Tanong 13: Sa pamamagitan ng pagbabasa ng Biblia, alam nating lahat na ang mga Judiong Fariseo, ay binatikos at tinutulan ang Panginoong Jesus. Gayun pa man, hindi pa rin naiintindihan ng karamihan sa mga kapatiran na noong ginawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain, alam ng mga Fariseo na may awtoridad at kapangyarihan ang Kanyang mga salita. Gayun pa man, panatiko pa rin nilang tinutulan at binatikos ang Panginoong Jesus. Ipinako nila Siya sa krus. Ano ang kanilang natural na katangian at diwa?

Sagot: Alam ng lahat ng mga naniniwala sa Panginoon na tinututulan ng mga Fariseo ang Panginoong Jesus, ngunit ano ang naging ugat, ang tunay na diwa ng kanilang pagtutol? Maaari mong sabihin na sa 2,000 taon ng kasaysayan ng relihiyon, walang sinuman ang nakaalam ng sagot sa katanungang ito. Kahit na ang pagsumpa ng Panginoong Jesus sa mga Fariseo ay nakasulat sa Bagong Tipan, walang sinuman ang nakawari sa diwa ng mga Fariseo. Kapag dumating ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ibubunyag Niya ang kasagutan sa katanungang ito. Basahin natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. “Nais ba ninyong malaman ang pinag-ugatan ng pagkontra ng mga Fariseo kay Jesus? Nais ba ninyong malaman ang diwa ng mga Fariseo? Puno sila ng mga pantasya tungkol sa Mesiyas. Bukod pa riyan, naniwala lamang sila na darating ang Mesiyas, subalit hindi nila hinahangad ang katotohanan ng buhay. Kaya nga, kahit ngayon ay hinihintay pa rin nila ang Mesiyas, sapagkat wala silang kaalaman tungkol sa landas ng buhay, at hindi nila alam kung ano ang landas ng katotohanan. Paano ninyo nasasabi na matatamo ng gayon kahangal, katigas ang ulo at kamangmang na mga tao ang pagpapala ng Diyos? Paano nila mamamasdan ang Mesiyas? Kinalaban nila si Jesus dahil hindi nila alam ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu, dahil hindi nila alam ang landas ng katotohanang binanggit ni Jesus, at, bukod pa riyan, dahil hindi nila naunawaan ang Mesiyas. At dahil hindi pa nila nakita ang Mesiyas kailanman at hindi pa nila nakasama ang Mesiyas kailanman, nagawa nila ang pagkakamali na kumapit lamang sa pangalan ng Mesiyas habang kinakalaban ang diwa ng Mesiyas sa lahat ng posibleng paraan. Ang diwa ng mga Fariseong ito ay mga sutil, mayabang, at hindi sumunod sa katotohanan. Ang prinsipyo ng kanilang paniniwala sa Diyos ay: Gaano man kalalim ang pangangaral Mo, gaano man kataas ang Iyong awtoridad, hindi Ikaw si Cristo maliban kung Ikaw ang tinatawag na Mesiyas. Hindi ba katawa-tawa at kakatwa ang paniniwalang ito?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa).

Sinasabi ito nang malinaw ng Makapangyarihang Diyos. Ang ugat ng pagtutol at pambabatikos ng mga Fariseo sa Panginoong Jesus ay dahil hindi nila iginagalang ang Diyos o hindi man lang naghahanap para sa katotohanan. Sa kaibuturan, matigas ang ulo nila at arogante; hindi nila sinunod ang katotohanan. Tinukoy ng mga Fariseo ang Diyos sa loob ng kanilang mga sariling pagkakaintindi at imahinasyon, sa loob ng mga literal na salita ng Biblia. Sa pangalan lang nila pinanatili ang Mesias. Kahit pa gaano kalalim at kawasto ang mga pangangaral ng Panginoong Jesus, kung paano ang Kanyang mga salita ang siyang katotohanan, o gaano katindi ang awtoridad o kapangyarihan mayroon ang Kanyang mga salita, dahil hindi Mesias ang Kanyang pangalan, sinalungat at binatikos Siya ng mga Fariseo. Ang mga prinsipyo ng kanilang pananalig ay parehong-pareho sa sinabi ng Makapangyarihang Diyos, “Gaano man kalalim ang pangangaral Mo, gaano man kataas ang Iyong awtoridad, hindi Ikaw si Cristo maliban kung Ikaw ang tinatawag na Mesiyas.” Hindi lang sa hindi tinanggap ng mga Fariseo ang mga katotohanan na ipinahayag ng Panginoong Jesus, tinukso pa nila Siya at sinubukang hanapan Siya ng mali. Halimbawa, tinukso nila ang Panginoong Jesus sa pamamagitan ng pagtatanong kung anong awtoridad ang Kanyang ginamit para magsagawa ng mga himala at sinadyang tanungin ang Panginoong Jesus kung maaari ba silang magbayad ng buwis kay Cesar. Tinanong nila ang Panginoong Jesus kung Siya ba ang Anak ng Diyos, Cristo, atbp. Gumanti ang Panginoong Jesus sa kanilang masasamang plano nang may katotohanan at karunungan. Walang lakas ang mga Fariseo para pabulaanan Siya, subalit hindi pa rin nila hinanap ang katotohanan. Panatiko pa rin nilang tinutulan at binatikos ang Panginoong Jesus; ipinaaresto nila ang Panginoong Jesus at inutos na Siya’y ipako sa krus. Tulad ito nang sinabi ng Panginoong Jesus nang sila’y ilantad Niya, “Datapuwa’t ngayo’y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo’y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Diyos… Kung sinasabi ko ang katotohanan, bakit hindi ninyo ako sinasampalatayanan?(Juan 8:40, 46). Samakatuwid, makikita natin na ang mga Fariseo, sa likas na katangian at diwa, ay mga mala-satanas na demonyo, mga kaaway ng Diyos na kinapopootan ang katotohanan! Mga kapatid, anong uri ng tao ang maaaring kapootan at batikusin si Cristo? Isang katotohanan ang malinaw na ipinapakita ng kwento ng mga Fariseo: Ang lahat ng naniniwala sa Diyos ngunit hindi mahal ang katotohanan, napapagod sa katotohanan at napopoot sa katotohanan ay hindi kilala ang Diyos. Dagdag pa rito, tiyak na tinututulan ng mga taong ito ang Diyos at itinuturing Siya bilang kaaway. Dahil ang diwa ni Cristo ay ang katotohanan, ang daan at ang buhay, ang sinumang kinapopootan ang katotohanan ay kinapopootan din si Cristo. Maraming tao na kinapopootan ang katotohanan ang mukhang mabuti sa panlabas; sinusunod nila ang mga patakaran sa Biblia at hindi naman mukhang masasamang tao, ngunit kapag dumating si Cristo para gawin ang Kanyang gawain, lubusang mailalantad itong mga mala-satanas na kaaway na Diyos.

Ang masamang pagtutol ng mga Fariseo at pambabatikos sa Panginoong Jesus ay lubusang naglalantad sa kanilang mala-demonyong diwa: Napopoot sila sa katotohanan at tumututol sa Diyos. Noong nangaral ang Panginoong Jesus at ginawa ang Kanyang gawain, nagpahayag Siya ng maraming katotohanan, nagpakita ng napakaraming himala at binigyan ng masaganang biyaya ang mga tao. Niyanig ng gawain ng Panginoong Jesus ang mga pundasyon ng Judaismo at nayanig ang Judiong estado. Maraming tao ang sumunod sa Panginoong Jesus. Alam ng mga Fariseo na kapag nagpatuloy ang Panginoong Jesus na gawin ang Kanyang gawain, susunod sa Kanya ang lahat ng matatapat sa Judaismo; babagsak ang Judaismo, at mawawala ang kanilang mga posisyon at ikinabubuhay. Samakatuwid, napagpasyahan nilang patayin ang Panginoong Jesus. Tulad ng sabi sa Biblia, “Ang mga pangulong saserdote nga at ang mga Fariseo ay nangagpulong, at nagsipagsabi, Ano ang ginagawa natin? Sapagka’t ang taong ito’y gumagawa ng maraming tanda. Kung siya’y ating pabayaang gayon, ang lahat ng mga tao ay magsisisampalataya sa kaniya: at magsisiparito ang mga Romano at pagkukunin ang ating kinaroroonan at gayon din naman ang ating bansa. … Kaya’t mula nang araw na yaon ay pinagsanggunianan nilang ipapatay siya” (Juan 11:47, 48, 53). Para protektahan ang kanilang kalagayan at kabuhayan, nakipagsabwatan ang mga Fariseo sa gobyerno ng Roma para ipako sa krus ang Panginoong Jesus. Sinabi nila, “Mapasa amin ang kaniyang dugo, at sa aming mga anak” (Mateo 27:25). Tulad ng nakikita n’yo, kinapootan ng mga Fariseo ang katotohanan at kinapootan si Cristo. Matagal na ang nakalipas nang dumating sila sa punto kung saan hindi na nila gustong makasama si Cristo! Mas gusto pa nilang pabayaan ang kanilang handog dahil sa kasalanan kaysa hindi ipako sa krus ang Panginoong Jesus; mas gusto pa nilang gumawa ng malalaking kasalanan, tutulan ang Diyos at saktan ang Diyos at maisumpa ang kanilang mga anak na lalake at mga lalakeng apo kaysa hindi ipako sa krus ang Panginoong Jesus, ang Siyang nagpapahayag sa katotohanan ng pagtubos para sa sangkatauhan. Iyan ang totoong, mala-satanas, likas na katangiang galit sa katotohanan at diwa ng mga Fariseo. Noong ipinako sa krus ang Panginoong Jesus, nagdilim ang araw, nayanig ang lupa at napunit ang kurtina ng templo. Matapos muling mabuhay ng Panginoong Jesus, nagpakita muli Siya sa mga tao. Matapos malaman ng mga tao ang mga katunayang ito, nagsisi sila sa kanilang mga kasalanan at bumalik sa Panginoong Jesus. Tungkol sa mga Fariseo? Hindi lang sa hindi sila nagsisi, ngunit mas lalo pa silang naging kontrapelong kaaway ng Panginoong Jesus. Nagbayad sila ng mga sundalo para bulaang sumaksi at sabihing hindi muling nabuhay ang Panginoong Jesus. Nang ipinalaganap ng mga apostol ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus, panatikong hinuli at inusig sila ng mga Fariseo. Gusto nilang ipagbawal ang gawain ng Panginoong Jesus para makuha ang kanilang ambisyon na tuluyang makontrol ang relihiyosong komunidad. Naniniwala ang mga Fariseo sa pangalan lang ng Diyos. Sa katunayan, kinapootan nila ang katotohanan at nilabanan ang Diyos. Ang diwa ng kanilang pagtutol at pambabatikos sa Panginoong Jesus ay ang mga sumusunod: Sinusubukan nilang makipagsabayan sa Diyos at sukatin Siya; nakikipaglaban sila sa Diyos. Ang pagkaarogante ng kanilang pagtutol at pagkapoot sa Panginoong Jesus ang lubusang nagpalantad sa kanilang mga ambisyon at naglantad sa kanilang masamang, mala-satanas na mukha. At saka, inilantad nito ang kanilang mala-demonyong anticristong likas na katangian: ang pagtanggi na magsisi, isang pinatinding pagkapoot sa katotohanan at pagkapoot sa Diyos. Hindi ba’t ganoon kung paano ituring ng mga pastor at elder sa relihiyosong komunidad ang Makapangyarihang Diyos? Kung malinaw lang nating makikita kung paano tumutol at bumatikos ang mga pastor at elder sa Makapangyarihang Diyos, tiyak na malalaman natin na sa parehong paraan tumutol at binatikos ng mga Fariseo ang Panginoong Jesus.

2,000 taon ang nakalipas, ipinako sa krus ng mga Judiong punong saserdote, tagasulat, at Fariseo ang Panginoong Jesus. Lumipas ang 2,000 taon, ginawa ng mga relihiyosong lider na maulit ang kasaysayan sa pamamagitan ng muling pagpako sa Diyos sa krus! Nakita nating lahat na isinagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos sa mga huling araw. Nagpapahayag Siya ng mga katotohanan na naglilinis at nagliligtas sa sangkatauhan. Isinisiwalat Niya ang lahat ng mga misteryo sa plano sa pamamahala ng Diyos. Hinahatulan at inilalantad Niya ang mala-satanas na likas na katangian ng sangkatauhan na tumututol at nagtatakwil sa Diyos. Ipinakita Niya sa kanila ang Kanyang matuwid na disposisyon na hindi maaaring masaktan. Katotohanan ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Mayroon awtoridad at kapangyarihan ang mga ito at lubos tayong kinukumbinsi. Naglilinis at nagliligtas sa sangkatauhan ang mga katotohanang ito. Kung gayon, paano naman ang mga pastor at elder sa panahon ngayon? Wala silang pakialam kung paano na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, kung gaano katinding awtoridad at kapangyarihan mayroon ang Kanyang mga salita, kung paano na ang mga ito ay malilinis at maililigtas ang tao Mahigpit pa rin nilang pinapanatili ang kanilang kamalian: “Ang sinumang hindi bumaba na nasa mga alapaap at dadalhin ako sa kaharian ng langit ay hindi ang pagbabalik ng Panginoong Jesus.” Gigil na gigil silang tutulan at batikusin ang Makapangyarihang Diyos. Sa pangalan lang nila sinusunod ang Panginoong Jesus, subalit panatikong tinututulan at binabatikos ang Makapangyarihang Diyos. May pinagkaiba ba ’yan sa mga Fariseo noong pinanghawakan nila ang pangalan ng Mesias ngunit tinutulan at binatikos ang Panginoong Jesus? Hindi ba’t pareho ang kanilang diwa sa mga Fariseo: matigas ang ulo, arogante, sinusuway ang katotohanan, kinapopootan ang katotohanan? Naniniwala lang sila sa malabong Diyos sa taas sa langit, at kanilang itinatanggi, tinututulan at binabatikos ang nagkatawang-taong Cristo; sila ay mga kalabang hindi na maaaring ipagkasundo kay Cristo. Hindi ba sila mga anticristo na tinatanggihan, binabatikos at tinututulan si Cristo? Sabi ng Biblia, “at gaya ng inyong narinig na darating ang anticristo, kahit ngayon ay lumitaw ang marami nang anticristo; kaya nga nalalaman natin na ito na ang huling oras” (1 Juan 2:18). “Sapagka’t maraming mandaraya na nangagsilitaw sa sanlibutan, samakatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang mandaraya at ang anticristo” (2 Juan 1:7). Samakatuwid, ang lahat nang hindi kinikilala ang nagkatawang-taong Diyos ay mga anticristo. Mga anticristo ang lahat nang tumututol at bumabatikos kay Cristo. Samakatuwid, nailantad ang mga Judiong Fariseo bilang mga anticristo sa pamamagitan ng gawain ng Panginoong Jesus. Ang mga pastor at elder sa mga huling araw ay mga anticristo lahat na inilantad ng gawain ng Makapangyarihang Diyos. Talagang naglalantad ng mga tao ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao! Katotohanan ang lahat ng bagay na ipinapahayag ni Cristo sa mga huling araw. Hindi lang Niya inilantad ang mga matalino at mga hangal na birhen, Inilalantad Niya ang lahat ng uri ng anticristo at mga hindi mananampalataya. Katotohanan ito na walang sinuman ang makakatanggi!

Ang mga relihiyosong lider sa mga huling araw at ang mga Judiong punong saserdote, tagasulat, at Fariseo, ay pareho ang diwa at mga ugat ng kanilang pagtutol sa Diyos. Ang mga paraan ng mga pastor at elder sa pagtutol sa Diyos ay mas masahol kaysa sa yaong mga punong saserdote, tagasulat, at Fariseo. Nang nagsimula ang Makapangyarihang Diyos sa paggawa ng Kanyang gawain ng paghatol mula sa tahanan ng Diyos, ang lahat ng mga tao sa iba’t-ibang sekta ay dinala sa harapan ng trono ng Diyos, basta’t mahal nila ang katotohanan at inaasam ang pagpapakita ng Diyos. Ang mga pastor at elder ay hindi tumitigil upang labanan at batikusin ang Makapangyarihang Diyos, Ang lahat ay pagtatangka para pigilan ang matapat at patatagin ang kanilang mga posisyon at kabuhayan. Nagkakalat sila ng mga tsismis, bulaang sumasaksi at nilalapastangan ang Makapangyarihang Diyos; sinasaraduhan nila ang iglesia at mahigpit na pagbabawalan ang mga mananampalataya mula sa pag-aaral ng gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Kanilang binabantaan, tinatakot, kunukutya at binubugbog ang mga kapatiran na nagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian. Nakipagsabwatan pa sila sa mga mala-demonyong CCP para sila’y bihagin at usigin, nag-iwan ng daan-libong mga kapatiran na walang tahanang babalikan. Hindi bababa sa isang daang libong mga tao ang brutal na pinahirapan ng CCP. Marami ang napatay… Ang pagtutol ng mga pastor at elder sa Makapangyarihang Diyos ay mas panatiko pa kaysa sa naging pagtutol ng mga Fariseo sa Panginoong Jesus. Napakarami ng kanilang masasamang gawain sa pagtutol sa Diyos. Matagal na panahon na silang hinatulan at isinumpa ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ilan sa kanila ang naghahanap sa katotohanan at sumusunod sa katuwiran? Silang lahat ay mga hayop, walang ipinagkaiba sa mga baboy at aso, namumuno sa isang pangkat ng mababahong langaw, iwinawagwag ang kanilang ulo nang buong kayabangan para batiin ang kanilang sarili at nagpapasimula ng lahat ng klase ng gulo,[1] sa gitna ng isang tumpok ng dumi ng hayop. Naniniwala sila na ang kanilang hari ng impiyerno ang pinakadakilang hari sa lahat, nang hindi natatanto na sila mismo ay katulad ng mababahong langaw. … May berdeng mga pakpak sa kanilang likod (tumutukoy ito sa pahayag nila na naniniwala sila sa Diyos), hambog sila at ipinagyayabang nila sa lahat ng dako ang sarili nilang kagandahan at pang-akit, samantalang lihim nilang inihahagis sa tao ang karumihan sa sarili nilang katawan. Bukod pa rito, labis silang nasisiyahan sa kanilang sarili, na para bang magagamit nila ang isang pares ng mga pakpak na kakulay ng bahaghari para itago ang sarili nilang karumihan, at sa pamamagitan nito ay isinisisi nila ang kanilang kaapihan sa pag-iral ng tunay na Diyos (tumutukoy ito sa nangyayari sa likod ng mga tagpo sa daigdig ng relihiyon). Paano malalaman ng tao na, nakabibighani man ang ganda ng mga pakpak ng isang langaw, ang langaw mismo ay isa ring maliit na nilikha, na puno ng dumi ang tiyan at balot ng mga mikrobyo ang katawan? Sa lakas ng mga baboy at aso na taglay nila para sa mga magulang, naghuhuramentado sila sa buong lupain (tumutukoy ito sa paraan kung saan umaasa ang mga opisyal ng relihiyon na umuusig sa Diyos sa malakas na suporta ng gobyerno ng bansa upang labanan ang tunay na Diyos at ang katotohanan), na walang pumipigil sa kanilang kalupitan. Parang nagbalik ang mga multo ng mga Judiong Fariseo na kasama ng Diyos sa bansa ng malaking pulang dragon, pabalik sa dati nilang pugad. Nagsimula na sila ng isa pang pag-uusig, na itinutuloy ang kanilang gawain ilang libong taon na ang nakararaan. Ang grupong ito ng masasamang tao ay tiyak na masasawi sa lupa sa huli!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 7). Ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay publikong ibinahagi sa pamamagitan ng mga pahayagan, TV at Internet matagal na panahon na ang nakalipas. Ang lahat ng uri ng mga pelikula at video na pang-ebanghelyo ay nakalagay na sa Internet para hayagang magpatotoo sa pagpapakita at gawain ng Diyos sa buong mundo. Pangkalahatang nagdulot ito ng malaking alon sa relihiyosong komunidad at sa sangkatauhan. Ang mga pastor at elder sa relihiyosong komunidad ay nakita na ang lumalaking kalakaran: Pangkalahatang nilulupig ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos yaong mga nasa relihiyosong komunidad at sa sangkatauhan. Walang tao at walang puwersa ang makakapigil nito. Naging iritable sila at gigil na gigil na tinututulan at binabatikos ang Makapangyarihang Diyos. Sinusubukan nilang ipagbawal ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at makamit ang kanilang pinapangarap: walang hanggang kontrol sa relihiyosong komunidad at walang hanggang hegemonya sa mga piniling tao ng Diyos. Sapat na ang mga katunayang ito para patunayan na ang mga relihiyosong pastor at elder sa mga huling araw ay ang pagpapakitang muli ng mga Fariseo! Sila ang mga demonyong anticristo na nagsusumikap sa abot ng kanilang makakaya para gambalain at sirain ang gawain ng Diyos at nanunumpa hanggang kamatayan na maging mga kaaway ng Diyos! Pinukaw na ng napakaraming masasamang gawain nila ang disposisyon ng Diyos. Paano nila matatakasan ang matuwid na paghatol at kaparusahan ng Diyos?

mula sa iskrip ng pelikulang Babagsak ang Lungsod

Talababa:

1. Ang “nagpapasimula ng lahat ng klase ng gulo” ay tumutukoy sa kung paano ginugulo, hinahadlangan at nilalabanan ng demonyong mga tao ang gawain ng Diyos.

Sinundan: Tanong 12: Hindi naiintindihan ng karamihan sa ating mga kapatiran: Bago ang pagdating ng Panginoong Jesus, madalas na ipinapaliwanag ng mga Fariseo sa iba ang Biblia sa sinagoga; tumatayo sila sa harapan ng mga tao at nagdadasal at ginagamit ang mga patakaran sa Biblia para mabatikos ang mga tao; Mukha silang napakagalang sa panlabas, tulad ng mga taong hindi kailanman itatakwil ang Biblia, ngunit bakit isinumpa ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo? Sa anong paraan sila tumutol sa Diyos? Paano nila ipinakita ang kanilang pagiging hipokrito? Bakit nakamtan nila ang galit ng Diyos?

Sumunod: Tanong 14: Maraming mga kapatiran ang taos-pusong pinupuri ang mga pastor at elder. Hindi nila naiintindihan kung bakit, kahit pa madalas na ipinapaliwanag ng mga pastor at elder ang Biblia at dinadakila ang Biblia, kinapopootan pa rin nila ang katotohanan at tinututulan at binabatikos ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao. Ang pagpapaliwanag sa Biblia at pagdakila sa Biblia, parehas ba ’yon sa pagsaksi sa Panginoon at pagdakila sa Panginoon?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito