Tanong 3: Bakit ginawang nagkatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw, naging Anak ng tao upang gawin ang gawain ng paghatol? Ano ang tunay na kaibahan sa pagitan ng espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus na nabuhay na muli mula sa kamatayan at ang nagkatawang-taong Anak ng tao? Ito ang isyu na hindi natin nauunawaan—mangyaring magbahagi tungkol dito.

Sagot:

Karamihan sa matatapat ay naniniwala na ang nagbalik na Panginoon ay magpapakita sa atin sa Kanyang espirituwal na katawan, ibig sabihin, ang espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus kung saan Siya ay nagpakita sa tao sa loob ng apatnapung araw pagkatapos ng Kanyang pagkabuhay na mag-uli. Malinaw sa ating lahat na mananampalataya ang bagay na ito. Sa tingin, ang espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus pagkatapos Siyang mabuhay na mag-uli ay nagpapakita sa imahe na kapareho ng Kanyang laman na nagkatawang-tao, ngunit ang espirituwal na katawan ay hindi nalilimitahan ng materyal na daigdig, espasyo, at lugar. Maaari itong magpakita at maglaho nang kusa, at naiiwang gulat at mangha ang tao. Nakatala sa Biblia ang mga salaysay tungkol dito. Bago ipinako sa krus ang Panginoong Jesus, Siya ay nagsasalita at gumagawa sa normal na katauhan ng katawang-tao. Nagpapahayag man Siya ng katotohanan, nakikisalamuha sa mga tao, o gumagawa ng mga himala, nadama ng mga tao na Siya ay normal sa lahat ng paraan. Ang nakita ng mga tao ay ang katawang-taong ito na talagang tunay na gumagawa, nagdaranas ng hirap at nagsasakripisyo. Sa huli, ang katawang-taong ito ang ipinako sa krus bilang handog para sa kasalanan ng tao, sa gayo’y kinukumpleto ang gawain ng pagtubos ng Diyos. Alam ng lahat ang katotohanang ito. Isipin sandali: Kung ang espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus ang gumagawa ng gawain, magagawa ba Niyang makisalamuha at makipag-usap nang normal sa mga tao? Talaga bang tunay Siyang nagdaranas ng mga hirap at nagsasakripisyo? Maaari ba Siyang ipako sa krus? Hindi Niya magagawa ang alin man sa mga ito. Kung ang Kanyang espirituwal na katawan ang gumagawa ng gawain, madali kaya sa ating mga tao na makasalamuha Siya? Pagtataksilan ba natin ang ating mga tiwaling disposisyon? Bubuo ba tayo ng mga pagkaintindi tungkol sa Kanya? Mangangahas ba tayong magrebelde at hatulan ang Diyos nang kusa? Imposible iyan! Ang mga tao ay may normal na pagkatao, silang lahat ay napapailalim sa mga limitasyon ng materyal na daigdig, espasyo, at lugar. Ang proseso ng pag-iisip ng tao ay normal din. Kung ang tao ay makakaugnay sa gawain ng espirituwal na katawan, matatakot sila at matataranta. Mauulol at mababaliw ang kanilang isipan. Kapag naharap sa ganitong sitwasyon, mahihirapan ang Diyos na magtagumpay sa Kanyang gawain ng pagliligtas sa sangkatuhan. Kaya, ang epektong nakakamit sa paggawa ayon sa mga limitasyon ng normal na pagkatao ay mas mabilis kaysa roon sa espirituwal na katawan. Sa paglipas ng mga panahon, ang mga taong hinirang ng Diyos ay hindi pa naranasan kailanman ang gawain ng espirituwal na katawan ng Diyos. Tiyak na hindi magiging angkop para sa espirituwal na katawan na direktang ipahayag ang katotohanan, makisalamuha sa mga tao at gabayan ang mga iglesia.

Ang gawain ng paghatol na isinasagawa sa ikalawang pagparito ng Diyos sa mga huling araw ay ginagamit ang pagpapahayag ng salita upang dalisayin, iligtas, at gawing perpekto ang tao, na ang layon ay para din ilantad at lipulin ang mga tao, na ibinubukod ang tao ayon sa kanyang uri, at pagkatapos ay ginagantimpalaan ang mabuti samantalang pinarurusahan ang masama. Kung magpapakita ang Diyos sa tao sa anyo ng Kanyang espirituwal na katawan, lahat ng tao, mabuti o masama, ay magpapatirapa sa Kanyang harapan, kaya paano Niya maibubukod ang mabuti sa masama? Gayundin, kung magpapakita ang Diyos sa Kanyang espirituwal na katawan, matataranta ang tao, at magkakagulo sa buong mundo. Kung magkagayon, paano isasagawa ng Diyos nang normal ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw? Paano rin maisasakatuparan ng Diyos ang Kanyang plano na magkumpleto ng isang grupo ng mga tao na umaayon sa kalooban ng Diyos bago sumapit ang mga kalamidad? Kaya, sa mga huling araw, kailangan pa ring magkatawang-tao ang Diyos bilang Anak ng tao na may normal na pagkatao. Sa ganitong paraan lamang Siya makakagawa at makakapamuhay sa daigdig ng tao, at sa ganitong paraan lamang Niya maipapahayag ang katotohanan at mahahatulan at madadalisay ang tao sa praktikal na paraan upang maagaw ang tao mula sa mga impluwensya ni Satanas, mailigtas ng Diyos, at maging mga tao ng Diyos. Ang Panginoong Jesus na nagkatawang-tao ay kumilos sa normal na pagkatao para makamit ang pagtubos ng sangkatauhan. Ang nabuhay na mag-uling espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus ay nagpakita sa tao para patunayan lamang na ang Panginoong Jesus ang pagkakatawang-tao ng Diyos. Ginawa ito para palakasin ang pananampalataya ng tao. Kaya, ang espirituwal na katawan ng Diyos ay dumating para magpakita lamang sa tao, hindi para gawin ang gawain. Ang katawang-tao ng Diyos ay kailangang may normal na pagkatao para makagawa sa tao at matapos ang pagtubos at pagliligtas sa sangkatauhan. Kaya, kung gusto ng Diyos na lubusang iligtas ang sangkatauhan sa Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw, kailangan Niyang magkatawang-tao at gawin ang Kanyang gawain sa normal na pagkatao upang makamit ang pinakamagandang epekto. Tiyak na hindi Siya magpapakita sa tao bilang espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Ito ang isang bagay na kailangang malinawan nating matatapat.

…………

… Sa kabila ng katotohanan na ang espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus ay maaaring magpakita sa tao at makipagharapan sa kanila, ang espirituwal na katawan ay tila hindi pa rin maarok ang hiwaga at di-maunawaan ng tao, pinupukaw niya ang takot at pag-aalala sa kanilang puso at nagiging sanhi para medyo lumayo sila. Dahil hindi kaya ng espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus na makisalamuha nang normal sa tao at hindi makagawa at makapagsalita nang normal sa mga tao, hindi Niya kayang iligtas ang sangkatauhan. Gayunman, iba naman ang Diyos na nagkatawang-tao. Kaya Niyang makasalamuha sa tao sa praktikal at tunay na paraan. Kaya Niyang diligan at tustusan ang tao, tulad ng Panginoong Jesus, na namuhay na kasama ng mga tao, na nagawang ipahayag ang katotohanan upang matustusan ang tao, kahit kailan at kahit saan. Madalas umupo ang Kanyang mga disipulo na kasama Niya, na nakikinig sa Kanyang mga turo at dibdibang nakikipagtalakayan sa Kanya. Direkta nilang tinanggap ang Kanyang pagdidilig at pagpatnubay. Anumang problema o paghihirap ang nakaharap nila, tinulungan sila ng Panginoong Jesus na malutas ang mga ito. Pinagkalooban sila ng napakaraming panustos sa buhay. Nalaman nila na ang Diyos ay mabait at kaibig-ibig. Dahil dito, nagawa nilang tunay na mahalin at sundin ang Diyos. Kapag dumating ang pagkakatawang-tao ng Diyos sa daigdig ng tao, saka lamang tayo nagkakaroon ng pagkakataong makasalamuha, maranasan at makilala ang Diyos. Noon lamang nakikita ng sarili nating mga mata ang pagiging kahanga-hanga at karunungan at praktikal na pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan. Ito ay isang aspeto ng kabuluhan at praktikal na halaga ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Hindi basta makakamit ng espirituwal na katawan ang epektong ito.

Nalinaw sa atin nang husto ng pagbabahaging ito ang isang katotohanan. Sa pagkakatawang-tao lamang bilang Anak ng tao at paggawa sa sakop ng normal na pagkatao magagawa talaga ng Diyos na hatulan, lupigin at dalisayin ang tao. Hindi maaaring makamit ng espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus ang ganitong epekto sa Kanyang gawain. Noong una, kapag nagkakatawang-tao ang Diyos bilang Anak ng tao para gawin ang gawain ng paghatol at pagdadalisay sa mga tao, tatratuhin nating mga tao ang Diyos na parang karaniwang tao dahil kailangan pa nating makilala ang pagkakatawang-tao ng Diyos sa kung sino Siya talaga. Magkakaroon pa nga tayo ng mga paniwala tungkol sa salita at gawain ng Diyos, hindi natin igagalang si Cristo at tatanggi tayong sumunod sa Kanya. Magsasabi tayo ng mga kabulaanan para lokohin Siya, hahatulan at kakalabanin at tutuligsain pa natin Siya. Ang kayabangan, pagkasuwail, at paglaban nating mga tao ay mahahalata nang lubusan sa harapan ni Cristo. Tulad ng sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang tiwaling disposisyon ng tao at ang kanyang pagkasuwail at paglaban ay nalalantad kapag nakikita niya si Cristo, at ang pagkasuwail at paglaban na nalantad sa sandaling ito ay mas ganap at lubusang nalantad kaysa sa anumang iba pa. Ito ay dahil si Cristo ang Anak ng tao—isang Anak ng tao na nagtataglay ng normal na pagkatao—kaya hindi Siya pinararangalan ni iginagalang ng tao. Ito ay dahil ang Diyos ay nananahan sa katawang-tao kaya ang pagkasuwail ng tao ay nadadala sa liwanag nang lubusan at sa napakalinaw na detalye. Kaya sinasabi Ko na nahukay ng pagparito ni Cristo ang lahat ng pagkasuwail ng sangkatauhan at nabigyan ng malinaw na kaginhawahan ang likas na pagkatao ng sangkatauhan. Ito ay tinatawag na ‘pag-akit sa tigre na bumaba ng bundok’ at ‘pag-akit sa lobo na lumabas ng yungib nito’” (“Yaong mga Hindi Kaayon ni Cristo ay Tiyak na mga Kalaban ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ipinapahayag ng Diyos ang katotohanan para hatulan, ilantad, pungusan at harapin ang sangkatauhan ayon sa tunay na realidad ng kanilang paghihimagsik at paglaban. Ang gawain ng Diyos ay tunay na praktikal at talagang naglalantad sa mga tao kung sino sila. Kapag naharap sa gayong tunay na ebidensya, yaong mga nagagawang tanggapin ang katotohanan ay lubusang makukumbinsi at aaminin ang kanilang sariling paghihimagsik at paglaban. Mababatid din nila ang banal, matuwid at di-masusuway na disposisyon ng Diyos at magagawang tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos nang may pagpapakumbaba, upang sila ay malupig at mailigtas ng praktikal na gawain ng Diyos. Tulad ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang Diyos na nagkatawang-tao ay ang kaaway ng lahat ng tao na hindi nakakakilala sa Kanya. Sa pamamagitan ng paghatol sa mga kuru-kuro ng tao at pagsalungat sa Kanya, isinisiwalat Niya ang lahat ng pagsuway ng sangkatauhan. Higit na malinaw ang mga epekto ng Kanyang gawain sa katawang-tao kaysa sa mga gawain ng Espiritu. At kaya, hindi tuwirang isinasagawa ng Espiritu ang paghatol ng lahat ng sangkatauhan, bagkus ay ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao. Makakayang makita at mahawakan ng tao ang Diyos sa katawang-tao, at ang Diyos sa katawang-tao ay makakayang ganap na lupigin ang tao. Sa kanyang kaugnayan sa Diyos sa katawang-tao, umuusad ang tao mula sa pagsalungat patungo sa pagsunod, mula sa pag-uusig patungo sa pagtanggap, mula sa mga kuru-kuro patungo sa kaalaman, at mula sa pagtanggi patungo sa pagmamahal—ito ang mga epekto ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Naliligtas lamang ang tao sa pamamagitan ng pagtanggap ng Kanyang paghatol, unti-unti lamang na nakikilala Siya ng tao sa pamamagitan ng mga salita ng Kanyang bibig, nalulupig Niya ang tao sa panahon ng pagsalungat nito sa Kanya, at tumatanggap siya ng panustos ng buhay mula sa Kanya sa panahon ng pagtanggap ng Kanyang pagkastigo. Ang lahat ng gawaing ito ay ang gawain ng Diyos sa katawang-tao, at hindi ang gawain ng Diyos sa Kanyang pagkakakilanlan bilang Espiritu” (“Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Kaya, ang tao ay lubusan lamang madadalisay at maliligtas kung ang pagkakatawang-tao ng Diyos ang gumagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw.

mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian

Sinundan: Tanong 2: Bagama’t nalalaman ng mga mananampalataya sa Panginoon na ang Panginoong Jesus ay ang nagkatawang-taong Diyos, kakaunting tao lamang ang nakakaunawa ng katotohanan ng pagkakatawang-tao. Kapag bumalik ang Panginoon, kung nagpapakita Siya tulad ng ginawa ng Panginoong Jesus, na naging Anak ng tao at gumagawa, talagang walang paraan na makikilala ng mga tao ang Panginoong Jesus at malugod na tatanggapin ang Kanyang pagbalik. Kung gayon ano talaga ang pagkakatawang-tao? Ano ang diwa ng pagkakatawang-tao?

Sumunod: Tanong 4: Ginamit ng Diyos si Moises para gawin ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, kaya bakit hindi ginagamit ng Diyos ang mga tao para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw? Kailangan ba Niya talagang maging tao para gawin ito Mismo? At ano ang mahalagang pagkakaiba ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga taong ginagamit ng Diyos?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 1: Nananalig na tayo sa Panginoon sa loob ng napakaraming taon. Kahit maaari tayong mangaral at kumilos para sa Panginoon at magdusa nang husto, maaari pa rin tayong palaging magsinungaling, manloko at mandaya. Araw-araw, ipinagtatanggol natin ang ating sarili. Napakadalas, mayabang tayo, mapagmataas, pasikat, at mapanghamak sa iba. Namumuhay tayo sa sitwasyon ng pagkakasala at pagsisisi, at hindi tayo makaalpas sa pang-aalipin ng laman, at dumaranas at nagsasagawa ng salita ng Panginoon. Hindi pa natin nararanasan ang anumang realidad ng salita ng Panginoon. Sa kaso natin, madadala man lang ba tayo sa kaharian ng langit? Sabi ng ilang tao, gaano man tayo magkasala, gaano man tayo inaalipin ng laman, ang tingin sa atin ng Panginoon ay walang kasalanan. Sumusunod sila sa salita ni Pablo: “Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng trumpeta: sapagka’t tutunog ang trumpeta, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin” (1 Corinto 15:52). At ipinapalagay nila na agad babaguhin ng Panginoon ang ating anyo pagdating Niya at dadalhin tayo sa kaharian ng langit. Naniniwala ng ilang tao na ang mga tumatanggap ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya pero patuloy pa ring nagkakasala ay hindi karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng langit. Nakabatay ito unang-una na sa salita ng Panginoong Jesus: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). “Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t Ako’y banal” (Levitico 11:45). Ito ay dalawang magkakumpitensyang pananaw na hindi malinaw na masasabi ng sinuman, Makipag-usap naman kayo para sa amin.

Sagot: Noong araw, dati-rati’y itinuturing nating salita ng Diyos ang mga salita ng mga apostol na kagaya ni Pablo at sumusunod tayo sa...

Tanong 3: Simula nang pag-aralan natin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, Kapatid na Zhang, Kapatid na Xu, simula nang pag-aralan natin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, mas lalong kinokondena ng mga pastor at elder ng relihiyon ang Makapangyarihang Diyos, ginagawa nila ang lahat para hadlangan tayo sa pag-aaral ng totoong daan. Hindi ito naiba sa pagkalaban at pagkondena noon ng mga Judiong Fariseo sa Panginoong Jesus! Nag-iisip-isip ako nitong, bakit dalawang beses na nagpakita ang Diyos sa katawang-tao para gumawa at makalawang nakaharap ang pagkondena at pang-uusig ng lahat ng relihiyon at ng gobyernong ateista? Sa mga huling araw, nagpapakita at gumagawa ang Makapangyarihang Diyos para lamang ipahayag ang katotohanan, sa pagsasalita at paggawa para linisin at iligtas ang sangkatauhan. Bakit matindi ang galit kay Cristo ng mga relihiyon at ng gobyernong Komunista ng Tsina? na pinakikilos pa nila ang media corp at sandatahang puwersa ng pulisya para ikondena, lapastanganin, hulihin at patayin si Cristo? Dahil dito naaalala ko noong narinig ni Haring Herodes na ang Hari ng mga Judio, o ang Panginoong Jesus ay isinilang, ipinapatay niya ang lahat ng lalaking sanggol sa Bet-lehem na wala pang dalawang taong gulang. Mas gugustuhin niyang ipapatay ang libu-libong inosenteng mga sanggol kaysa hayaang mabuhay si Cristo. Noong dumating ang Diyos sa katawang-tao para sa kaligtasan ng sangkatauhan, bakit hindi tinanggap ng mga relihiyon at gobyerno ang Kanyang pagdating kundi galit na galit na kinondena at nilapastangan ang pagpapakita at gawain ng Diyos? Bakit inubos niya ang kabuhayan ng buong bansa para lang maipako sa krus si Cristo? Bakit napakasama ng sangkatauhan at matindi ang galit laban sa Diyos?

Sagot: Ang tanong na ito ay napakahalaga, at iilan lamang sa buong sangkatauhan ang makauunawa dito nang lubusan! Ang dahilan ng matinding...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito