Tanong 2: Hindi pa natin nasisiguro kung nasa lupa o nasa langit ang kaharian ng Diyos. Maraming beses nang nagsalita ang Panginoong Jesus ng “malapit na ang kaharian ng langit” at “Dumarating ang kaharian ng langit.” Kung “kaharian ng langit,” ibig sabihin nasa langit ’yon. Pa’no ’yon napunta sa lupa?

Sagot: Kailangang maging malinaw sa ’ting lahat na ang “langit” ay laging tumutukoy sa Diyos. Ang “kaharian ng langit” ay malinaw na tumutukoy sa kaharian ng Diyos. Inihahayag din sa Pahayag, “ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao,” “Ang kaharian ng sanlibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa Kanyang Cristo.” Ibig sabihin no’n, itatatag sa lupa ang kaharian ng Diyos. Sa huli, magiging kaharian ng Diyos ang mga kaharian sa lupa. Matapos masira ang lumang mundo sa malalaking sakuna, lilitaw ang Milenaryong Kaharian. Ang mga kaharian sa lupa ay magiging mga kaharian ng ating Panginoon at ng Kanyang Cristo. At matutupad na ang kalooban ng Diyos sa lupa gaya ng sa langit. Yon ang ganap na tutupad sa propesiyang: Darating sa lupa ang bagong Jerusalem. Naging tao ang Diyos at isinasagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw para tapusin ang madilim at masamang henerasyong ito. Lahat ng nakakarinig sa tinig ng Diyos at nadala sa Kanyang trono ay magiging perpekto at mananagumpay. At magsisimula na ang malalaking sakuna. Tanging ang mga nalinis na at nailigtas ng gawa ng Diyos sa mga huling araw ang mananatili. Sila ang magiging mamamayan ng kaharian ng Diyos. Tayo ang pinakapinagpala ngayon dito para tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Tayong mapapalad na nakarinig sa tinig ng Diyos at naiakyat sa harap ng Kanyang trono ay lilinisin sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng Kanyang mga salita, at magiging mga mananagumpay bago ang mga sakuna, ang mga unang bunga na nakamit ng Diyos. Tapos ipapadala na ng Diyos ang malalaking sakuna. Lahat ng lumalaban sa Diyos, gano’n din ang lahat ng masasamang hindi nananampalataya ay malilipol sa malaking sakuna. Lahat ng nalinis at ginawang perpekto ay makakatanggap ng proteksyon ng Diyos habang nagaganap ang sakuna, at sila’y makakaligtas. Pag bumaba na ang Diyos sa alapaap at magpakita sa lahat, pupunta ang Diyos sa Kanyang kaharian sa lupa. Yon ang malapit nang tuparin ng Diyos. Kung tayong mga sumasampalataya ay hindi makita ang pangitaing ito, hindi ba tayo bulag? Yung mga tumitingala lang sa langit at naghihintay na bumaba mula sa alapaap ang Panginoon ay tatangis at magngangalit ang mga ngipin kung talagang bumabalik na Siya mula sa mga ulap. Kagaya lang ’yon ng mga propesiyang nasasaad sa Pahayag: “Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya. Gayon din, Siya nawa(Pahayag 1:7). Ang mga taong hindi nakakarinig sa tinig ng Diyos bago ang mga sakuna at nabigong madala sa harap ng Kanyang trono ay magagapi sa mga sakuna at mapaparusahan doon, tataghoy at magngangalit ang kanilang mga ngipin.

Unang nilikha ng Diyos ang tao sa lupa. Ginagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, dito rin sa lupa. Sa huli, ililigtas ng Diyos ang sangkatauhan, dito rin sa lupa. Nagawa ang lahat ng ito sa lupa hanggang sa lumitaw ang kaharian ni Cristo sa lupa. Samakatwid, itatayo sa lupa ang kaharian ng Diyos sa mga huling araw. Ang huling destinasyon ng sangkatuhan ay sa lupa, hindi sa langit. Itinakda na ’yan ng Diyos. Basahin natin ang ilan sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Babalik ang Diyos sa Kanyang orihinal na lugar, at babalik ang bawat tao sa kani-kanilang mga lugar. Ito ang mga hantungan kung saan maninirahan ang Diyos at ang mga tao sa sandaling matapos ang buong pamamahala ng Diyos. Ang Diyos ay may patutunguhang para sa Diyos, at ang sangkatauhan ay may patutunguhang para sa sangkatauhan. Habang nagpapahinga, magpapatuloy ang Diyos sa paggabay sa lahat ng mga tao sa kanilang mga buhay sa lupa, at habang nasa Kanyang liwanag, sasambahin nila ang nag-iisang tunay na Diyos sa langit. … Kapag pumasok sa pahinga ang mga tao, nangangahulugan itong sila ay naging tunay na mga bagay ng sangnilikha. Sasambahin nila ang Diyos mula sa lupa, at mamumuhay ng normal. Ang mga tao ay hindi na magiging masuwayin sa Diyos o lalaban sa Kanya, at magbabalik sa orihinal na buhay nina Adan at Eba. Ito ang magiging kani-kanilang buhay at hantungan ng Diyos at ng mga tao pagkatapos nilang pumasok sa pahinga. Ang pagkatalo ni Satanas ay isang hindi maiiwasang kahihinatnan ng digmaan sa pagitan nito at ng Diyos. Tulad nito, ang pagpasok ng Diyos sa pahinga pagkatapos ng Kanyang gawaing pamamahala at ang ganap na kaligtasan at pagpasok sa pahinga ng sangkatauhan ay mga hindi na rin maiiwasang kahihinatnan. Nasa lupa ang lugar ng pahingahan ng sangkatauhan, at nasa langit ang pahingahan ng Diyos. Bagama’t sinasamba ng mga tao ang Diyos sa pamamahinga, mamumuhay sila sa lupa, at bagama’t inaakay ng Diyos ang natitirang sangkatauhang sa pamamahinga(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). Malinaw na sinabi sa atin ng Makapangyarihang Diyos na kapag natapos na ang Kanyang pamamahala, parehong mamamahinga ang Diyos at ang tao. Ang pahingahan ng Diyos ay sa langit, samantalagang ang pahingahan nating mga tao ay sa lupa pa rin. Ito ang magandang destinasyong inihanda ng Diyos para sa atin na mga tao. Ito rin ang katuparan ng kaharian ng Diyos sa lupa. Kung nananalig tayo sa Diyos sa loob ng maraming taon, pero hindi pa rin natin ito nakikita, hindi ba nangangahulugan ’yan na hindi natin nauunawaan ang katotohanan o ang mga salita ng Panginoon?

mula sa iskrip ng pelikulang Paggising mula sa Panaginip

Sinundan: Tanong 1: Matagal nang ipinangako sa atin ng Panginoon: “Ako’y paroroon upang ipaghanda Ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung Ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto Ako, at kayo’y tatanggapin Ko sa Aking sarili; upang kung saan Ako naroroon, kayo naman ay dumoon(Juan 14:2–3). Nakapaghanda na ang Panginoon ng lugar para sa atin sa langit. Pagbalik niya, agad niya tayong iaakyat sa kaharian ng langit. Kung bumalik na ang Panginoon, bakit nasa lupa pa rin ang lahat ng Kanyang mga santo? Bakit hindi pa rin tayo nadadala?

Sumunod: Tanong 3: Sabi sa Biblia, “Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay titipuning kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailanman” (1 Tesalonica 4:17). Paano natin ipaliliwanag ’yon?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 17: Pinatotohanan n’yo na ang Makapangyarihang Diyos ang Diyos ng mga huling araw na nagpapakita at gumagawa, at sinabi n’yo ring naghahanap ng katotohanan ang paniniwala n’yo sa Kanya, at tinatahak n’yo ang tamang daan ng buhay. Pero sa pagkakaalam ko, marami sa mga naniniwala sa Kanya sa Makapangyarihang Diyos ay katulad ng mga misyonaryo ni Jesus, na sa layunin ng pagpapakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos, ay hindi nag-alinlangang iwan ang pamilya at propesyon, at ibinigay ang katawan at kaluluwa sa Diyos. Sa kanilang lahat marami sa mga kabataan ang hindi nagpapakasal, ginagawa nila ang tungkulin nila sa pagsunod kay Cristo ng mga huling araw. Hindi n’yo yata alam na, dahil iniiwan n’yo ang pamilya n’yo at kumikilos para ikalat ang ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos, lalong dumarami ang mga taong naniniwala sa Diyos. Kapag ang lahat ng tao ay napalapit na sa Diyos, sino pang maniniwala sa Partido Komunista, at susunod sa kanila? Malinaw na dahil dito, pinipigilan kayo at inaaresto ng gobyerno. May nakikita ba kayong mali rito? Dahil naniniwala kayo sa Diyos sa ganitong paraan kaya maraming tao ang inaresto at sinintesyahang makulong, at marami ang umalis ng bahay at lumikas. Maraming mag-asawa ang nagdiborsyo, at maraming bata ang walang mga magulang na, magmamahal sa kanila. Maraming matatanda ang walang karamay para mag-alaga sa kanila. Sa paniniwala sa Diyos sa ganitong paraan, dinanas ng mga pamilya ninyo ang matinding paghihirap. Ano ba talagang gusto ninyong makamit? Hindi kaya ito ang tamang daan para sa buhay ng tao na sinasabi n’yo? Ang tradisyunal na kultura ng Tsina ay nagbibigay ng higit na pagpapahalaga sa kabanalan ng pamilya. Ayon sa kasabihan: “Sa lahat ng kabutihan, ang paggalang ng anak sa magulang ang pinakamahalaga.” Sabi ni Confucius: “Habang buhay pa ang mga magulang n’yo, huwag kayong maglalakbay nang malayo.” Ang pagrespeto sa mga magulang ang pundasyon ng pag-uugali ng tao. Sa paniniwala at pagsunod sa Diyos sa paraang ginagawa n’yo, hindi nyo magawang alagaan kahit na ang mga magulang n’yong nagbigay-buhay at nag-aruga sa inyo, pa’no ito naituring na tamang daan para sa buhay ng tao? Madalas kong marinig sa mga tao na, mabubuti ang lahat ng sumasampalataya. Hindi mali yon. Pero naniniwala kayong lahat sa Diyos, sumasamba at nagtatanghal sa Kanya bilang dakila. Ito ang dahilan para magpuyos sa galit ang Partido Komunista, at mapuno ng pagkamuhi. Ginagawa n’yo ang tungkulin n’yo para maikalat ang ebanghelyo, pero ni hindi n’yo maalagaan ang mga sarili n’yong pamilya. Paano ito maituturing na kagandahang asal? Anong masasabi n’yo? Posible kaya na kahit hindi nakikita ay nagkamali kayo ng tinahak na daan sa paniniwala sa Diyos? Sa pagpapakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos sa ganitong paraan, hindi ba’t sinisira n’yo ang pagkakaisa at katatagan ng lipunan? Nakikiusap ako sa inyo na itigil n’yo na ang paggawa ng mali. Bumalik na kayo sa lipunan sa lalong madaling panahon, samahan n’yo na ang pamilya n’yo, magkaro’n ng normal na buhay, at alagaang mabuti ang inyong pamilya. Dapat n’yong gawin ang tungkulin n’yo bilang mga anak at magulang. Ito lang ang pundasyon sa pag-uugali ng tao, at ito lang ang pinakapraktikal.

Sagot: Paulit-ulit mong sinasabi na maling daan ang tinahak namin sa paglisan sa mga pamilya at propisyon namin para maniwala sa Diyos at...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito