Tanong 3: Maraming taon na akong nananalig sa Panginoon at nabasa ko na nang kaunti ang Biblia, kaya bakit hindi ko pa nakitang magpropesiya ang Panginoon na sa mga huling araw ay magiging tao Siyang muli at magiging Anak ng tao para isagawa ang gawain ng paghatol? Pinatototohanan ninyo na nagkatawang-tao nang muli ang Panginoong Jesus, na Siya ang Makapangyarihang Diyos, at na ginagawa Niya ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. May basehan ba ito sa Biblia? Pinagtibay ba iyan ng mga relihiyon?

Sagot: May basehan man o wala sa Biblia na nagkatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw at gagawin ang paghatol ay talagang medyo malinaw sa sinumang nakamulat ang mga mata. Ipinopropesiya sa Biblia sa di-kukulangin sa 200 lugar na gagawin ng Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, at malinaw na katunayan sa banal na kasulatan na magiging tao ang Diyos para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Sabi ng Panginoong Jesus, “Sapagka’t ang Ama’y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob Niya sa Anak ang buong paghatol(Juan 5:22). “At binigyan Siya ng awtoridad na humatol, sapagka’t Siya’y Anak ng tao(Juan 5:27). Tuwirang ipinropesiya ng Panginoong Jesus na magiging tao ang Diyos ng mga huling araw bilang Anak ng tao para isagawa ang Kanyang paghatol. Lahat ng pagtukoy sa “Anak” o “Anak ng tao” ay tiyak na tumutukoy kay Cristo sa laman. Kung Siya ay isang Espiritu, hindi Siya puwedeng tawaging “Anak ng tao.” Kapag nagiging tao ang Diyos, nagiging isa Siyang regular at normal na tao, at noon lamang Siya tinatawag na Anak ng tao, ibig sabihi’y si Cristo. Siguradung-sigurado iyan. Kaya, kapag nagbalik ang Panginoong Jesus sa mga huling araw, siyempre pa Siya ang Anak ng tao sa laman na naglalakad na kasama ng sangkatauhan para sambitin ang mga salita at gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Pinatototohanan namin na ang Makapangyarihang Diyos ang pagbalik ng Panginoong Jesus na gumagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw, at lubos nitong tinutupad ang mga propesiya sa Biblia. Sinabi rin ng Panginoong Jesus: “At kung ang sinumang tao’y nakikinig sa Aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi Ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi Ako naparito upang humatol sa sanlibutan, kundi upang iligtas ang sanlibutan. Ang nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:47–48). Napakalinaw ng mga salita ng Panginoong Jesus: pumarito Siya para gawin ang gawain ng pagtubos, hindi ang gawain ng paghatol, at hahatulan Niya ang mga tao sa mga huling araw gamit ang mga salitang sinasabi Niya. Naisakatuparan ng Makapangyarihang Diyos ang ipinropesiya ng Panginoong Jesus, at nagawa Niya ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa tahanan ng Diyos. Ang aklat na ito, “Ang Salita ay Nagpapakita sa Laman,” ay binubuo ng mga personal na pagbigkas mula sa Makapangyarihang Diyos, at isa itong talaan ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Basahin natin ang ilan sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos.

Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).

Malinaw sa ating lahat na sa Kapanahunan ng Biyaya, ang yugto ng gawain ng Panginoong Jesus ay ang pagtubos, kaya sa pagpapailalim sa Kanyang gawain mararanasan natin ang isang katotohanan: Kahit napatawad na tayo sa pamamagitan ng Kanyang sakripisyo para magbayad-sala para sa ating mga kasalanan, hindi pa nawawala ang ating pagiging likas na makasalanan. Nahahadlangan tayo ng ating likas na kademonyohan at madalas tayong magkasala at lumaban sa Diyos. Nabubuhay tayo sa pahirap ng mga gapos at pagpigil ng ating likas na kademonyohan, at kadalasa’y hindi natin mapigil na magrebelde at lumaban sa Diyos. Hindi natin maipamuhay ang mga salita ng Panginoon, at madalas tayong madama ng pagdududa kung makakasunod tayo sa kalooban ng Diyos dahil madalas tayong magkasala, at kung talagang makakapasok tayo sa kaharian ng langit. Kaya nga naging tao ang Diyos sa mga huling araw para gawin ang isang yugto ng gawain ng paghatol at pagdadalisay na nakatuon sa mga pangangailangan ng masamang sangkatauhan, para ganap na maiwaksi ng tao ang impluwensya ni Satanas, matamo ang kaligtasan, at mabawi sila ng Diyos. Sa pagpapahayag ng katotohanan, hinahatulan at inilalantad ng Makapangyarihang Diyos ang diwa at katotohanan kung gaano katindi ang ginawang pagpapasama ni Satanas sa sangkatauhan, inilalantad at sinusuri ang pinagmumulan ng pagiging makasalanan at paglaban ng sangkatauhan sa Diyos, malinaw at masusing sinusuri ang likas na pagkatao at diwa ng sangkatauhan, at inihahayag sa sangkatauhan ang Kanyang matuwid at dakilang disposisyon na hindi nagpaparaya sa mga pagkakasala. Mula sa paghatol ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos nakikita natin kung gaano katindi tayo pinasama ni Satanas at na ang ating likas na pagkatao ay puno ng masasamang elemento tulad ng kayabangan at kahambugan, pagkamakasarili at panlilinlang, kasakiman at kasamaan, at pagkasuklam sa katotohanan. Nakikita natin na nananalig lang tayo sa Diyos para magtamo ng mga biyaya at makapasok sa kaharian ng langit, at para sa sarili nating kapakanan madalas tayong magsinungaling at manloko; kapag hindi umaayon ang gawain ng Diyos sa ating mga haka-haka, hinuhusgahan natin Siya, nilalabanan, at tinatalikuran. Nakikita rin natin na talagang larawan tayo ni Satanas, parang mga buhay na demonyong halos hindi mukhang tao. Sa gayon ay nagsisimula tayong mamuhi sa ating sarili at nagpapatirapa tayo sa harap ng Diyos, at nagsisisi. Mula sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, nakikita natin ang Kanyang matuwid na disposisyon na hindi magtotolera sa mga kasalanan at hindi marurungisan ang Kanyang kabanalan. Dahil dito, nagkakaroon tayo ng pusong nagpipitagan sa Diyos at nagiging handa tayong tanggapin ang katotohanan at sundin ang mga plano at pagsasaayos ng Diyos. Sa pagpapailalim sa Kanyang paghatol at pagkastigo nagbabago ang ating disposisyon sa buhay, mas lalo tayong nagkakaroon ng konsiyensya at katwiran, nakakaya nating ipamuhay ang katotohanan at umasa sa mga salita ng Diyos para sa ating buhay. Unti-unti tayong pumapasok sa realidad ng katotohanan at nagmumuha tayong tunay na tao. Nilulunasan ng gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ang pinag-uugatan ng pagiging makasalanan at paglaban ng sangkatauhan sa Diyos, winawakasan ang libu-libong taon ng buhay ng tao na magkasala at saka mangumpisal. Tinutulutan nito ang masamang sangkatauhan na lubos na iwaksi ang maitim na impluwensya ni Satanas, at mabawi at maligtas ng Diyos. Ito ang mithiin at kabuluhan ng paggawa ng Diyos ng gawain ng paghatol. Malinaw na ipinapakita nito sa atin na ang gawain ng paghatol na ginawa ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw ang gawain ng pagdadalisay at pagperpekto ng sangkatauhan, at nakasalig sa pundasyon ng gawain ng pagtubo ng Panginoong Jesus. Ito ang gawaing gustong gawin ng Panginoong Jesus sa Kanyang pagbalik. Sa gayon, ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus.

mula sa iskrip ng pelikulang Paghihintay

Sinundan: Tanong 2: Ipinako ang Panginoong Jesus bilang alay sa kasalanan para tubusin ang sangkatauhan. Tinanggap na natin ang Panginoon, at nakamit ang kaligtasan sa pamamagitan ng Kanyang biyaya. Bakit kailangan pa nating tanggapin ang gawaing paghatol at pagdadalisay ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw?

Sumunod: Tanong 4: Kanina lamang, sinabi ninyo na ang pinakahinuhulaang bagay sa Biblia ay ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Mayroong hindi bababa sa 200 bahagi ng Biblia ang nabanggit na gagawin ng Diyos ang Kanyang paghatol. Talagang totoo ito. Nakasaad pa nga ito nang mas malinaw sa 1 Pedro 4:17: “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos.” Parang ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling mga araw ay may kasiguraduhan. Ngunit ang inyong nasaksihan ay ang Diyos ng mga huling araw na nagkakatawang-tao para gampanan ang kanyang gawain ng paghatol. Iba ito sa aming paniniwala. Naniniwala kami na ang Panginoon sa mga huling araw ay magpapakita sa sangkatauhan at gagawa sa anyo ng espiritwal na katawan ni Jesus kasunod ng muling pagkabuhay. Ito rin ang pananaw ng karamihan sa mga relihiyosong sekta. Ang konsepto ng nagbalik na Panginoon na nagpapakita sa tao at gumagawa sa katawang-tao ay isang bagay na di pa namin nakikita, kaya maaari bang makipag-talastas ka pa sa amin.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito