Tanong 4: Ginamit ng Diyos si Moises para gawin ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, kaya bakit hindi ginagamit ng Diyos ang mga tao para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw? Kailangan ba Niya talagang maging tao para gawin ito Mismo? At ano ang mahalagang pagkakaiba ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga taong ginagamit ng Diyos?

Sagot:

Kung bakit kailangang maging tao ang Diyos para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw ay tanong na ikinababahala ng maraming nauuhaw sa katotohanan at naghahanap sa pagpapakita ng Diyos. Ito ay isa ring tanong na may kaugnayan sa kung tayo ba ay madadala sa kaharian ng langit. Kaya, napakahalaga na maunawaan ang aspetong ito ng katotohanan. Bakit kaya kailangang magkatawang-tao Mismo ang Diyos para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw sa halip na gamitin ang tao para gawin ang Kanyang gawain? Natutukoy ito sa likas na katangian ng gawain ng paghatol. Dahil ang gawain ng paghatol ay ang pagpapahayag ng Diyos ng katotohanan at pagpapahayag ng Kanyang matuwid na disposisyon upang lupigin, padalisayin, at iligtas ang sangkatauhan.

…………

Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay kinabibilangan ng pagpapahayag ng maraming aspeto ng katotohanan, pagpapahayag ng disposisyon ng Diyos, ng lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, pagbubunyag ng lahat ng hiwaga, paghatol sa likas na kasamaan ng tao na paglaban at pagtataksil sa Diyos, paglalantad at pagsusuri sa pananalita at kilos ng tao, at paghahayag ng banal at matuwid na diwa at di-masusuway na disposisyon ng Diyos sa buong sangkatauhan. Kapag sasailalim ang hinirang ng Diyos sa paghatol sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, parang kaharap nila ang Diyos, inilalantad at hinahatulan Niya. Kapag hinahatulan ng Diyos ang tao, kailangan Niya tayong tulutang makita ang pagpapamalas ng Kanyang matuwid na disposisyon, na para bang nakikita natin ang banal na diwa ng Diyos, para bang nakikita natin ang matinding liwanag na nakatutok mula sa kalangitan, at ang makita ang salita ng Diyos ay tulad sa isang espadang magkabila ang talim na nakatarak sa ating puso’t espiritu, na dahilan upang matiis natin ang di-maipaliwanag na paghihirap. Sa paraang ito lamang natin mapapansin ang ating sariling tiwaling diwa at ang katotohanan ng ating katiwalian, madarama ang matinding pagkapahiya, maitatago ang ating mukha sa kahihiyan, at magpapatirapa tayo sa harap ng Diyos sa tunay na pagsisisi, at pagkatapos ay magagawa nating tanggapin ang katotohanan at mamumuhay tayo ayon sa salita ng Diyos, na lubusang inaalis sa ating sarili ang impluwensya ni Satanas, at maliligtas tayo at gagawing perpekto ng Diyos. Ang gawaing tulad ng paghatol, pagdadalisay, at pagliligtas sa tao ay personal lamang na magagawa ng Diyos na nagkatawang-tao.

Dahil naranasan na natin ang paghatol ng salita ng Makapangyarihang Diyos, nadama na nating lahat kung paanong di-masusuway ng tao ang kabanalan at matuwid na disposisyon ng Diyos. Bawat titik ng salita ng Diyos ay may taglay na karingalan at poot, bawat salita ay tumitimo sa kaibuturan ng ating puso, lubusang inilalantad ang ating likas na kasamaan na pagkalaban at pagtataksil sa Diyos, gayundin ang mga elemento ng tiwaling disposisyon na nakabaon sa kaibuturan ng ating puso kaya’t hindi natin makita mismo ang mga ito, tinutulutan tayong mapansin kung paanong ang ating likas na pagkatao at diwa ay puno ng kayabangan, pagmamagaling, kasakiman, at panlilinlang, paano tayo namumuhay ayon sa mga bagay na ito, gaya ng mga buhay na diyablong gumagala sa mundo, hindi nagtataglay ng kahit kaunting kabaitan. Nakakamuhi at nakakasuklam ito sa Diyos. Napapahiya tayo at napupuno ng pagsisisi. Nakikita natin ang sarili nating kababaan at kasamaan at nalalaman na hindi tayo marapat na mabuhay sa harap ng Diyos, kaya nagpapatirapa tayo sa lupa, handang tanggapin ang pagliligtas ng Diyos. Sa pagdanas ng paghatol ng salita ng Makapangyarihang Diyos, tunay na nasasaksihan natin ang pagpapakita ng Diyos. Nakikita natin na ang kabanalan ng Diyos ay hindi maaaring dungisan at ang Kanyang katuwiran ay hindi maaaring suwayin. Napapansin natin ang marubdob na mga intensyon at tunay na pag-ibig kung saan sinisikap ng Diyos na iligtas ang tao at nakikita ang katotohanan at diwa ng ating katiwalian sa mga kamay ni Satanas. Kaya naman, sa ating puso, nagsisimula tayong makadama ng pagpipitagan sa Diyos at masaya nating tinatanggap ang katotohanan at sinusunod ang mga plano at pagsasaayos ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang ating tiwaling disposisyon ay unti-unting dumadalisay. Ang mga pagbabagong nagawa natin ngayon ay bunga ng pagkakatawang-tao ng Diyos para gawin ang gawain ng paghatol. Kaya, kapag ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay nagpapahayag ng katotohanan, nagpapahayag ng matuwid na disposisyon ng Diyos at ng lahat ng mayroon at kung ano Siya upang isagawa ang gawain ng paghatol, saka lamang natin nakikita ang pagpapakita ng tunay na liwanag, ang pagpapakita ng Diyos, at nagsisimula tayong magkaroon ng tunay na kaalaman tungkol sa Diyos. Sa ganitong paraan lamang natin makikita na ang Diyos lamang ang maaaring magpadalisay at magligtas sa atin. Bukod kay Cristo, walang taong makakagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw.

…………

Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay kailangang isagawa sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan, ng matuwid na disposisyon ng Diyos, at ng pagka-makapangyarihan at karunungan ng Diyos upang lupigin, padalisayin, at gawing perpekto ang tao. Nagpapakita ang Diyos Mismo upang gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Ang gawaing ito ay tanda ng pagsisimula ng isang kapanahunan at pagwawakas ng isa pa. Ang gawaing ito ay kailangang maisagawa sa pagkakatawang-tao ng Diyos, walang taong makakahalili sa Kanya sa paggawa ng gawaing ito. Bakit kaya maraming naniniwala na dapat gamitin ng Diyos ang mga tao upang gawin ang lahat ng Kanyang gawain, sa halip na magkatawang-tao Siya upang gawin Mismo ang gawain? Hindi ito kapani-paniwala! Talaga bang tanggap ng sangkatauhan ang pagdating ng Diyos? Bakit kaya palaging napakaraming taong nagnanais na gamitin ng Diyos ang mga tao para gawin ang Kanyang gawain? Ito ay dahil gumagawa ang mga tao ay gumagawa alinsunod sa kanilang mga pagkaintindi, ginagawa nila ang mga bagay ayon sa iniisip ng mga tao na dapat isagawa ang mga ito. Kaya, madali para sa karamihan na sambahin, hangaan at sundin ang tao. Gayunman, ang paraan ng paggawa ng Diyos ay hindi kailanman naaayon sa mga pagkaintindi at imahinasyon ng tao, hindi Niya ginagawa ang mga bagay ayon sa iniisip ng tao na dapat gawin ang mga ito. Kaya nahihirapan tayong makasundo ng Diyos. Ang diwa ng Diyos ay ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Ang disposisyon ng Diyos ay banal, matuwid at hindi masusuway. Gayunman, lubusan nang ginawang tiwali ni Satanas ang taong tiwali, at puno ito ng napakasamang disposisyon; nahihirapan silang makasundo ng Diyos. Kaya, nahihirapan tayong tanggapin ang gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos at ayaw nating mag-aral at magmasid, sa halip ay sinasamba natin ang tao at pikit-mata tayong sumasampalataya sa kanyang gawain, tinatanggap at sinusunod ito, na para bang ito ay gawain ng Diyos. Ano ang problema rito? Masasabi mong, walang kaalam-alam ang sangkatauhan kung ano ang ibig sabihin ng maniwala sa Diyos at danasin ang Kanyang gawain, kaya, ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay kailangang isagawa sa pagpapahayag ng katotohanan sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao upang malutas ang lahat ng problema ng tiwaling sangkatauhan. Tungkol naman sa tanong ng ilang tao kung bakit hindi ginagamit ng Diyos ang tao para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw, kailangan pa rin ba itong sagutin? Ang diwa ng tao ay tao, ang tao ay hindi nagtataglay ng banal na diwa, kaya hindi kaya ng tao na ipahayag ang katotohanan, ipahayag ang disposisyon ng Diyos, ang lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, at hindi niya magagawa ang gawain ng pagliligtas ng sangkatauhan. Maliban pa rito, tayong mga tao ay nagawa nang lahat na tiwali ni Satanas at likas na makasalanan, kaya ano ang kwalipikasyon natin para hatulan ang ibang mga tao? Yamang hindi kaya ng marumi at tiwaling tao na padalisayin at iligtas ang kanyang sarili, paano niya inaasahang mapadalisay at mailigtas ang iba? Mapapahiya lamang ang tiwaling tao dahil hindi tatanggapin ng iba ang kanilang paghatol. Diyos lamang ang matuwid at banal, at Diyos lamang ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Kaya, ang gawaing paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay kailangang maisagawa sa pamamagitan ng Kanyang pagkakatawang-tao. Walang taong makakagawa ng gayong gawain, iyan ang totoo.

Ngayon, bakit ginamit ng Diyos ang tao upang gawin ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan? Dahil ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan at ng paghatol sa mga huling araw ay likas na magkaiba. Sa Kapanahunan ng Kautusan, ang mga tao ay ang lahi ng mga bagong silang, hindi pa sila masyadong nagawang tiwali ni Satanas. Ang gawain ng Diyos na si Jehova ay kinapalooban higit sa lahat ng pagproklama ng mga batas at kautusan upang magsilbing gabay sa sinaunang tao kung paano mabuhay sa lupa. Ang yugtong ito ng gawain ay hindi para baguhin ang disposisyon ng tao, hindi nito kinailangan ang pagpapahayag ng mas maraming katotohanan. Kinailangan lamang gamitin ng Diyos ang tao para ipahatid ang naitakda Niyang mga batas sa mga Israelita, para malaman ng mga Israelita kung paano sundin ang mga batas, sambahin ang Diyos na si Jehova, at mabuhay nang normal sa lupa. Sa paggawa nito, ang yugtong iyon ng gawain ay nakumpleto. Kaya, maaaring gamitin ng Diyos si Moises upang kumpletuhin ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, hindi Niya kinailangang magkatawang-tao upang personal na isagawa ang gawain. Kung ihahambing, ang layon ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay iligtas ang sangkatauhan, na lubhang nagawang tiwali ni Satanas. Ang pagpapalabas ng ilang talata ng salita ng Diyos at pagproklama ng ilang batas ay hindi sasapat sa sitwasyong ito. Napakaraming katotohanang kailangang ipahayag. Ang likas na disposisyon ng Diyos, lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos ay kailangang ipahayag nang lubusan, ang katotohanan, ang daan, at ang buhay ay kailangang buksan para sa sangkatauhan, na para bang ihahayag ng Diyos ang Kanyang Sarili nang harapan sa sangkatauhan, na tinutulutan silang maunawaan ang katotohanan at makilala ang Diyos, at sa paggawa nito, lubusan Niyang pinadadalisay, inililigtas at ginagawang perpekto ang sangkatauhan. Kailangan itong personal na gawin Mismo ng Diyos sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao, walang taong makakahalili sa Kanya sa paggawa ng gawaing ito. Maaaring gamitin ng Diyos ang mga propeta upang maglabas ng ilang talata ng Kanyang salita, ngunit hindi pinapayagan ng Diyos ang mga propeta na ipahayag ang likas na disposisyon ng Diyos, ang lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, o ipahayag ang buong katotohanan, dahil ang tiwaling tao ay hindi karapat-dapat na gawin ito. Kung ginamit ng Diyos ang tao upang ipahayag ang kabuuan ng Kanyang disposisyon at katotohanan, malamang na ipahiya niya ang Diyos, dahil ang tao ay may tiwaling disposisyon, nanganganib na pagtaksilan niya ang kanyang sariling mga pagkaintindi at ilusyon, malamang ay mayroong mga karumihan sa kanyang gawain, na madaling magpapahiya sa Diyos at iimpluwensya sa kabuuan ng pagiging epektibo ng gawain ng Diyos. Gayundin, malamang na isipin natin na lahat ng mayroon ang tao at kung ano siya ay ang lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, na ang mga karumihan ng tao sa kanyang gawain ay katotohanan. Humahantong ito sa maling pagkaunawa at pagkapahiya ng Diyos. Gayundin, kung gagamitin ng Diyos ang tao upang ipahayag ang kabuuan ng Kanyang disposisyon at katotohanan, dahil sa mga karumihan ng tao, hindi natin ito tatanggapin at baka kalabanin pa natin ito. Sa gayon ay makakahanap ng kamalian si Satanas at gagawa ng mga paratang, na magpapaalab ng apoy ng ating kawalang-kasiyahan sa Diyos, magbubunsod ng mga pag-aklas, at magsusulsol na bumuo tayo ng sarili nating hiwalay na kaharian. Ito ang kahihinatnan kapag ang tao ang gumawa ng gawain ng Diyos. Lalo na, sa pagliligtas ng Diyos sa labis na tiwaling tao sa mga huling araw, hindi agad tinatanggap at sinusunod ng mga tao ang gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Kaya kung ginamit ng Diyos ang mga tao para gawin ang gawaing ito, malamang na lalong hindi ito tanggapin at sundin ng mga tao. Hindi ba ito ang mga simpleng katotohanan? Tingnan ninyo ang mga elder at pastor ng relihiyosong daigdig, naiiba ba ang pagkalaban at pagtuligsa nila sa gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa paraan ng pagkalaban ng mga punong saserdoteng Judio at Fariseo sa Panginoong Jesus noon? Ang pagliligtas ng Diyos sa tiwaling sangkatauhan ay hindi madali. Kailangan nating maunawaan kung paano mag-isip ang Diyos!

…………

Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao ay talagang makahulugan. Ang Diyos ay nagkatawang-tao sa lupa sa mga huling araw, namumuhay sa piling ng mga tao at nagpapahayag ng Kanyang salita sa sangkatauhan, ipinapahayag sa madla ang sarili Niyang disposisyon at lahat ng mayroon at kung ano Siya. Kung sino ang mahal at sino ang kinamumuhian ng Diyos, kanino nakatuon ang galit ng Diyos, sino ang pinaparusahan Niya, ang Kanyang damdamin, Kanyang mga kahilingan sa mga tao, Kanyang intensyon para sa mga tao, ang ulirang pananaw ng tao sa buhay, mga pinahahalagahan, atbp., ipinapaalam Niya sa atin ang lahat ng ito, tinutulutan tayong magkaroon ng malilinaw na mithiin sa buhay upang hindi natin kailanganing magbakasakali sa malabong paghahangad ng relihiyon. “Winawakasan ng Diyos na nagkatawang-tao ang kapanahunan na likod lamang ni Jehova ang nagpakita sa sangkatauhan, at tinatapos din Niya ang kapanahunan ng paniniwala ng sangkatauhan sa malabong Diyos.” Lahat ng nakaranas sa salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay iisa ang karanasan: Kahit nagdaan tayo sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, natiis natin ang lahat ng uri ng pagsubok at pagpipino, at lubhang pinahirapan ng brutal at malupit na pagtugis at pag-uusig ng malaking pulang dragon, nakita na natin ang matuwid na disposisyon ng Diyos na dumating sa atin, nakita na natin ang kamahalan at matinding galit ng Diyos at ang Kanyang pagka-makapangyarihan at karunungan, nakita natin ang pagpapamalas ng lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, na para bang nakikita natin ang Diyos Mismo. Bagama’t hindi pa natin nakikita ang espirituwal na katawan ng Diyos, nahayag na nang buung-buo ang likas na disposisyon ng Diyos, ang Kanyang pagka-makapangyarihan at karunungan, at lahat ng mayroon at kung ano Siya, na para bang nasa harap natin ang Diyos, harap-harapan, tinutulutan tayong tunay na makilala ang Diyos at magkaroon ng pusong may takot sa Kanya para masunod natin ang anumang mga plano Niya para sa atin hanggang kamatayan. Nadarama nating lahat na sa salita at gawain ng Diyos ay nakikita at nakikilala natin ang Diyos sa praktikal at tunay na paraan, at lubusang naalis ang lahat ng pagkaintindi at ilusyon at naging mga taong tunay na nakakakilala sa Diyos. Noon, inakala nating ang disposisyon ng Diyos ay mapagmahal at mahabagin, naniniwalang patuloy na patatawarin ng Diyos ang mga kasalanan ng tao. Ngunit matapos makaraan sa paghatol ng salita ng Makapangyarihang Diyos, talagang naunawaan na natin na ang disposisyon ng Diyos ay hindi lamang mahabagin at mapagmahal, kundi matuwid, maringal, at puno rin ito ng galit. Sinumang magkasala sa Kanyang disposisyon ay parurusahan. Sa gayon, maaari nating pagpitaganan ang Diyos, tanggapin ang katotohanan at mamuhay ayon sa salita ng Diyos. Sa pagdanas ng gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, tunay at praktikal na naunawaan na nating lahat na ang disposisyon ng Diyos ay banal, matuwid, at hindi masusuway, naranasan na ang habag at pag-ibig ng Diyos, tunay na nating napahalagahan ang pagka-makapangyarihan at karunungan ng Diyos, nakilala kung paano mapakumbabang itinatago ng Diyos ang Kanyang Sarili, at nalaman ang Kanyang marubdob na mga intensyon at maraming kaibig-ibig na katangian: ang Kanyang damdamin, Kanyang katapatan, Kanyang kariktan at kabutihan, Kanyang awtoridad, dakilang kapangyarihan, at Kanyang masusing pagsusuri sa lahat ng bagay, atbp. Nakita na natin ang lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, na para bang nakikita natin ang Diyos Mismo, tinutulutan tayong makilala ang Diyos nang harapan. Hindi na tayo naniniwala at sumusunod sa Diyos batay sa ating mga pagkaintindi at ilusyon, kundi nakadarama tayo ng tunay na pagpipitagan at pagsamba sa Diyos, at tunay tayong sumusunod at umaasa sa Diyos. Talagang natanto na natin na kung hindi personal na nagkatawang-tao ang Diyos upang ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol, hindi natin kailanman makikilala ang Diyos, at hindi natin makakayang alisin sa ating sarili ang kasalanan at makamit ang pagdadalisay. Kaya ano man ang tingin ninyo rito, ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay kailangang gawin Mismo ng Diyos na nagkatawang-tao, walang makakahalili sa Kanya. Dahil sa mga pagkaintindi at ilusyon ng tao, kung gagamitin ng Diyos ang tao para gawin ang gawain ang paghatol sa mga huling araw, hindi Niya magagawang kamtin ang minimithing epekto.

mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian

Sinundan: Tanong 3: Bakit ginawang nagkatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw, naging Anak ng tao upang gawin ang gawain ng paghatol? Ano ang tunay na kaibahan sa pagitan ng espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus na nabuhay na muli mula sa kamatayan at ang nagkatawang-taong Anak ng tao? Ito ang isyu na hindi natin nauunawaan—mangyaring magbahagi tungkol dito.

Sumunod: Tanong 5: Bakit sinabi na ang tiwaling sangkatauhan ay dapat maligtas ng nagkatawang-taong Diyos? Ito ang isang bagay na hindi nauunawaan ng karamihan sa mga tao—mangyaring magbahagi tungkol dito.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito