Tanong 5: Bakit sinabi na ang tiwaling sangkatauhan ay dapat maligtas ng nagkatawang-taong Diyos? Ito ang isang bagay na hindi nauunawaan ng karamihan sa mga tao—mangyaring magbahagi tungkol dito.

Sagot:

Kaya kailangang iligtas ang tiwaling sangkatauhan sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay dahil ang katawan ng tao ay lubusan nag nalinlang at nagawang tiwali ni Satanas. Ang buong sangkatauhan ay nabubuhay sa ilalim ng pamamahala ni Satanas, hindi nila matukoy ang pagkakaiba ng mabuti sa masama, kagandahan sa kapangitan. Hindi nila masabi ang pagkakaiba ng positibo sa negatibo. Nabubuhay sila ayon sa pilosopiya, batas at likas na pagkatao ni Satanas, sila ay mayabang, mapagmagaling, walang ingat, at walang kinikilalang batas. Silang lahat ay mga larawan ni Satanas at naging masasama na nakikipagsabwatan kay Satanas upang labanan ang Diyos, subalit hindi nila natatanto iyan. Ang Diyos ang Lumikha, Diyos lamang ang lubos na nakaaalam sa likas na pagkatao ng tao, kung gaano sila nagawang tiwali. At Diyos lamang ang makapaglalantad at makakasuri sa napakasamang likas ng pagkatao at tiwaling disposisyon, makapagsasabi sa tao kung paano mamuhay at kumilos bilang mga tao, at lubusang makakalupig, makapagpapadalisay, at makapagliligtas sa sangkatauhan. Maliban sa Diyos, walang taong nilikha na makakaunawa sa diwa ng katiwalian ng tao at tiyak na hindi maibibigay sa tao ang katotohanan kung paano kumilos bilang mga tao. Kaya kung nais ng Diyos na ipaglaban ang lubhang tiwaling sangkatauhan mula sa mga kamay ni Satanas at iligtas sila, kung personal lang na ipinapahayag ng pagkakatawang-tao ng Diyos ang katotohanan at disposisyon ng Diyos at sinasabi sa tao ang lahat ng katotohanang kailangan niyang taglayin para maligtas, na tinutulutan ang tao na maunawaan ang katotohanan, makilala ang Diyos, at malaman ang masasamang balak at iba-ibang kamalian ni Satanas, saka lamang maaaring talikuran at tanggihan ng tao si Satanas ang makakabalik sa harapan ng Diyos. Gayundin, inilalantad ng gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos ang lahat ng uri ng mga tao. Dahil lahat ng tao ay mayabang at ayaw pasakop, kapag ang Diyos ay nagkatawang-tao upang ipahayag ang katotohanan, walang salang tumutugon ang mga tao ayon sa kanilang mga pagkaintindi, paglaban at pakikipagdigmaan. Sa gayon, ang katotohanan ng paglaban at pagtataksil ng tiwaling sangkatauhan sa Diyos ay lubusang nalalantad at isinasagawa ng Diyos ang Kanyang paghatol sa tao batay sa katiwaliang ipinapakita nila at sa kanilang likas na pagkatao at diwa. Sa ganitong paraan lamang maisasagawa nang maayos ang paglupig, pagliligtas, at pagpeperpekto ng Diyos sa sangkatauhan. Sa pamamagitan ng paghatol ng mga salita ng Diyos, unti-unting nalulupig at napapadalisay ang tao. Kapag ang tao ay ganap nang nalupig, nagsisimula siyang sumunod sa Diyos na nagkatawang-tao, sinisimulan niyang tanggapin at sundin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos at maranasan ang gawain ng Diyos, at nagpapasiya siyang hanapin ang katotohanan at huwag nang mamuhay kailanman ayon sa pilosopiya at batas ni Satanas. Kapag lubusang namumuhay ang tao ayon sa salita ng Diyos, lubusan nang nagapi ng Diyos si Satanas at nagsisilbing tira-tira ang tiwaling tao ng Kanyang tagumpay laban kay Satanas. Kung tutuusin, ipinakikipaglaban ng Diyos ang tiwaling sangkatauhan mula sa mga kamay ni Satanas. Ang gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos lamang ang may gayong epekto. Ito ang ganap na pangangailangan sa pagkakatawang-tao ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan, at ang pagkakatawang-tao lamang ng Diyos ang lubusang makakalupig at makapagliligtas sa sangkatauhan. Ang mga taong ginagamit ng Diyos ay hindi kayang gawin ang gawain ng pagtubos at pagliligtas sa sangkatauhan.

Talagang kailangan ng tiwaling tao na magkatawang-tao ang Diyos upang personal siyang hatulan at padalisayin kung nais niyang maligtas. Tungkol naman sa pakikisalamuha ng Diyos na nagkatawang-tao sa tao, tinutulutan Niyang maunawaan at makilala ng tao ang Diyos nang harapan. Dahil ang mga tunay na naghahanap ng katotohanan ay tinatanggap ang paghatol at pagdadalisay ni Cristo ng mga huling araw, likas nilang nasusunod ang Diyos at nadarama ang pagmamahal sa Diyos sa kanilang puso at lubusang naililigtas mula sa pamamahala ni Satanas. Hindi ba’t ito ang pinakamainam na paraan upang maligtas at magawang perpekto ng Diyos ang sangkatauhan? Dahil ang Diyos ay nagkatawang-tao, nagkaroon na tayo ng pagkakataong makaharap ang Diyos at maranasan ang Kanyang tunay na gawain, at nagkaroon na tayo ng pagkakataong matanggap ang panustos ng tumpak na salita ng Diyos at direktang mapatnubayan at madiligan Niya kaya’t nagsisimula tayong umasa sa Diyos, sumunod sa Diyos, at talagang mahalin Siya. Kung hindi nagkatawang-tao ang Diyos para gawin ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, ang praktikal na epektong ito ay hindi maaaring makamtan. …

Kapag ang Diyos ay nagiging tao para iligtas ang tiwaling sangkatauhan, magagamit Niya ang wika ng mga tao para malinaw na sabihin sa sangkatauhan ang mga hinihingi ng Diyos, ang Kanyang kalooban, ang Kanyang disposisyon at lahat ng mayroon at kung ano Siya. Sa ganitong paraan, mauunawaan ng tao ang kalooban ng Diyos nang hindi na naglilibot at naghahanap, maaari nilang malaman ang mga hinihingi ng Diyos at ang paraan na nararapat nilang isagawa. Sa gayon, maaari din silang magkaroon ng praktikal na pag-unawa at kaalaman tungkol sa Diyos. Tulad noong Kapanahunan ng Biyaya, tinanong ni Pedro ang Panginoong Jesus, “Panginoon, makailang beses magkakasala ang aking kapatid laban sa akin na siya’y aking patatawarin? Hanggang sa makapitong beses?” (Mateo 18:21). Direktang sinabi ni Jesus kay Pedro: “Hindi pitong beses, kundi hanggang sa makapitumpo’t pitong beses” (Mateo 18:22). Mula rito makikita natin na inalagaan at sinuportahan ng Panginoong Jesus na nagkatawang-tao ang mga tao kung kailan man at saan man Siya nagpunta, na binibigyan ang tao ng pinaka-praktikal at malinaw na panustos. Sa mga huling araw, nagkatawang-tao na ang Makapangyarihang Diyos sa mga tao, na ipinapahayag ang katotohanan upang lunasan ang aktuwal na sitwasyon ng tao, ipinapahayag ang disposisyon ng Diyos at lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos upang suportahan at tustusan ang sangkatauhan, itinuturo ang lahat ng hindi tama at ang mga kamalian sa paniniwala ng tao sa Diyos, ipinapaalam sa tao ang kalooban ng Diyos at ang Kanyang mga hinihingi, at ibinibigay sa tao ang pinaka-praktikal at tumpak na panustos at suporta sa buhay. Halimbawa, kapag nabubuhay tayo sa paghihimagsik at paglaban sa Diyos nang hindi ito nalalaman, direkta tayong inilalantad at hinahatulan ng salita ng Diyos, para makita natin, sa salita ng Diyos, kung paano nilalabanan ng napakasamang likas na pagkatao natin ang Diyos. Kapag sinusunod natin ang Diyos para sa sarili nating kapakinabangan at nagmamagaling tayo sa paggawa nito, inilalantad tayo ng Diyos batay sa ating mga kakulangan at sinasabi sa atin kung ano ang dapat nating paniwalaan bilang mga alagad ng Diyos. Kapag mali ang ating pagkaunawa sa Diyos sa ating karanasan sa Kanyang paghatol, ipinapaalala sa atin ng salita ng Diyos ang marubdob na mga hangarin ng Diyos sa paghatol at pagliligtas sa sangkatauhan, nilulutas ang ating mga maling pagkaunawa sa Diyos, atbp. Lahat ng hinirang ng Diyos ay naranasan na nang husto kung paano tayo palaging tinutulungan at tinutustusan ng Diyos na nagkatawang-tao para hindi na tayo maglibot at maghanap. Ang kailangan lang nating gawin ay basahin pa ang salita ng Makapangyarihang Diyos upang makamtan ang pinaka-praktikal na pagsuporta at pag-aalaga ng Diyos. Sa pamamagitan ng salitang ipinapahayag ng Diyos, nagkakaroon tayo ng kaunting tunay na pag-unawa tungkol sa kalooban ng Diyos, sa Kanyang disposisyon at sa lahat ng mayroon at kung ano Siya at sa pag-unawang ito, nalalaman natin kung paano magpatuloy sa isang paraan na mamumuhay tayo ng tunay na buhay at malalaman natin kung paano malalaman ang mga tusong balak ni Satanas, na malinaw na nakikita kung paano tayo mismo nagawang tiwali ni Satanas hanggang sa kaibuturan, at sa paggawa nito, unti-unti nating inaalis ang ating kasalanan at ang maitim na impluwensya ni Satanas. Dahil dito, nagbabago ang ating disposisyon sa buhay at tumatahak tayo sa tamang landas, at namumuhay sa realidad ng katotohanan. Ginawang posible ng pagkakatawang-tao ng Diyos ang lahat ng ito.

Ang Diyos ay nagkatawang-tao para gumawa at ipahayag ang Kanyang salita, na nagtutulot sa tao na magkamit ng pinaka-praktikal na panustos at suporta sa buhay. Sa kabila ng katotohanan na maraming paniwala ang tao hinggil sa gawain ng paghatol ng Diyos na nagkatawang-tao, inihatid na ng Diyos sa tao ang landas ng buhay at ang walang-katapusang kaligtasan, at natutong umasa ang tao sa Kanya. … Sa kabila ng katotohanan na ang Diyos ay nag-anyong karaniwang Anak ng tao sa Kanyang pagkakatawang-tao sa mga huling araw para iligtas at gawing perpekto ang sangkatauhan, sa kabila ng hindi Niya paggawa ng mga tanda at kababalaghan, at hindi pagtataglay ng kahanga-hangang mga katangian o malaking pangangatawan at Kanyang pagiging target ng mga pagkaintindi ng tao, ng kanilang pagtatakwil, paglaban, at pagtanggi, ang katotohanang ipinapahayag ni Cristo at ang gawain ng paghatol na Kanyang isinasakatuparan ay nagbigay sa tao ng panustos na salita ng Diyos, at tinulutan silang makamit ang katotohanan at makita ang pagpapakita ng Diyos. Bagama’t hindi pa natin nakita ang tunay na persona ng Diyos, nakita na natin ang Kanyang likas na disposisyon, at ang Kanyang banal na diwa, na para na ring nakita natin ang Kanyang tunay na persona. Nakita na natin na tunay at talagang namumuhay ang Diyos sa ating piling. Talagang nadarama natin na nadala tayo sa harapan ng luklukan, na nararanasan ang gawain ng Diyos nang harapan sa Diyos, at tinatamasa ang panustos na tubig ng buhay na dumadaloy mula sa luklukan. Sa pagdanas ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, unti-unti nating nauunawaan ang kasigasigan ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan. Nakikita natin kung gaano katindi ang pagdurusa ng Diyos, kung gaano kalaki ang Kanyang isinasakripisyo para iligtas ang sangkatauhan. Lahat ng ginagawa ng Diyos para sa atin ay dahil sa pagmamahal; puro para sa ating kaligtasan. Kinamumuhian nating lahat kung gaano tayo kasuwail at kawalang-katwiran noong araw at ngayo’y tunay na nating minamahal at sinusunod ang Diyos. Ngayong nakarating na tayo sa puntong ito, talagang kinikilala nating lahat na naranasan na natin ang ating kasalukuyang nang buung-buo dahil sa pagliligtas ng Diyos na nagkatawang-tao! Ang Cristo ng mga huling araw talaga ang pinakadakilang kaligtasan ng tiwaling sangkatauhan at ang tanging landas ng tao tungo sa pagkilala sa Diyos at pagtanggap ng Kanyang pagsang-ayon.

—Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian

Sinundan: Tanong 4: Ginamit ng Diyos si Moises para gawin ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, kaya bakit hindi ginagamit ng Diyos ang mga tao para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw? Kailangan ba Niya talagang maging tao para gawin ito Mismo?

Sumunod: Tanong 6: Sa Kapanahunan ng Biyaya, naging tao ang Diyos para magsilbing handog para sa kasalanan ng sangkatauhan, na tumutubos sa kanila mula sa kasalanan. Sa mga huling araw muling naging tao ang Diyos para ipahayag ang katotohanan at gawin ang Kanyang gawain ng paghatol upang lubos na dalisayin at iligtas ang tao. Kaya bakit kailangang dalawang beses na magkatawang-tao ang Diyos para gawin ang pagliligtas sa sangkatauhan? At ano ang tunay na kabuluhan ng dalawang beses na pagkakatawang-tao ng Diyos?

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 15: Tinawag ng mga pambansang lider ang Kristiyanismo at Katolisismo bilang mga kulto, at ang Banal na Biblia ay tinawag nilang aklat ng kulto. Kinikilala ng lahat ang mga katotohanang ito. Kung bakit naman binansagan ng sentrong gobyerno ang mga Kristiyanong bahay-iglesia, at sa partikular Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos bilang mga kulto, sa pagkaintindi ko at ayon sa pagsisiyasat, ganito ang pakiwari ko dyan: Lahat ng magpatunay na ang Diyos ang lumikha sa lahat, ang magsabing ang Diyos ang Tagapaglikha, na Siya ang lumikha sa sangkatauhan, ang magpatotoong Siya ang naghahari sa lahat ng bagay, ang magsabing ang Diyos ang Panginoon ng sansinukob, at nagkokontrol sa sanlibutan, at sinumang magsasabi sa sangkatauhan na ang Diyos lamang ang tingalain, sa Diyos lamang magpailalim, at Diyos lamang ang sambahin, ang lahat ng ito ay mga kulto. Lahat ng nagpapatunay na ang Diyos ay makatwiran, banal at dakila, at sumasaksi sa pag-ibig at pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, kumukondena kay Satanas bilang demonyong nagpapasama sa mga tao, at bilang masamang pwersa na naghahari sa mundo, lalo na yung direktang umaatake at bumabatikos sa Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagsasabing nagbalik na ang Panginoong Jesus, at sumasaksi para kay Cristong nagkatawang-tao, at nagsasabi ng mga salita at gawain ng ordinaryong tao na parang yun ang pagpapakita at gawain ng Tagapagligtas, at nagpapakalat, at nagpapatunay na ang mga salitang inihayag ni Cristo ang katotohanan, yung tumatawag sa mga, tao para tanggapin ang Diyos, para lumapit sa Kanya, at magpaubaya, at yung hindi sumusunod sa Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagpapatunay na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, at pinakamataas sa lahat, at nagsasabing, ang Banal na Bibilia, ang salita ng Diyos at Ang, Salita ay Nagpakita sa Katawang-tao ang katotohanan, at yung kumikilos para kalabanin ang Marxismo-Leninismo at ang ideyolohiya at teorya ng Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagtuturo at sumasaksi para kay Cristo ng mga huling araw, lahat ng nangangaral na nagbalik na ang Diyos, na dahilan para tanggapin ng tao ang pagliligtas ng Diyos, at yung tumatawag sa tao para iwan ang lahat at sumunod sa Kanya bilang tanging daan para makapasok sa kaharian ng langit, kulto ang lahat ng ito. Ito ang aking pagkaunawa sa pagbabansag ng sentrong gobyerno sa lahat ng Kristiyanong bahay-iglesia, partikular na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, bilang mga kulto. Sa Tsina, ang Partido Komunista ang may kontrol. Ang Partido Komunista ay Marxista-Leninista, at ateistang partido politikal na sumasalungat sa lahat ng teismo. Dinedeklara ng Partido Komunista na mga kulto ang lahat ng relihiyosong grupo na naniniwala sa Diyos. Ipinakikita nito ang ganap na awtoridad ng Partido Komunista. Ang Partido Komunista lang ang dakila, kapuri-puri, at ang tama. Ang kahit na anong kumakalaban o sumasalungat sa Marxismo-Leninismo ay maituturing na mali; Yun ang isang bagay na gustong ipagbawal ng Partido Komunista. Sa bansang Tsina, dapat kilalanin ang Marxismo-Leninismo at ang Partido Komunista bilang dakila. Meron bang hindi tama sa sinasabi kong ito? Kayong mga taga-Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ay lantarang nagkakalat na nagbalik na ang Diyos, ang Diyos ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos. Pinatutunayan n’yo rin na naghahayag ng katotohanan ang Makapangyarihang Diyos para dalisayin ang tao, para iligtas ang tao, na dumating na sa lupa ang kaharian ng langit. Nagresulta ito ng pagkakagulo at paghihiwalay ng mga relihiyosong grupo, at pinamumunuan ang maraming tao, para mapalapit sa Makapangyarihang Diyos. Nagdulot ito ng pambihirang sensasyon sa Tsina, at nagdala ng matinding kalituhan at pagkabalisa sa lipunan. Sa ginagawa n’yo, ginugulo n’yo ang publiko hindi ba? Kaya idineklara ng sentrong gobyerno, na may sala Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa pagiging isang kulto, at nagsasagawa ng pag-atake at panunupil. Naloko kayong lahat at naligaw ng landas. Umaasa ang gobyerno na wala kayong sasayanging oras, sa pagsisisi, sa paglayo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at pagsali sa Iglesia ng Three-Self. Sa ganitong paraan, hindi na kayo ituturing na mga kriminal ng gobyerno.

Sagot: Malinaw n’yong naipaliwanag ang basehan ng Partido Komunista sa pagbabansag sa mga kulto. Pero nadarama ko na ang pagkalaban ng...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito