral nang ilang panahon. Hindi sila sumunod sa Kanya dahil sa nakatanggap muna sila ng pagbubunyag na nagtulot para makilala nila kung sino ang Panginoong Jesus. Sa mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos ay bumaba nang lihim sa mga tao para gawin ang paghatol. Milyun-milyong tao ang tumanggap at sumunod sa Makapangyarihang Diyos, ngunit wala ni isa sa kanila ang gumawa nito dahil sa nakatanggap sila ng pagbubunyag mula sa Banal na Espiritu. Sumusunod tayo sa Makapangyarihang Diyos dahil nakilala natin ang tinig ng Diyos sa ating pagbabasa sa salita ng Makapangyarihang Diyos at sa pagbabahagi ng katotohanan. Pinatutunayan ng mga pangyayaring ito na kapag ang Diyos ay nagkatawang-tao para gawin ang Kanyang gawain, tiyak na hindi Siya nagbibigay ng mga pagbubunyag sa sinuman upang maniwala at sumunod sa Kanya. Sa mga huling araw ipinahahayag ng Diyos ang katotohanan upang gawin ang paghatol. Ang pagbigkas ng Diyos sa Kanyang salita sa buong sansinukob ay ang Kanyang gawain sa mga huling araw. Maririnig ng lahat ang tinig ng Diyos. Ang talumpati ng Diyos sa mga huling araw ay kumakatawan sa unang pagkakataon mula ng likhain ng Diyos ang mundo na ipinahayag ng Diyos ang Kanyang salita sa lahat ng sangkatauhan at sa buong sansinukob. Sa Pahayag, maraming beses na sinabi ng Diyos “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.” Sa mga huling araw, ang Diyos ay kumikilos sa pagbigkas ng Kanyang salita at pagpapahayag ng katotohanan upang mahanap ang Kanyang mga tupa. Naririnig ng mga tupa ng Diyos ang tinig ng Diyos. Lahat ng nakakarinig at nakauunawa sa tinig ng Diyos ay mga tupa ng Diyos, at matatalinong dalaga. Ang mga hindi nakauunawa sa tinig ng Diyos ay mga mangmang na dalaga. Dito nakikilala ang lahat ng tao ayon sa kaniyang sariling uri. Ipinakikita nito kung gaano katalino at katuwid ang Diyos!
Naipahayag ng Diyos ang marami sa Kanyang salita, marami sa Kanyang tinig. Kung hindi pa rin natin Siya naririnig at nakikilala, hindi ba’t tayo’y mga mangmang na dalaga? Mula sa bawat denominasyon, may ilang mga mananampalataya na nakarinig sa tinig ng Diyos at nagbalik sa Kanya. Hindi lang ba sila ang “ninakaw” na kayamanan? Ang Panginoon ay lihim na bumaba upang muling kunin ang mga kayamanang ito, upang gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay bago ang mga kalamidad mula sa mga unang dinala sa luklukan ng Diyos. Sa mga naghihintay lamang sa pagbubunyag ng Diyos ngunit bigong makilala ang tinig ng Diyos sa mga salitang ipinapahayag Niya, masasabi lamang na hindi nila mahal ang katotohanan, hindi nakikilala ang Diyos, at tiyak na hindi tupa ng Diyos. Likas na ito ang mga taong pinalayas at inalis ng Diyos. Tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus kay Tomas: “sapagka’t ako’y nakita mo ay sumampalataya ka: mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon ma’y nagsisampalataya” (Juan 20:29). Ang Panginoong Jesus ay naunang nagsabi: “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin” (Juan 10:27). “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko” (Pahayag 3:20). Malinaw dito ang karunungan ng Diyos. Kung ang Diyos ay nagbigay ng mga pagbubunyag sa tao upang maniwala sila sa Kanya, bakit sinasabi pa rin ng Diyos na naririnig ng mga tupa ng Diyos ang Kanyang tinig? Hindi ba magkasalungat ang mga ito? Ang Diyos ay nagpapasiya kung ang mga tao ay sa Diyos batay sa kung nakikilala nila ang tinig ng Diyos. Ito ang pagkapatas at pagkamatuwid ng Diyos. Gaya ng nakikita mo, ang mga hindi tumanggap sa pagbubunyag ng Diyos ngunit nakakakilala pa rin sa tinig ng Diyos at direktang tumanggap sa Makapangyarihang Diyos ang tunay na mga pinagpala. Kaya’t, sa pag-aaral ng totoong daan, ang pagtanggap sa pagbubunyag ng Diyos ay hindi mahalaga, ang susi ay kung nakikilala mo o hindi ang tinig ng Diyos sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Tanging ang mga nakatatanto na ang salita ng Diyos ang lahat ng katotohanan at tumatanggap sa Diyos, ang mga tunay na mananampalataya, nagmamahal sa katotohanan at nauuhaw sa pagpapakita ng Diyos. Kung basta naghihintay ang tao para matanggap lamang ang pagbubunyag ng Diyos, mahirap sabihin kung ang taong ito ay tunay na nagmamahal sa katotohanan at isang taong nakakikilala sa tinig ng Diyos. Kaya ang mga tumanggap sa pagdating ng Panginoon ay ginawa ito sa pakikinig sa tinig ng Panginoon at pagkakilala na ang Kanyang salita ay katotohanan. At kaya tinatanggap at sinusunod nila ang muling pagpapakita at gawain ng Panginoon. Tanging ang gayong uri ng mga tao ang tunay na dinadala sa harap ng Diyos. Kung ang isang tao ay naghihintay lang sa pagbubunyag ng Diyos, ngunit napapabayaan ang pag-aaral ng mga salita na binibigkas ng Banal na Espiritu sa lahat ng iglesia, kung gayon ang taong iyon ay inalis at pinalayas ng gawain ng Diyos, at mapapabilang sa mga tumatangis at nagngangalit ang mga ngipin kapag dumanas ng matitinding pangyayari.
mula sa iskrip ng pelikulang Ang Hiwaga ng Kabanalan