Tanong 6: Sabi n’yo pag gusto ng mga tao na mapawalang-sala at malinis, kailangan nilang tanggapin ang paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Pa’no naman hinahatulan at nililinis ng Diyos ang mga tao sa mga huling araw? Sa nakalipas na mga taon na nanalig ako sa Panginoon, akala ko maganda kung dumating ang oras na hindi na nagkakasala ang mga tao. Noon, akala ko, hindi na magiging masaklap ang buhay!
Sagot: Tungkol sa kung pa’no hinahatulan at nililinis ng Makapangyarihang Diyos ang mga tao sa mga huling araw, basahin natin ang ilansa mga salita ng Makapangyarihang Diyos! “Ang gawain ng Diyos sa kasalukuyang pagkakatawang-tao ay upang ipahayag ang Kanyang disposisyon una sa lahat sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol. Batay sa pundasyong ito, naghahatid Siya ng dagdag na katotohanan sa tao at nagtuturo sa kanya ng iba pang mga paraan ng pagsasagawa, sa gayon ay nakakamit ang Kanyang layuning lupigin ang tao at iligtas siya mula sa kanyang sariling tiwaling disposisyon. Ito ang nasa likod ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita).
“Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).
“Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging malinis. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng luklukan ng Diyos. Lahat ng gawaing ginagawa sa araw na ito ay para malinis at mabago ang tao; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin ng pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at magawang dalisay. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4).
“Ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol at pagkastigo upang magtamo ang tao ng kaalaman tungkol sa Kanya, at alang-alang sa Kanyang patotoo. Kung hindi sa Kanyang paghatol sa tiwaling disposisyon ng tao, hindi posibleng malaman ng tao ang Kanyang matuwid na disposisyon, na hindi nagpapalampas ng pagkakasala, at ni hindi niya mapapalitan ng bago ang dati niyang pagkakilala sa Diyos. Alang-alang sa Kanyang patotoo, at alang-alang sa Kanyang pamamahala, ipinapakita Niya ang Kanyang kabuuan sa publiko, na nagbibigay-daan sa tao, sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakita sa publiko, na magkaroon ng kaalaman tungkol sa Diyos, baguhin ang kanyang disposisyon, at magbigay ng matunog na patotoo sa Diyos. Ang pagbabago ng disposisyon ng tao ay nakakamit sa pamamagitan ng maraming iba’t ibang uri ng gawain ng Diyos; kung wala ang gayong mga pagbabago sa kanyang disposisyon, hindi magagawa ng tao na magpatotoo sa Diyos at maging kaayon ng puso ng Diyos. Ang pagbabago ng disposisyon ng tao ay tanda na napalaya na ng tao ang kanyang sarili mula sa pagkaalipin kay Satanas at mula sa impluwensya ng kadiliman, at tunay nang naging isang huwaran at halimbawa ng gawain ng Diyos, isang saksi ng Diyos, at isang taong kaayon ng puso ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nakakakilala Lamang sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos).
Mula sa salita ng Diyos, ginagamit ng Diyos ang mga katotohanang naipahayag Niya sa mga huling araw para hatulan at kastiguhin ang naging tiwaling sangkatauhan. Bawat salita ng Kanyang paghatol ay nagpapakita ng Kanyang matuwid na disposisyon at lahat ng kung ano ang mayroon at kung sino Siya; lahat ’yon ay mga salitang maaaring maging buhay ng sangkatauhan. Kung gayon, ’yon ang buong katotohanan. Ang mga salitang ito ng katotohanan ay paghatol sa tiwaling sangkatauhan. Ito ay pagkastigo, pagpaparusa, pagmamasid at pagdadalisay sa kanila. Ginagamit ng Diyos ang Kanyang mga salita ng katotohanan para linisin ang tiwaling mga tao sa kanilang napakasamang disposisyon, at lutasin ang problema sa kanilang ugali at pagkatao: pagkalaban sa Diyos. ’Yan ang kahalagahan ng paggamit ng Diyos na Kanyang paghatol para linisin, iligtas at gawing perpekto ang sangkatauhan. Sa Kanyang paghatol sa mga huling araw, ibinubunyag ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng hiwaga ng Kanyang 6,000-taong plano sa pamamahala. Malinaw nitong ibinubunyag ang layunin ng tatlong yugto ng gawain ng pagliligtas at tunay na diwa ng bawat yugto ng gawain ng Diyos, lalo na ang landas na magpapabago sa disposisyon ng mga nananalig at malilinis sila. Kasabay nito, lubusang inilantad ng Makapangyarihang Diyos ang ugali at pagkatao ng tao na ginawang tiwali ni Satanas, ang katotohanan ng kanilang pagkatiwali, at dahilan ng kanilang mga kasalanan. Nagninilay ang mga tao tungkol sa kanilang sarili at natatanto nila na napakasama ng ugali nila. Nakikita nila na talagang napakahayop at napakasama nila. Kaya talagang nagsisisi sila at handang tanggapin ang pagkastigo at paghatol, mga pagsubok at pagpipino ng Makapangyarihang Diyos. Tapos ay hinahanap nila ang katotohanan at binabago ang kanilang disposisyon sa patnubay ng mga salita ng Diyos. Unti-unti, napalaya nila ang kanilang sarili sa kontrol at paghihigpit ng kanilang tiwali at napakasamang disposisyon. Kalaunan nagawa nilang maghimagsik laban kay Satanas, talikuran ang kasamaan, at magbalik sa Diyos. Kaya nalutas ng mga tao ang dahilan ng kanilang pagiging makasalanan.
Bukod diyan, sa pagdanas at pagsunod sa mga salita ng Diyos, di sinasadyang naunawaan nila ang maraming katotohanan. Halimbawa: Ano’ng ibig sabihin ng maligtas? Ano ang buong kaligtasan? Ano’ng ibig sabihin ng gawin ang kalooban ng Diyos? Ng pagkilos ayon sa mga hangarin ng isang tao? Ano’ng ibig sabihin ng sundin ang Diyos? Sundin ang tao? Ano ang mga Fariseo? Sino’ng ililigtas ng Diyos? Sino’ng pababayaan Niya? Ang pinakamahalaga ay talagang maranasan ng mga tao ang matuwid at di masusuway na disposisyon ng Diyos sa paghatol at pagkastigo ng Kanyang mga salita. Sa pagkilala sa Diyos, unti-unting nagpitagan ang mga taong ito sa Kanya at umiwas sa kasamaan. Namuhay sila ayon sa Kanyang mga salita. Nang maunawaan nila ang katotohanan, unti-unting silang nagkaroon ng mas malalim na kaalaman tungkol sa Diyos. Mas lalo silang sumunod sa Diyos, at namuhay ayon sa katotohanan. Di nila alam na lumaya sila sa kasalanan at nagtamo ng kabanalan. Ang resultang ito ay isang bagay na hinding-hindi matatamo ng lahat ng nananalig sa Panginoon noong Kapanahunan ng Biyaya pero hindi tinanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Samakatuwid, pag tinanggap ng mga tao ang paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos sa pamamagitan ng salita sa mga huling araw, mauunawaan nila ang katotohanan at makikilala ang Diyos at lubos silang makakalaya sa masasamang impluwensya at tiwaling disposisyon. Makakapamuhay sila ayon sa katotohanan at mga salita ng Diyos. ’Yan ang tunay na kahulugan ng buong kaligtasan.
mula sa iskrip ng pelikulang Masasakit na Alaala