Tanong 4: Noong isang gabi nabasa ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan sa Kaligtasan ng Diyos na Nagkatawang-tao.” Sa palagay ko napakagandang talata ito ng salita ng Diyos, lubhang praktikal, at napakahalaga. Hinggil sa kung bakit kailangang matanggap ng sangkatauhan ang pagliligtas ng Diyos na nagkatawang-tao, ito’y isang aspeto ng katotohanan na kailangang maunawaan kaagad ng tao. Puwedeng ibahagi pa ninyo sa amin ang tungkol dito

Sagot:Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao,” ang talatang ito ng salita ng Diyos ay lubusang nagpapaliwanag sa kahulugan ng kaligtasan ng tiwaling sangkatauhan sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Basahin natin mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos.

Tiyak na dahil natiwali na ni Satanas ang laman ng tao, at ang tao ang siyang hinahangad iligtas ng Diyos, kaya kailangang magkatawang-tao ang Diyos upang makipagdigma kay Satanas at upang personal na akayin ang tao. Ito lamang ang kapaki-pakinabang sa Kanyang gawain(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan).

Nagawa nang tiwali ni Satanas ang laman ng tao, at lubusan na itong binulag, at matinding pininsala. Ang pinakapangunahing dahilan kung bakit gumagawa ang Diyos nang personal sa katawang-tao ay dahil ang tao, na mula sa laman, ang layon ng Kanyang pagliligtas, at dahil ginagamit din ni Satanas ang laman ng tao upang gambalain ang gawain ng Diyos. Ang pakikipaglaban kay Satanas ang talagang gawain ng panlulupig sa tao, at kasabay nito, ang tao rin ang layon ng pagliligtas ng Diyos. Sa ganitong paraan, napakahalaga ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Ginawang tiwali ni Satanas ang laman ng tao, at naging sagisag ni Satanas ang tao, at naging layon na gagapiin ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang gawain ng pakikipaglaban kay Satanas at pagliligtas sa buong sangkatauhan ay nagaganap sa lupa, at dapat maging tao ang Diyos upang makipaglaban kay Satanas. Ito ang gawain na sukdulang praktikal(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao).

Malalimang nagawang tiwali ang laman ng tao, at naging isang bagay ito na lumalaban sa Diyos, kung kaya’t lantaran pa nga itong sumasalungat at nagtatatwa sa pag-iral ng Diyos. Sadyang napakahirap nang mapaamo ang tiwaling laman na ito, at wala nang higit na mahirap pakitunguhan o baguhin kaysa sa tiwaling disposisyon ng laman. Pumapaloob si Satanas sa laman ng tao upang magpasimula ng mga kaguluhan, at ginagamit nito ang laman ng tao upang gambalain ang gawain ng Diyos, at pinsalain ang plano ng Diyos, at sa gayon ay naging si Satanas ang tao, at naging kaaway ng Diyos. Upang mailigtas ang tao, dapat muna siyang malupig. Ito ang dahilan kung bakit humaharap sa hamon ang Diyos at nagsasakatawang-tao upang gawin ang gawain na nilalayon Niyang gawin, at upang labanan si Satanas. Ang Kanyang layunin ay ang kaligtasan ng tao, na naging tiwali, at ang pagkagapi at pagkalipol ni Satanas, na naghihimagsik laban sa Kanya. Nagagapi Niya si Satanas sa pamamagitan ng Kanyang gawain ng panlulupig sa tao, at kasabay na inililigtas ang tiwaling sangkatauhan. Kaya’t isang gawain ito na sabay nakakamit ang dalawang layunin(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao).

Kapag gumagawa ang Diyos sa katawang-tao, tunay Siyang nakikipaglaban kay Satanas sa katawang-tao. Kung gumagawa Siya sa katawang-tao, ginagawa Niya ang Kanyang gawain sa espirituwal na dako, at ginagawa Niyang tunay sa lupa ang kabuuan ng Kanyang gawain sa espirituwal na dako. Tao ang nalulupig, tao na hindi masunurin sa Kanya, at ang nagagapi ay ang pinakalarawan ni Satanas (mangyari pa, ito ay tao rin), na nakikipag-alitan sa Kanya, at tao rin ang naliligtas sa dakong huli. Sa ganitong paraan, higit pang kinakailangan para sa Diyos na maging isang tao na may panlabas na anyo ng isang nilalang, upang magawa Niya ang tunay na pakikipaglaban kay Satanas, upang malupig ang tao, na mapanghimagsik sa Kanya at nag-aangkin ng panlabas na kaanyuan na katulad ng sa Kanya, at upang mailigtas ang tao, na may panlabas na kaanyuan na tulad Niya at napinsala na ni Satanas. Tao ang Kanyang kaaway, tao ang pakay ng Kanyang paglupig, at tao, na nilikha Niya, ang layon ng Kanyang pagliligtas. Kaya’t dapat Siyang maging tao, at sa ganitong paraan, nagiging higit na madali ang Kanyang gawain. Nagagawa Niyang gapiin si Satanas at lupigin ang sangkatauhan, at, higit pa rito, nagagawang iligtas ang sangkatauhan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao).

Mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos kinikilala natin na ang dahilan kung bakit kailangang iligtas ang tiwaling sangkatauhan sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay dahil ang katawan ng tao ay lubusang nalinlang at ginawang tiwali ni Satanas. Ang buong sangkatauhan ay nabubuhay sa ilalim ng nasasakupan ni Satanas, hindi nila alam ang pagkakaiba ng mabuti at masama, kagandahan at kapangitan. Hindi nila masabi kung ano ang pagkakaiba ng positibo at negatibo. Nabubuhay sila ayon sa pilosopiya, batas at likas na katangian ni Satanas, sila ay arogante, mapagmalinis, walang ingat, at walang sinusunod na batas. Silang lahat ay mga larawan ni Satanas at naging masama, nakikipagsabwatan kay Satanas upang labanan ang Diyos, gayunman hindi nila natatanto iyan. Ang Diyos ang Lumikha, tanging Diyos ang lubusang nakaaalam sa likas na katangian ng tao, kung gaano ang kanilang pagkatiwali. At tanging Diyos ang makapaglalantad at makakapagsuri sa mala-satanas na likas ng tao at tiwaling disposisyon, makapagsasabi sa tao kung paano mamuhay at kumilos bilang mga tao, at lubusang makalulupig, makadadalisay, at makapagliligtas sa sangkatauhan. Maliban sa Diyos, walang taong nilikha na makakakita sa diwa ng pagkatiwali ng tao at tiyak na hindi maibibigay sa tao ang katotohanan ng kung paano kumilos bilang mga tao. Kaya’t kung tunay na nais ng Diyos na ipaglaban ang lubhang tiwaling sangkatauhan mula sa pagkakasakmal ni Satanas at iligtas sila, at kung ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay personal na nagpapahayag ng katotohanan at disposisyon ng Diyos at sinasabi sa tao ang lahat ng katotohanang kailangan niyang taglayin, tinutulutan ang tao na maunawaan ang katotohanan, makilala ang Diyos, at makita ang masasamang balak ni Satanas at ang maraming kamalian, doon lamang maaaring talikuran at tanggihan ng tao si Satanas ang magbalik sa harapan ng Diyos. Gayundin, inilalantad ng gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos ang lahat ng uri ng mga tao. Dahil lahat ng tao ay arogante at tumatangging pasakop. Kapag ang Diyos ay nagkatawang-tao upang ipahayag ang katotohanan, iba-iba ang tugon ng mga tao sa kanilang mga pagkaintindi, pagkalaban at maging digmaan. Sa gayon, ang katotohanan ng tiwaling pagkalaban ng sangkatauhan at pagtataksil sa Diyos ay lubusang nalalantad at isinasagawa ng Diyos ang Kanyang paghatol sa tao batay sa katiwaliang ibinubunyag nila at kanilang likas na pagkatao. Tanging sa ganitong paraan, maisasagawa ang paglupig, pagdadalisay, at pagperpekto ng Diyos sa sangkatauhan sa maayos na paraan. Sa paghatol sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, ang tao ay dahan-dahang nalulupig at nadadalisay. Kapag ang tao ay ganap nang nalupig, nagsisimula siyang sumunod sa Diyos na nagkatawang-tao, sinisimulan niyang tanggapin at sundin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos at maranasan ang gawain ng Diyos, nagpapasiya siyang hanapin ang katotohanan at hindi na muling mamuhay ayon sa pilosopiya at mga patakaran ni Satanas. Kapag ang tao ay lubusang namuhay ayon sa salita ng Diyos, sa gayon lubusang nagapi ng Diyos si Satanas at ang tiwaling tao ay nagsisilbing samsam ng Kanyang pagtatagumpay laban kay Satanas. Kung tutuusin, ipinakikipaglaban ng Diyos ang tiwaling sangkatauhan mula sa pagsakmal ni Satanas. Tanging ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ang may gayong epekto. Ito ang talagang kailangan sa pagkakatawang-tao ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan, at tanging ang Diyos na nagkatawang-tao ang lubusang makakalupig at makapagliligtas sa sangkatauhan. Ang mga taong ginagamit ng Diyos ay hindi kayang gawin ang gawain ng pagtubos at pagliligtas ng sangkatauhan.

