Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Klasikong Tanong at Sagot sa Ebanghelyo ng Kaharian

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Tanong 7: Maraming mga kapatid ang nag-iisip na ang ating paniniwala sa Panginoong Jesus ay nangangahulugan na napatawad na ang ating mga kasalanan, at na tinamasa nating mabuti ang biyaya ng Panginoon at lahat ay nakaranas ng habag at awa ng Panginoon. Hindi na mga makasalanan ang tingin sa atin ng Panginoon Jesus, kaya dapat maaari tayong madala nang diretso sa kaharian ng langit. Kung gayon bakit hindi tayo dinala ng Panginoon sa kaharian ng langit noong dumating Siya, ngunit kailangan pa ring gawin ang Kanyang gawaing paghatol sa mga huling araw? Ang paghatol ba ng Diyos sa mga huling araw ay upang linisin at iligtas ang sangkatauhan o upang kondenahin at sirain? Maraming tao ang hindi nakakaunawa dito. Mangyaring i-fellowship ito sa amin nang mas tiyak.

Sagot: Ang tanong niyo ngayon lang ay napaka-praktikal. Kahit napatawad na ang ating mga kasalanan dahil sa paniniwala sa Panginoon, at mabibilang tayo na nailigtas, sa mga mata ng Diyos, nananatili tayong marumi at tiwali at hindi pa nakakatakas sa kasalanan upang tumanggap ng kalinisan. Ang mapatawad ang ating mga kasalanan ay nangangahulugan lamang na hindi tayo hahatulan ng kautusan. Ito ang tumpak na kahulugan ng “naligtas sa pamamagitan ng biyaya” Maaaring pinatawad na ng Diyos ang ating mga kasalanan at ipinagkaloob sa atin ang maraming biyaya, hinahayaan tayong tamasahin ang kapayapaan at kaligayahan ng pagkakapatawad ng ating mga kasalanan, at ibinibigay sa atin ang karapatang magdasal sa Diyos at makipag-usap sa Diyos, ngunit ang hindi natin maikakaila ay na madalas pa rin tayong nagkakasala at lumalaban sa Diyos, at hindi pa natin naaabot ang kabanalan. Kailangan pa rin natin ang pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw upang isagawa ang Kanyang gawain na ganap na paglilinis at pagliligtas sa sangkatauhan. Sa ibang salita, ang gawaing pagtubos ng Panginoong Jesus ay para lamang ihanda ang daan para sa gawaing paghatol ng Diyos ng mga huling araw. Ang gawain ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan ay hindi nagtatapos doon. Dapat alam natin ito. At sa sandaling iyon binanggit ninyong lahat, bakit matapos mapatawad ang ating mga kasalanan dahil sa paniniwala sa Panginoon, hindi pa rin natin mapigilan ang ating mga sarili at madalas pa ring nakakagawa ng mga pagkakasala, at hindi mapalaya ang ating mga sarili mula sa pamumuhay sa kasalanan? Ito ay dahil ang pagtitiwali sa atin ni Satans ay napakalalim, sa hangganang lahat tayo’y may kalikasang mala-satanas at punung-puno ng mala-satanas na disposisyon. Kaya hindi natin mapigilang makagawa ng mga pagkakasala. Kung ang mala-satanas na kalikasang ito ay hindi maresolba, maaari pa rin tayong magkasala at lumaban sa Diyos kahit na napatawad ang ating mga pagkakasala. Sa ganoong paraan, hindi natin kailanman makakamit ang pagkakaayon sa Diyos. Ito ang dahilan kung bakit sinabi ng Panginoong Jesus na kailangan Niyang bumalik. Ito ay upang maisagawa Niya ang Kanyang gawaing paghatol ng mga huling araw upang ganap na linisin at iligtas ang sangkatauhan. Tulad ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Bago tinubos ang tao, marami sa mga lason ni Satanas ang naitanim na sa kalooban niya. Pagkatapos ng libu-libong taon ng katiwalian ni Satanas, ang tao ay mayroon na sa kanyang kalooban ng kalikasang tumatanggi sa Diyos. Samakatuwid, nang ang tao ay natubos, walang iba ito kundi pagtubos, kung saan ang tao ay binili sa isang mataas na halaga, ngunit ang nakakalasong kalikasan sa loob ay hindi pa naaalis. Ang tao na lubhang narungisan ay dapat na sumailalim sa isang pagbabago bago maging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Sa pamamagitan ng gawain ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang karumihan at ang tiwaling bahaging nasa kanya, at magagawa niyang ganap na magbago at maging malinis. Tanging sa ganitong paraan maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng trono ng Diyos. Ang lahat ng mga gawain na ginawa sa araw na ito ay upang ang tao ay malinis at mabago; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin ang pagdalisay, magagawa ng tao na maitaboy ang kanyang katiwalian at maging malinis. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay. Sa katotohanan, ang yugtong ito ay ang panlulupig pati na rin ang pangalawang yugto ng pagliligtas. Ang tao ay nakuha ng Diyos sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita; sa pamamagitan ng paggamit ng mga salita upang dalisayin, hatulan at ibunyag, ang lahat ng mga karumihan, mga paniniwala, mga motibo, at mga indibidwal na pag-asam sa kalooban ng puso ng tao ay ganap na nailantad” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Ang mga kasalanan ng tao ay maaaring mapatawad sa pamamagitan ng handog sa kasalanan, ngunit hindi magawang lutasin ng tao ang suliranin kung paano siya hindi na muling magkakasala at kung paanong ang kanyang makasalanang kalikasan ay ganap na maitataboy at mababago. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad dahil sa gawain ng pagpapako sa krus ng Diyos, ngunit ang tao ay patuloy na nanirahan sa dating masamang makademonyong disposisyon. Dahil dito, ang tao ay dapat na ganap na mailigtas mula sa napakasamang makademonyong disposisyon upang ang makasalanang kalikasan ng tao ay ganap na maitaboy at hindi na muling mabuo, at sa gayon ay hayaang mabago ang disposisyon ng tao. Kakailanganin nito na maunawaan ng tao ang landas ng paglago sa buhay, ang landas ng buhay, at ang paraan upang baguhin ang kanyang disposisyon. Kakailanganin din na ang tao ay kumilos alinsunod sa landas na ito nang sa gayon ang disposisyon ng tao ay unti-unting mababago at maisasapamuhay niya ito sa ilalim ng sikat ng liwanag, at upang magawa niya ang lahat ng bagay ayon sa kalooban ng Diyos, itaboy ang napakasamang makademonyong disposisyon, at lumaya mula sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas, at dahil dito ganap na makalaya mula sa kasalanan. Doon lamang matatanggap ng tao ang ganap na kaligtasan. … Samakatuwid, matapos na makumpleto ang yugtong iyon, naroon pa rin ang gawain ng paghatol at pagkastigo. Ang yugtong ito ang nagpapalinis sa tao sa pamamagitan ng salita upang bigyan ang tao ng landas na susundin. … Ang yugtong ito ay mas makahulugan kaysa sa nauna at mas mabunga, dahil sa ngayon ang salita ang direktang nagbibigay-buhay sa tao at nagbibigay-daan upang ang disposisyon ng tao ay ganap na mapalitan ng bago; ito ay isang yugto ng gawain na mas masusi” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay napakalinaw: Sa Kapanahunan ng Biyaya, isinagawa lamang ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawaing pagtubos. Ang mga pagkakasala ng sangkatauhan ay napatawad dahil sa paniniwala sa Panginoon, ngunit hindi nalutas ang kanilang makasalanang kalikasan. Ang makasalanang kalikasan ng tao ay kalikasan ni Satanas. Nagkaugat na ito sa loob ng tao, na naging buhay ng tao. Ito ang dahilan kung bakit hindi pa rin maiwasan ng tao ang magkasala at lumaban sa Diyos. Ang pagkakaroon ng tao ng mala-satanas na kalikasan ay ang ugat na dahilan ng kanyang paglaban sa Diyos. Ang mga pagkakasala ng tao ay maaaring mapatawad, ngunit mapapatawad ba ng Diyos ang kanyang mala-satanas na kalikasan? Ang mala-satanas na kalikasan ay direktang tumututol sa Diyos at sa katotohanan. Hindi ito kailanman patatawarin ng Diyos. Samakatuwid, kailangang ganap na iligtas ng Diyos ang sangkatauhan mula sa pagkaalipin at pagkontrol ng mala-satanas na kalikasan, at kailangang hatulan at kastiguhin ang sangkatauhan. Ang paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw ay ang gawaing nakaasinta sa mala-satanas na kalikasan at disposisyon sa loob natin. Maaaring itanong ng ilang tao, malulutas lang ba ang ating mala-satanas na kalikasan sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo? Hindi ba natin magagawa, sa pamamagitan ng pagbabayad ng pagdurusa, pagsupil sa ating katawan, at pagpigil sa ating mga sarili nang kusa, na lutasin ang ating mala-satanas na kalikasan? Siguradong hindi. Tingnan nating muli ang maraming banal sa kabuuan ng kasaysayan na nagbayad ng pagdurusa at sinupil ang kanilang mga katawan, silang lahat nagnais na makatakas sa pagkaalipin at pagkontrol ng pagkakasala, at mangibabaw sa katawang tao. Ngunit sino sa kanila ang nagawang mapagtagumpayan si Satanas upang maging isang tao na tunay na sumusunod sa Diyos? Halos wala. Kahit pa mayroon, sila ay mga tao na natatanging ginawa ng Diyos na kumpleto. Ngunit ilang ganoong tao ang naroon? Dahil mismo sa walang paghatol at pagkastigo ng Diyos, kaya hindi nalinis ang mala-satanas na disposisyon ng tao. Samakatuwid, ang disposisyon ng tao sa buhay ay hindi kinayang magbago. Ang katotohanang ito ay sapat upang patunayan na ang paggamit ng mga paraan ng tao ay hindi kayang lutasin ang mala-satanas na kalikasan ng sangkatauhan. Kailangang dumaan ang tao sa paghatol at pagkastigo, pagpupungus at pakikitungo, at mga pagsubok at pagpipino ng Diyos, bago nila makamit ang katotohanan at buhay, tanggapin ang daan ng buhay na walang hanggan. Doon lamang ganap na malulutas ang mala-satanas na kalikasan ng tao. Ito ang dahilan kung bakit, batay sa gawaing pagtubos ng Panginoong Jesus, isinasagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain na paghatol at pagkastigo sa mga huling araw, upang ganap na iligtas ang sangkatauhan mula sa pagkaalipin sa at pagkontrol ng mala-satanas na kalikasan, upang malinis ang sangkatauhan na tumanggap sa pagliligtas ng Diyos at makamit ng Diyos. Magmula dito makikita natin na ang paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw ang ganap na makakalinis at makapagliligtas sa sangkatauhan. Ito ang katotohanan.

Bakit ginagawa ng Diyos ng mga huling araw ang gawain ng paghatol at pagkastigo sa masamang sangkatauhan? Para maunawaan ang paksang ito, kailangan nating malaman na para mailigtas ang sangkatauhan, hindi maaaring isa o dalawang yugto ng gawain lang ang gawin ng Diyos. Sa halip, para lubos na mailigtas ang sangkatauhan, kailangan isagawa ng Diyos ang tatlong yugto ng gawain. Kasama na rito ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya at Kapanahunan ng Kaharian. Ang tatlong yugtong ito ng gawain ang kailangan para lubos na mailigtas ang sangkatauhan mula sa teritoryo ni Satanas. Ang tatlong yugtong ito ng gawain ang bumubuo sa buong gawain ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan. Sa Kapanahunan ng Kautusan, ipinahayag ng Diyos na si Jehova ang mga utos at kautusan para gabayan ang tao sa kanyang buhay sa lupa. Base sa mga utos at kautusang ipinahayag ng Diyos, malalaman ng sangkatauhan kung anong klaseng mga tao ang pinagpapala ng Diyos at kung anong klase ang Kanyang isinusumpa. Kasabay nito, malalaman ng sangkatauhan kung ano ang matuwid at ano ang makasalanan. Gayunman, sa sumunod na mga yugto ng Kapanahunan ng Kautusan, dahil naging mas lalong pinasama ni Satanas ang sangkatauhan, namuhay sa pagkakasala ang tao. Hindi niya sinunod ang mga utos at nanganib na mahatulan at maisumpa ayon sa mga utos na ito. Kaya nga dumating ang Panginoong Jesus para gawin ang gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya para maikumpisal ng tao ang kanyang mga kasalanan, mapagsisihan at mapatawad ang mga ito, sa gayo’y hindi nahahatulan at naisusumpa ang tao ayon sa utos. Sa ganitong paraan, magiging karapat-dapat ang tao na humarap sa Diyos at magdasal, makipagniig sa Diyos, at magtamasa ng saganang biyaya at katotohanan ng Diyos. ito ang tunay na kahulugan ng “maligtas.” Gayunman, pinatawad lang ng Panginoong Jesus ang ating mga kasalanan, hindi Niya pinatawad ang ating pagiging likas na makasalanan at masamang disposisyon. Naroon pa rin ang ating likas na kademonyohan. Paulit-ulit pa rin tayong nagkakasala, nangungumpisal at muling nagkakasala sa buhay. Walang paraan para makalaya tayo mula sa mga paghadlang at pagkontrol ng ating likas na pagiging makasalanan. Naghumiyaw tayo sa Diyos, “Talagang nagdurusa ako! Paano ako makakalaya sa mga paghadlang at pagkontrol ng kasalanan?” Bilang mga nananalig sa Panginoon, ito ang karaniwan nating nararanasan at nalalaman. Gayunman, hindi natin mismo malunasan ang likas nating pagiging makasalanan. Walang makakagawa ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Diyos lamang—ang Lumikha—ang may kakayahang iligtas ang sangkatauhan at palayain tayo mula kay Satanas at sa kasalanan. Siya lamang ang makapagliligtas sa atin mula sa teritoryo ni Satanas. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Yayamang nilikha Niya ang tao, pinangungunahan Niya ito; yayamang inililigtas Niya ang tao, ililigtas Niya siya nang lubos, at ganap na tatamuhin siya; yayamang pinangungunahan Niya ang tao, dadalhin Niya siya sa angkop na hantungan; at yayamang nilikha Niya at pinamamahalaan ang tao, kailangang akuin Niya ang kapalaran at mga inaasam ng tao. Ito nga ay ang gawaing isinagawa ng Lumikha” (“Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Tapat ang Diyos. Dahil inililigtas ng Diyos ang tao, lubos Niya itong ililigtas. Siguradong hindi susuko ang Diyos sa kalagitnaan. Kaya nga para lubos na mailigtas ang sangkatauhan, ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanan ng paglilinis at pagliligtas sa sangkatauhan sa mga huling araw. Ginagawa Niya ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos para ganap na malunasan ang problema ng likas na kademonyohan at masamang disposisyon ng sangkatauhan. Ginagawa Niya ito para makalaya ang sangkatauhan mula sa kasalanan, magtamo ng kaligtasan, at mabawi ng Diyos. Ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw ay kung ano mismo ang kailangan ng masamang sangkatauhan. Ito rin ang pangunahing yugto ng gawain na kailangang isagawa ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan. Tinutupad nito ang propesiya ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan” (Juan 16:12-13). “Ang Espiritu ng katotohanan” ay tumutukoy sa Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, nagpapahayag ng katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol. Ang kailangan lang nating gawin ay tanggapin at sundin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw para magtamo tayo ng kaligtasan at mabawi ng Diyos. Isang bagay ito na mapagtitibay ng lahat ng tunay na nakaranas ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Dapat maunawaan ng lahat kung bakit ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw kapag ipinapaliwanag ito nang ganito, hindi ba?

Alam na nating lahat ngayon na ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ang pinakamalaking pagliligtas sa atin na tiwaling sangkatauhan. Kung hindi natin mararanasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, hindi malulutas ang ating mala-satanas na kalikasan, at hindi natin makakayang tunay na bumaling sa Diyos at makamit ng Diyos, at hindi tayo magiging karapat-dapat na tamasahin ang pangako ng Diyos at tumanggap ng magandang hantungan. Ito ay katotohanang walang sinuman ang makapagkakaila. Ngunit maraming tao ang hindi nakakaintindi—ano ang kahulugan ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa tao? Ang paghatol at pagkastigo ba ng Diyos ay pagkokondena sa sangkatauhan o pagliligtas sa kanila? Hinihingi nito sa atin na alamin natin ang gawain ng Diyos at intindihin ang mga layunin ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan. Basahin natin ang ilang sipi mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sa pamamagitan ng ano naisasakatuparan ang pagka-perpekto ng Diyos sa tao? Sa pamamagitan ng Kanyang matuwid na disposisyon. Ang disposisyon ng Diyos ay binubuo pangunahin na ng pagkamatuwid, matinding galit, kamahalan, paghatol, at sumpa, at ang Kanyang pagka-perpekto sa tao ay pangunahin sa pamamagitan ng paghatol. Hindi nauunawaan ng ilang mga tao, at itinatanong kung bakit nagagawa lamang ng Diyos na gawing perpekto ang tao sa pamamagitan ng paghatol at sumpa. Sinasabi nila na kung susumpain ng Diyos ang tao, hindi ba mamamatay ang tao? Kung hahatulan ng Diyos ang tao, hindi ba parurusahan ang tao? Kung gayon paano pa siya gagawing perpekto? Ang gayon ay ang mga salita ng mga tao na hindi nakauunawa sa gawain ng Diyos. Ang sinusumpa ng Diyos ay ang pagkamasuwayin ng tao, at ang Kanyang hinahatulan ay ang mga kasalanan ng tao. Bagamat nagsasalita Siya nang may kabagsikan, at wala ni katiting ng pagiging sensitibo, ibinubunyag Niya ang lahat ng nasa loob ng tao, at sa pamamagitan ng istriktong mga salitang ito ibinubunyag Niya kung ano yaong mahalaga sa loob ng tao, ngunit sa pamamagitan ng gayong paghatol, binibigyan Niya ang tao ng isang malalim na kaalaman ukol sa katuturan ng laman, at kaya ang tao ay nagpapasakop sa pagkamasunurin sa harap ng Diyos” (“Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Masasakit na Mga Pagsubok Mo Malalaman Ang Kagandahan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Kayong lahat ay tumira sa isang lugar ng kasalanan at kahalayan; kayong lahat ay mahalay at makasalanang mga tao. Ngayon hindi ninyo lang nakita ang Diyos, ngunit ang mas mahalaga, tumanggap kayo ng pagparusa at paghatol, tumanggap ng ganyang pinakamalalim na kaligtasan, ito ay, tumanggap ng pinakadakilang pag-ibig ng Diyos. Ang lahat ng Kanyang ginagawa ay ang tunay na pag-ibig Niya sa inyo; wala Siyang masamang balak. Nang dahil sa inyong mga kasalanan, kayo ay hinahatulan Niya, upang kilatisin ninyo ang inyong mga sarili at tanggapin itong napakalaking kaligtasan. Lahat ng ito ay ginawa upang gawin ang tao. Mula sa umpisa hanggang sa huli, ang Diyos ay ginagawa Niya ang Kanyang buong kakayahan upang mailigtas ang tao, at tiyak na Siya ay hindi makapapayag na tuluyang masira ang tao na Kanyang nilikha ng Kanyang mga kamay. Ngayon Siya ay lumapit sa inyo upang gumawa; hindi ba ito ay mas mainam pang kaligtasan? Kung kinamuhian Niya kayo, gagawin pa ba Niya ang gawain na ganoon kalaki upang personal na pamunuan kayo? Bakit Niya kailangang magdusa? Hindi kayo kinamumuhian ng Diyos o mayroong anumang masamang balak ang Diyos sa inyo. Dapat ninyong alamin na ang pag-ibig ng Diyos ay ang pinakatunay na pag-ibig. Dahil lamang sa pagiging suwail ng tao kaya sila ay kailangang iligtas Niya sa pamamagitan ng paghatol; kung hindi, sila ay hindi maliligtas” (“Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Sa pangwakas Niyang gawain sa pagwawakas ng kapanahunan, ang disposisyon ng Diyos ay ang pagkastigo at paghatol, na ibinubunyag ang lahat ng di-matuwid, at hayagang hinahatulan ang lahat ng tao, at ginagawang perpekto ang mga tunay na nagmamahal sa Kanya. Ang ganitong disposisyon lang ang makapaghahatid sa kapanahunang ito sa isang katapusan. Dumating na ang mga huling araw. Ang lahat ng bagay ay isasaayos ayon sa uri, at hahatiin sa iba’t ibang klase ayon sa kanilang kalikasan. Ito ang oras kung kailan ibubunyag ng Diyos ang katapusan at ang hantungan ng tao. Kapag hindi sumailalim sa pagkastigo at paghatol ang tao, gayon walang paraan upang ibunyag ang pagsuway at di-pagkamatuwid ng tao. Tanging sa pamamagitan lang ng pagkastigo at paghatol maibubunyag ang katapusan ng lahat. Ipinapakita lang ng tao ang kanilang tunay na kulay kapag sila ay nakakastigo at hinahatulan. Ang kasamaan ay ibabalik sa kasamaan, ang kabutihan ay ibabalik sa kabutihan, at ang tao ay isasaayos ayon sa uri. Sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol, ang katapusan ng lahat ng bagay ay maibubunyag, nang sa gayon ay maparusahan ang mga masasama at magantimpalaan ang mga mabubuti, at ang lahat ng tao ay nasa ilalim ng dominyon ng Diyos. Ang lahat ng gawain ay nangangailangan ng matuwid na pagkastigo at paghatol upang ito ay makamit. Dahil ang katiwalian ng tao ay naabot na ang rurok at ang kanyang pagsuway ay naging masyadong malala, tanging ang matuwid na disposisyon lang ng Diyos, na pangunahin ay isang pagkastigo at paghatol, at ibinunyag sa mga huling araw, ay maaaring baguhin at gawing ganap ang tao. Tanging ang disposisyong ito ang makapaglalantad ng kasamaan at gayon ay malubhang maparusahan ang lahat ng mga hindi matuwid. … Sa mga huling araw, tanging ang makatuwirang paghatol lang ang makapag-uuri sa tao at makapagdadala sa kanila sa bagong mundo. Sa paraang ito, ang buong kapanahunan ay maihahatid sa isang katapusan sa pamamagitan ng makatuwirang disposisyon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos” (“Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Matapos basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita nating lahat ang isang katotohanan mula sa salita ng Diyos: Tayong tiwaling sangkatauhan ay hindi makakatanggap ng katotohanan at buhay kung hindi tayo sasailalim sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, at samakatuwid hindi magagawang tanggalin ang ating makasalanang kalikasan upang makamit ang kaligtasan, at higit pa, hindi natin malalaman ang matuwid na disposisyon ng Diyos at lahat ng mayroon at ano ang Diyos. Ang sangkatauhan ay ginawang tiwali ni Satanas nang libu-libong taon at lahat ay may mala-satanas na kalikasan. Lahat sila ay mayabang, mapanlinlang, at walang ingat. Kahit pa ilan sa kanila ay naniniwala sa Diyos, ngunit madalas pa ring hindi nila mapigilan ang kanilang mga sarili na magkasala at lumaban sa Diyos. Ipinapakita nito na ang tao ay walang tunay na kaalaman at takot sa Diyos. Iyan ay isang katotohanan. Para sa isang taong puno ng mala-satanas na disposisyon na tunay na maging masunurin sa harapan ng Diyos at ganap na makumbinsi ng Diyos, anong paraan ang sa palagay ninyo ay dapat gamitin? Kailangan niyang maranasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, sa pamamagitan nito nakikita niya ang matuwid, marilag, at napopoot na disposisyon ng Diyos, at nakikita ang lahat ng katotohanan na ipinahayag ng Diyos upang hatulan at linisin ang sangkatauhan. Sa sandaling iyon lamang siya maaaring malupig, lubos na lalagapak sa harapan ng Diyos, at tunay na magsisisi, at magsisimulang maintindihan ang katotohanan, isagawa ang katotohanan, at dahan-dahang makamit ang pagbabago sa disposisyon at pagkaayon sa Diyos. Kung gayon, bakit hindi tunay na makilala ng mga mananampalataya sa Panginoon mula sa Kapanahunan ng Biyaya ang kanilang mga sarili? Bakit hindi sila natakot sa Diyos at madalas na nabuhay sa kasalanan, sinuway ang Diyos at tinutulan ang Diyos, at ni hindi man lang inisip na malaking bagay ito? Ito ay dahil hindi isinagawa ng Diyos ang Kanyang gawaing paghatol ng mga huling araw. Kung hindi niya mararanasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, hindi malalaman ng tao ang kanyang sariling mala-satanas na kalikasan, ang kanyang mayabang na disposisyon ay hindi kailanman magbabago, at hindi magiging posible para sa kanya na makamit ang totoong pagkamasunurin at takot sa Diyos. Maaaring sabihin ng ilang tao na, Paano namin madadala ang krus at sundan ang Panginoon kung hindi namin Siya susundin? Sa Kapanahunan ng Biyaya, isinuko namin ang lahat upang pagtrabahuhan at pagbayaran ang kapalit para sa Panginoon. Ngunit ang layunin ay lahat upang matanggap namin ang korona, magantimpalaan at pumasok sa kaharian ng langit. Tunay ba naming minahal at sinunod ang Panginoon? Kami ba ang yaong ang mga buhay at disposisyon ay tunay na nagbago? Talaga bang nakamit namin ang pagkaayon sa Panginoon? Kung gayon bakit, kapag kami ay gumugugol para sa Panginoon, nagagawa pa rin namin nang sabay ang mga transaksyon sa Kanya, sinasamantala Siya at nililinlang Siya? Inoobserbahan ng Diyos ang mga kaibuturan ng puso ng tao. Ang tao ay tumitingin sa panlabas, ang Diyos ay tumitingin sa panloob. Kahit gaano pa tayo kabuti sa labas, hindi ito nangangahulugan na hinahangad natin ang puso ng Diyos. Samakatuwid, ang gawain ng Diyos na paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos sa mga huling araw, ay ang gawaing nakaasinta sa mala-satanas na kalikasan ng tao para sa ganap na paglilinis at pagliligtas sa tao. Tanging pagkatapos nating maranasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ng mga huling araw lamang natin makikita nang malinaw ang kalikasan at diwa, ang tunay na sitwasyon ng pagtitiwali sa atin ni Satanas, at na ang isinasabuhay natin ay ang lahat ng imahe ng diyablong si Satanas, nang walang gaanong pagkatao. Lahat tayo ay lubos na nahihiya, lumalagapak sa haparan ng Diyos, nagsisisi sa Diyos, at labis na nagsisisi nang taos, kailanman ay hindi na muling mararamdaman na tayo ay mas malakas o mas mabuti kaysa sa sinuman. Magsisimula tayong mamuhi sa ating mga sarili, isumpa ang ating mga sarili, at hindi na gustong mabuhay sa ating tiwaling disposisyon. Tayo ay nagiging mapagpakumbaba nang hindi natin namamalayan, hindi na maging walang-galang. Kasabay nito, nakikita na rin natin na ang disposisyon ng Diyos ay masyadong matuwid, masyadong banal, na hindi nasasaktan, at hindi mapigilan na magkaroon ng pusong may paggalang sa Diyos. Hindi na tayo maglalakas-loob na gawin ang anumang gusto natin at sabihin ang anumang gusto natin, at simulang talikdan ang laman, isagawa ang katotohanan, at baguhin ang paraan ng pagtingin natin sa mga bagay-bagay. Ang disposisyon natin sa buhay ay magsisimulang magbago, at gusto nating sundin ang mga pagpaplano at pagsasaayos ng Diyos, hindi na kinokontrol ng ating hinaharap at tadhana at ng ating mga pagnanais para sa mga biyaya, at isabuhay ang wangis ng tunay na tao. Pagkatapos nating maranasan ang paghatol at pagkastigo ng Panginoon, napapahalagahan nating lahat nang husto na ang pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos ng mga salita upang hatulan at kastiguhin ang mga tao, ay hindi upang parusahan o sirain sila, ngunit ito ay ganap na para sa paglilinis at pagpeperpekto sa kanila. Ito ang malaking awa at pagliligtas ng Diyos sa atin, at ang pinakatotoo at pinakatunay na pagmamahal ng Diyos sa atin. Isa pa, nakita na rin natin na ang gawaing paghatol simula sa bahay ng Diyos ay nakaasinta sa lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos ng mga huling araw. Gagawa ang Diyos ng isang grupo ng mga mananagumpay bago ang sakuna. Ang grupong ito ng mga tao ay yaong tatanggap sa pangako ng Diyos at papasok sa kaharian ng langit. Ngunit yaon namang mga masasamang tao na lumalaban sa Diyos, hindi gagawin ng Diyos ang Kanyang gawaing paghatol at pagkastigo sa kanila, at maghihintay lamang hanggang sa dumating ang mga malalaking sakuna upang sirain sila. Kaya, nakikita nating lahat nang malinaw na ang paghatol at pagkastigo ng Diyos sa Kanyang napiling mga tao ay upang linisin at iligtas sila, at gawin silang perpekto. Tanging yaong mga anti-cristo at masasamang tao na galit sa katotohanan at lumalaban sa Diyos ang makokondena at masisira. Ito ang lubos na katotohanan.

mula sa iskrip ng pelikulang Awit ng Tagumpay

Sinundan:Tanong 6: Sabi mo naparito ang Panginoon para gawin ang gawain ng paghatol at pagdadalisay sa mga huling araw, pero sabi ng Panginoong Jesus: “At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol” (Juan 16:8). Napaghiganti na ng mga salita at gawain ng Panginoong Jesus ang mga tao para sa kanilang mga kasalanan, para sa katuwiran, at para sa paghatol. Sa pangungumpisal ng ating mga kasalanan sa Panginoon at pagsisisi, sumailalim na tayo sa Kanyang paghatol, kaya ano talaga ang kaibhan sa pagitan ng sinasabi mong gawain ng paghatol sa mga huling araw at ng gawain ng Panginoong Jesus?

Sumunod:Tanong 8: Paano eksaktong ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawaing paghatol upang iligtas at linisin ang sangkatauhan sa mga huling araw?

Baka Gusto Mo Rin