Tanging kapag nagkatawang-tao ang Diyos at personal na dumating para gumawa sa gitna ng mga tao, nagpapahayag ng katotohanan upang malutas ang katiwalian, likas at diwa ng tao, maaaring madalisay at maligtas ang tao. Ang pagkakatawang-tao ng Diyos ang kailangang-kailangan nating mga taong tiwali. Kung sumasampalataya lamang tayo sa Diyos ng mataas na kalangitan at nauunawaan lamang at nag-uusap tungkol sa hungkag na mga teoriya ng relihiyosong daigdig, hindi natin kailanman makikilala ang Diyos at hindi kailanman maililigtas ng Diyos. Talagang kailangan ng taong tiwali ang Diyos na magkatawang-tao upang personal siyang hatulan at dalisayin kung nais niyang maligtas. Tungkol naman sa interaksiyon sa tao ng Diyos na nagkatawang-tao, tinutulutan Niyang maunawaan at makilala ng tao ang Diyos nang harapan. Dahil ang mga tunay na naghahanap ng katotohanan ay tinatanggap ang paghatol at pagdadalisay ni Cristo ng mga huling araw, likas nilang nasusunod ang Diyos at nadarama sa kanilang puso ang pagmamahal sa Diyos at lubusang naililigtas mula sa nasasakupan ni Satanas. Hindi ba’t ito ang pinakamainam na paraan upang maligtas at magawang perpekto ng Diyos ang sangkatauhan? Dahil ang Diyos ay nagkatawang-tao, nagkaroon tayo ng pagkakataong makaharap ang Diyos at maranasan ang Kanyang tunay na gawain, at nagkaroon ng pagkakataong tanggapin ang suplay ng tumpak na salita ng Diyos at mapastol at madiligan Niya mismo kaya’t nagsisimula tayong umasa sa Diyos, sundin ang Diyos, at talagang mahalin Siya. Kung hindi nagkatawang-tao ang Diyos para gawin ang pagliligtas sa sangkatauhan, ang praktikal na epektong ito ay hindi makakamtan. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang pinakamainam na bagay tungkol sa Kanyang gawain sa katawang-tao ay maaari Siyang mag-iwan ng tumpak na mga salita at mga pangaral, at ang Kanyang tiyak na kalooban para sa sangkatauhan patungkol sa mga taong sumusunod sa Kanya, sa gayon pagkatapos, ang Kanyang mga tagasunod ay maaaring higit na tumpak at higit na konkretong maipasa ang lahat ng Kanyang mga gawain sa katawang-tao, at ang Kanyang kalooban para sa buong sangkatauhan, sa mga tumatanggap sa ganitong daan. Tanging ang gawain ng Diyos sa katawang-tao sa gitna ng tao ang tunay na nagsasakatuparan sa katunayan ng pakikisama ng Diyos at pamumuhay kasama ng tao. Tanging ang gawaing ito ang nagsasakatuparan sa mithiin ng tao na mamasdan ang mukha ng Diyos, masaksihan ang gawain ng Diyos, at marinig ang personal na salita ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao). “Ang pinakamahalagang gawain sa tiwaling tao ay yaong nagbibigay ng tumpak na mga salita, malinaw na mga layunin na dapat pagsumikapang matamo, at na maaaring makita at mahawakan. Tanging makatotohanang gawain at napapanahong patnubay ang angkop sa panlasa ng tao, at tanging tunay na gawain ang makapagliligtas sa tao mula sa kanyang tiwali at napakasamang disposisyon. Maaari lamang itong makamit ng Diyos na nagkatawang-tao; tanging ang Diyos na nagkatawang-tao ang makapagliligtas sa tao mula sa kanyang dating tiwali at napakasamang disposisyon(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao). “Samakatuwid, higit na kinakailangan ng tiwaling sangkatauhan ang pagliligtas ng Diyos na nagkatawang-tao, at higit na nangangailangan ng tuwirang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Kinakailangan ng sangkatauhan ang Diyos na nagkatawang-tao upang patnubayan siya, alalayan siya, diligin siya, pakainin siya, hatulan at kastiguhin siya, at nangangailangan siya ng higit na biyaya at lalong higit na pagtubos mula sa Diyos na nagkatawang-tao. Tanging ang Diyos sa katawang-tao ang makakayang maging katiwalang-loob ng tao, ang pastol ng tao, ang laging handang pagsaklolo sa tao, at ang lahat ng ito ay ang pangangailangan ng pagkakatawang-tao ngayon at sa mga lumipas na panahon(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao).

Kapag ang Diyos ay naging tao para iligtas ang tiwaling sangkatauhan, magagamit Niya ang wika ng mga tao para malinaw na sabihin sa sangkatauhan ang mga hinihingi ng Diyos, ang Kanyang kalooban, Kanyang disposisyon at lahat ng mayroon at kung ano Siya. Sa ganitong paraan, nang hindi na nagsasaliksik, kayang maunawaan ng tao ang kalooban ng Diyos nang buong linaw, malaman ang mga hinihingi ng Diyos at ang paraan na dapat nilang sundin. Sa gayon, maaari din silang magkaroon ng praktikal na pang-unawa at kaalaman tungkol sa Diyos. Tulad sa Kapanahunan ng Biyaya, nagtanong si Pedro sa Panginoong Jesus, “Panginoon, makailang magkakasala ang aking kapatid laban sa akin na siya’y aking patatawarin? hanggang sa makapito?” (Mateo 18:21). Direktang sinabi ni Jesus kay Pedro: “Hindi ko sinasabi sa iyo, Hanggang sa makapito; kundi, Hanggang sa makapitongpung pito(Mateo 18:22). Mula dito makikita natin na pinakain at sinuportahan ng nagkatawang-taong Panginoong Jesus ang mga tao anumang oras at saanman Siya nagpunta, ibinibigay sa tao ang pinaka-praktikal at malinaw na suplay o panustos. Sa mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos ay nagkatawang-tao kasama ng mga tao, ipinapahayag ang katotohanan upang ayusin ang aktuwal na situwasyon ng tao, ipinapahayag ang disposisyon ng Diyos at ang lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos upang suportahan at suplayan ang sangkatauhan, itinuturo ang lahat ng hindi tama at mga kamalian sa paniniwala ng tao sa Diyos, ipinapaalam sa tao ang kalooban ng Diyos at ang Kanyang mga hinihingi, ibinibigay sa tao ang pinaka-praktikal at tumpak na suplay ng buhay at panustos. Halimbawa, kapag nabubuhay tayo sa pagrerebelde at pagkalaban sa Diyos nang hindi ito nalalaman, direkta tayong inilalantad at hinahatulan ng salita ng Diyos, upang makita natin, sa salita ng Diyos, kung paano na ang mismong mala-satanas na kalikasan natin ay lumalaban sa Diyos. Kapag sinusunod natin ang Diyos para sa sarili nating kapakinabangan at nagmamalinis sa paggawa nito, inilalantad ng Diyos ang ating mga kakulangan at sinasabi sa atin kung ano ang dapat nating paniwalaan bilang mga alagad ng Diyos. Kapag mali ang ating pagkaunawa sa Diyos sa ating karanasan sa Kanyang paghatol, ipinapaalala sa atin ng salita ng Diyos ang marubdob na mga hangarin kung saan inililigtas at hinahatulan ng Diyos ang sangkatauhan, nilulutas ang ating mga maling pagkaunawa sa Diyos, atbp. Lahat ng pinili ng Diyos ay naranasang mabuti kung paano tayo palaging tinutulungan at sinusuplayan ng Diyos na nagkatawang-tao kaya hindi tayo kailangang magbaka-sakali at magsaliksik. Ang kailangan lang nating gawin ay basahin pa ang salita ng Makapangyarihang Diyos upang makamtan ang pinaka-praktikal na pagpapakain at pagdidilig ng Diyos. Sa pamamagitan ng salitang ipinapahayag ng Diyos, nagkakaroon tayo ng tunay na pang-unawa sa kalooban ng Diyos, sa Kanyang disposisyon at lahat ng mayroon at kung ano Siya at sa pang-unawang ito, nalalaman natin kung paano magpatuloy sa gayong paraan upang magkaroon ng tunay na buhay at malaman kung paano makakakita sa kabila ng mga balak ni Satanas, nang malinaw kung paano tayo mismo ginawang tiwali ni Satanas sa kaibuturan, at sa paggawa nito, dahan-dahang itinatakwil ang ating kasalanan at ang madilim na impluwensya ni Satanas. Bilang bunga, nagbabago ang ating disposisyon sa buhay at tinatahak natin ang tamang landas, ipinamumuhay ang katunayan ng katotohanan. Ginawang posible ng pagkakatawang-tao ng Diyos ang lahat ng ito.

Ang Diyos ay nagkatawang-tao para gumawa at ipahayag ang Kanyang salita, upang makamit ng tao ang pinaka-praktikal na suplay ng buhay at panustos. Sa kabila ng katunayan na ang tao ay maraming paniwala hinggil sa gawaing paghatol ng Diyos na nagkatawang-tao, dinala ng Diyos sa tao ang landas ng buhay at ang walang katapusang kaligtasan, at natuto ang tao na umasa sa Kanya! Basahin pa natin ang isa pang sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos.

Walang paraan upang ipalagay o sukatin ang gawain na ginagawa Niya sa katawang-tao, dahil ang Kanyang katawang-tao ay hindi katulad ng sa sinumang taong may laman; bagama’t magkatulad ang panlabas na kaanyuan, ang diwa ay hindi magkatulad. Ang Kanyang katawang-tao ay nagbubunga ng maraming kuru-kuro sa mga tao tungkol sa Diyos, ngunit ang Kanyang katawang-tao ay maaari ding magpahintulot sa tao na makakuha ng maraming kaalaman, at maaari pa ngang lumupig sa sinumang tao na nagtataglay ng isang katulad na panlabas na kaanyuan. Dahil Siya ay hindi lamang isang tao, kundi Diyos na may panlabas na kaanyuan ng isang tao, at walang maaaring ganap na makaarok o makaunawa sa Kanya(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao).

Dahil sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao na ang Diyos ay nagiging katawang-tao na may isang nahahawakang anyo, at maaaring makita at mahawakan ng tao. Hindi Siya isang walang-hugis na Espiritu, kundi isang katawang-tao na maaaring makita at makaugnayan ng tao. Gayunman, karamihan ng mga Diyos na pinaniniwalaan ng mga tao ay mga walang-katawang diyos na walang hugis, na mga wala ring anyo. Sa ganitong paraan, ang Diyos na nagkatawang-tao ay naging kaaway na ng karamihan sa mga taong naniniwala sa Diyos, at yaong mga hindi makatanggap ng katotohanan ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay tulad nilang naging mga kalaban ng Diyos. … Bagama’t karamihan ng mga tao ay naging mga kaaway na ng Diyos dahil sa katawang-tao na ito, kapag winakasan Niya na ang Kanyang gawain, yaong mga taong laban sa Kanya ay hindi lamang hihinto sa pagiging mga kaaway Niya, bagkus ay magiging mga saksi Niya. Magiging mga saksi sila na Kanya nang nalupig, mga saksi na kaayon Niya at hindi maihihiwalay sa Kanya. Magsasanhi Siya na malaman ng tao ang kahalagahan ng Kanyang gawain sa katawang-tao sa tao, at malalaman ng tao ang kahalagahan ng katawang-tao na ito sa kahulugan ng pag-iral ng tao, malalaman ang Kanyang tunay na halaga sa paglago ng buhay ng tao, at, higit pa rito, malalaman na ang katawang-tao na ito ay magiging isang buhay na bukal ng buhay kung saan hindi makakaya ng tao na mapahiwalay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao).

Kahit na totoong ang Diyos ay nag-anyong karaniwang Anak ng tao sa Kanyang pagkakatawang-tao sa mga huling araw para iligtas at gawing perpekto ang sangkatauhan, sa kabila ng hindi Niya paggawa ng mga tanda at kababalaghan, at hindi pagtataglay ng kahima-himalang mga katangian o malaking pangangatawan at Kanyang pagiging tampulan ng mga pagkaintindi ng tao, kanilang pagtatwa, pagkalaban, at pagtanggi, ang katotohanang ipinapahayag ni Cristo at ang gawain ng paghatol na Kanyang isinasakatuparan ay nagbigay sa tao ng suplay ng salita ng Diyos, at tinulutan silang makamit ang katotohanan at makita ang pagpapakita ng Diyos. Bagama’t hindi natin nakita ang tunay na pagkatao ng Diyos, nakita natin ang Kanyang likas na disposisyon, at ang Kanyang banal na diwa, na para na ring nakita natin ang Kanyang tunay na pagkatao. Nakita nating tunay na namumuhay ang Diyos sa ating piling. Talagang dama nating dinala tayo sa harapan ng luklukan, nararanasan ang gawain ng Diyos nang harapan sa Diyos, at tinatamasa ang suplay ng tubig na buhay na dumadaloy mula sa luklukan, at nagsisimulang tunay na mahalin at sundin ang Diyos. Dahil naranasan ang paggawa ng Diyos hanggang sa ngayon, natanto nating lahat na Si Cristo ng mga huling araw ay ang pinakadakilang kaligtasan ng tiwaling sangkatauhan. Siya lamang ang landas tungo sa kaalaman ukol sa Diyos at sa pagtanggap ng papuri ng Diyos! Basahin natin ang isa pang talata ng salita ng Makapangyarihang Diyos.

Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Sa pagkakataong ito, pumaparito ang Diyos upang gumawa ng gawain hindi sa espirituwal na katawan, kundi sa isang napakakaraniwang katawan. Bukod dito, hindi lamang ito ang katawan ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, ito rin ang katawan kung saan bumabalik ang Diyos sa katawang-tao. Isa itong napakapangkaraniwang katawang-tao. Wala kang makikitang anumang nag-aangat sa Kanya mula sa iba, ngunit maaari kang magkamit mula sa Kanya ng mga katotohanang hindi pa dating narinig. Itong hamak na katawang-taong ito ang kumakatawan sa lahat ng mga salita ng katotohanan mula sa Diyos, nangangasiwa sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at nagpapahayag ng kabuuan ng disposisyon ng Diyos upang maintindihan ng tao. Hindi mo ba lubhang ninanais na makita ang Diyos na nasa langit? Hindi mo ba lubhang ninanais na maunawaan ang Diyos na nasa langit? Hindi mo ba lubhang ninanais na makita ang hantungan ng sangkatauhan? Sasabihin Niya sa iyo ang lahat ng mga lihim na ito—mga lihim na wala pang sinumang taong nakapagsabi sa iyo, at sasabihin din Niya sa iyo ang mga katotohanang hindi mo nauunawaan. Siya ang pintuan mo patungo sa kaharian, at gabay mo patungo sa bagong kapanahunan. … Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang pahintulutan ang tao na makita ang Diyos na nasa langit na namumuhay kasama ng mga tao sa lupa, at bigyang-kakayahan ang tao na mabatid, sundin, igalang, at mahalin ang Diyos. Ito ang dahilan kung bakit bumalik Siya sa katawang-tao sa pangalawang pagkakataon. Kahit na ang nakikita ng tao ngayon ay isang Diyos na katulad ng tao, isang Diyos na mayroong ilong at dalawang mga mata, at isang hindi kapansin-pansing Diyos, sa huli, ipakikita sa inyo ng Diyos na kung hindi umiral ang taong ito, magdadaan ang langit at lupa sa napakatinding pagbabago; kung hindi umiral ang taong ito, magdidilim ang kalangitan, malulublob sa kaguluhan ang lupa, at mamumuhay ang buong sangkatauhan sa gitna ng taggutom at mga salot. Ipakikita Niya sa inyo na kung hindi dumating ang Diyos na nagkatawang-tao upang iligtas kayo sa mga huling araw, matagal na sanang winasak ng Diyos ang buong sangkatauhan sa impiyerno; kung hindi umiral ang katawang-taong ito, magiging pangunahing mga makasalanan kayo magpakailanman, at magiging mga bangkay kayo habang panahon. Dapat ninyong malaman na kung hindi umiral ang katawang-taong ito, haharap ang buong sangkatauhan sa hindi maiiwasang kapahamakan at makikitang imposibleng makatakas sa mas matinding kaparusahang ilalapat ng Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw. Kung hindi isinilang ang karaniwang katawang-taong ito, mapupunta kayong lahat sa kalagayang kung saan magsusumamo kayo para sa buhay nang walang kakayahang mamuhay, at mananalangin para sa kamatayan nang walang kakayahang mamatay; kung hindi umiral ang katawang-taong ito, hindi ninyo makakamit ang katotohanan at makaparoroon sa harap ng trono ng Diyos ngayon, kundi sa halip, parurusahan kayo ng Diyos dahil sa matindi ninyong mga kasalanan. Alam ba ninyong kung hindi dahil sa pagbalik sa katawang-tao ng Diyos, walang magkakaroon ng pagkakataon sa kaligtasan; at kung hindi dahil sa pagdating ng katawang-taong ito, matagal nang tinapos ng Diyos ang lumang kapanahunan? Dahil dito, magagawa pa rin ba ninyong tanggihan ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos? Yamang napakaraming pakinabang ang matatamo ninyo sa karaniwang taong ito, bakit hindi ninyo Siya malugod na tatanggapin?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alam Mo Ba? Gumawa ang Diyos ng Dakilang Bagay sa Gitna ng mga Tao).

Ang katunayan na nakarating kayo sa kasalukuyan ay dahil sa katawang-taong ito. Dahil nabubuhay ang Diyos sa katawang-tao kaya kayo may pagkakataong mabuhay. Nakamit ang lahat ng magandang kapalarang ito dahil sa karaniwang taong ito. Hindi lamang ito, ngunit sa huli, sasamba ang bawat bansa sa karaniwang taong ito, gayundin magbibigay pasasalamat at susunod sa hamak na taong ito, dahil ang katotohanan, buhay, at daang dala Niya ang nagligtas sa buong sangkatauhan, nagpaluwag sa hidwaan sa pagitan ng tao at Diyos, nagpaikli sa agwat sa pagitan nila, at nagbukas ng ugnayan sa pagitan ng mga saloobin ng Diyos at tao. Siya rin ang nakakuha ng higit pang kaluwalhatian para sa Diyos. Hindi ba karapat-dapat sa tiwala at pagsamba mo ang karaniwang taong gaya nito? Hindi ba karapat-dapat na tawaging Cristo ang ganitong karaniwang katawang-tao? Maaari bang ang ganitong karaniwang tao ay hindi maging pagpapahayag ng Diyos sa mga tao? Hindi ba karapat-dapat ang ganitong tao, na nagligtas sa sangkatauhan mula sa sakuna, sa pagmamahal at pagnanais ninyong kumapit sa Kanya? Kung tinatanggihan ninyo ang mga katotohanang ipinahahayag mula sa Kanyang bibig at kinamumuhian ang Kanyang pag-iral kasama ninyo, ano ang mangyayari sa inyo sa huli?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alam Mo Ba? Gumawa ang Diyos ng Dakilang Bagay sa Gitna ng mga Tao).

Kung wala ang gawain ni Jesus, hindi makabababa ang sangkatauhan mula sa krus, ngunit kung wala ang pagkakatawang-tao ng ngayon, hindi kailanman makakamit ng yaong mga bumababa mula sa krus ang pag-ayon ng Diyos o makapapasok sa bagong kapanahunan. Kung wala ang pagdating ng karaniwang taong ito, hindi kayo kailanman magkakaroon ng pagkakataong makita ang tunay na mukha ng Diyos, ni magiging karapat-dapat, dahil lahat kayo ay mga bagay na matagal nang dapat winasak. Dahil sa pagdating ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, napatawad kayo ng Diyos at pinakitaan kayo ng habag. Anupaman, ito pa rin ang mga salitang dapat Kong iwan sa inyo sa huli: Ang karaniwang taong ito, na Diyos na nagkatawang-tao, ay napakahalaga sa inyo. Ito ang dakilang bagay na nagawa na ng Diyos sa mga tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alam Mo Ba? Gumawa ang Diyos ng Dakilang Bagay sa Gitna ng mga Tao).

mula sa iskrip ng pelikulang Ang Hiwaga ng Kabanalan

Sinundan: Tanong 3: Sinasabi ninyong si Cristo ang katotohanan, ang landas, at ang buhay. Ito ang patotoo ng Banal na Espiritu at hindi ito mapag-aalinlanganan. Ngunit nakatala rin sa Biblia ang mga salita ng ilang dakilang espirituwal na mga eksperto at mga apostol ng Panginoong Jesus. Ang mga pagpapahayag ba nila ay maituturing na salita ng Diyos? Kung ang sinasabi nila ay tunay na maituturing na salita ng Diyos, kung gayon hindi ba sila rin ang katotohanan, ang landas, at ang buhay? Ang masasabi ko lang, walang pagkakaiba sa pagitan ng kanilang mga salita at sa mga salita ng Panginoong Jesus, lahat ay itinuturing na salita ng Diyos. Bakit hindi itinuturing ang mga ito bilang katotohanan, ang daan, at ang buhay?

Sumunod: Tanong 5: Naging tao na ngayon ang Makapangyarihang Diyos at bumaba na sa lupa. Sabi sa panalangin ng Panginoon: “Dumating nawa ang kaharian Mo. Gawin nawa ang Iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa(Mateo 6:10). Hindi ba natupad ang mga salitang ito sa gawain ng Makapangyarihang Diyos? May kaugnayan ba ang propesiya na “ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao” mula sa Aklat ng Pahayag sa pagparito ng Makapangyarihang Diyos sa sangkatauhan? Ano ang mas malalim na kahulugan ng pagiging tao sa mga huling araw?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 14: Sa paniniwala n’yo sa Kanya, lahat kayo ay may mga sariling ideya at opinyon. Sa tingin ko ang mga ideya nyo at teyorya, ay pawang mga pakiramdam ng pansariling kamalayan, at puro ilusyon lamang ninyo sa mga bagay-bagay. Naniniwala kaming mga Komunista na ang materyalismo at teorya ng ebolusyon ang katotohanan, dahil naayon ang lahat ng yon sa syensya. Malinaw na nagbibigay ang ating bansa ng materyalista at ebolusyonistang edukasyon mula paaralang elementarya hanggang sa unibersidad. Sa tingin n’yo bakit? Yun ay para ipalaganap ang ateista at ebolusyonistang pag-iisip sa lahat ng kabataan sa murang edad, para lumayo sila sa relihiyon at ganun na rin sa pamahiin, at ng sa ganun siyentipiko at maayos nilang maipaliwanag ang lahat ng katanungan. Isang halimbawa ang, tanong tungkol sa pinagmulan ng buhay. Ignorante at makaluma ang mga tao sa nakaraan, at naniwala sa mga kwentong gaya ng paghihiwalay ni Pangu sa langit at lupa, at paglikha ni Nüwa sa mga tao. Ang mga taga-kanluran naman, ay naniwalang ang Diyos ang lumikha sa sangkatauhan. Ang totoo, mitolohiya lang at alamat ang lahat ng ito, at hindi naaayon sa syensya. Mula nang lumitaw ang teorya ng ebolusyon na nagpaliwanag sa pinagmulan ng sangkatauhan, kung paano nagmula ang tao sa mga unggoy, pinabulaanan ng teorya ng ebolusyon ang alamat ng paglikha ng Diyos sa tao. Nalikha ang lahat ng bagay sa natural na pamamaraan. Yun lamang ang katotohanan. Kaya nga Kailangan nating maniwala sa syensya, at sa teorya ng ebolusyon. Kayong lahat ay mga edukado at maraming nalalaman. Kaya bakit kayo naniniwala sa Diyos? Kaya n’yo bang sabihin sa’min ang inyong pananaw?

Sagot: Naniniwala kayong mga Komunista na ang materyalismo at teorya ng ebolusyon ang katotohanan, at kinikilala n’yo sina Marx at Darwin....

Tanong 16: Sabi n’yo ang Makapangyarihang Diyos ang pagpapakita ng Diyos sa mga huling araw, at ang tunay na daan. Sinasabi n’yo rin na ang Diyos ang lumikha sa mundong ito, at naghahari sa kung anong nangyayari sa daigdig, na ang gawain ng Diyos ang gumabay at nagligtas sa sangkatauhan. Ano ang basehan n’yo para patotohanan ang mga sinasabi n’yo? Kaming mga taga-Partido Komunista ay pawang mga ateista, at hindi kumikilala sa pag-iral ng Diyos o sa paghahari Niya sa lahat. Lalong hindi namin kinikilala ang sinasabi n’yong pagpapakita at gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Ang Jesus na pinaniniwalaan ng Kristiyanismo ay malinaw na isang tao. May mga magulang Siya, at may mga kapatid. Ganunpaman, ang Kristiyanismo ay malinaw na nag-uutos na kilalanin Siyang Cristo, at sambahin bilang Diyos. Talagang hindi ito kapani-paniwala. Kagaya lang ni Jesus ang Makapangyarihang Diyos na pinaniniwalaan N’yo, malinaw na isa lang s’yang ordinaryong tao. Kaya bakit kailangan ninyong ipilit na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao? Bakit kailangan n’yong patotohanan na Siya ang Cristong Tagapagligtas ng mga huling araw na naging tao? Talagang kalokohan at kabaliwan ito hindi ba? Hindi totoo na mayroong Diyos sa mundong ito. Lalong hindi totoo na may umiiral na Diyos bilang Diyos na nagkatawang-tao. Buong tapang ninyong sinasabing ang isang ordinaryong tao ay ang Diyos na nagkatawang-tao. Ano ang basehan ng sinasabi n’yong ito? Maipahahayag n’yo ba ang mga saligan, at basehan ng inyong paniniwala?

Sagot: Espiritu ang Diyos. Hindi Siya nakikita o nahahawakan ng tao. Pero maraming ginagawa ang Espiritu ng Diyos, at nagsasabi ng mga...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito