Tanong 4: Kanina lamang, sinabi ninyo na ang pinakahinuhulaang bagay sa Biblia ay ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Mayroong hindi bababa sa 200 bahagi ng Biblia ang nabanggit na gagawin ng Diyos ang Kanyang paghatol. Talagang totoo ito. Nakasaad pa nga ito nang mas malinaw sa 1 Pedro 4:17: “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos.” Parang ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling mga araw ay may kasiguraduhan. Ngunit ang inyong nasaksihan ay ang Diyos ng mga huling araw na nagkakatawang-tao para gampanan ang kanyang gawain ng paghatol. Iba ito sa aming paniniwala. Naniniwala kami na ang Panginoon sa mga huling araw ay magpapakita sa sangkatauhan at gagawa sa anyo ng espiritwal na katawan ni Jesus kasunod ng muling pagkabuhay. Ito rin ang pananaw ng karamihan sa mga relihiyosong sekta. Ang konsepto ng nagbalik na Panginoon na nagpapakita sa tao at gumagawa sa katawang-tao ay isang bagay na di pa namin nakikita, kaya maaari bang makipag-talastas ka pa sa amin.

Sagot: Magandang makita na pinagtibay ninyo na ang pagbabalik ng Panginoon ay upang hatulan at linisin ang mga tao. Kaso nga lang hindi parin kayo malinaw sa paraan ng pagdating ng Panginoon. Iniisip ng karamihan ng mga mananampalataya na ang muling pagpapakita ng Panginoon sa sangkatauhan ay sa pamamagitan ng espiritual na katawan ni Jesus na puma-langit matapos ang muling pagkabuhay, at ang Diyos ay posibleng hindi na magkatawang-tao muli bilang Anak ng tao. Kung gayon sa papaanong paraan magpapakitang muli sa sangkatauhan ang nagbabalik na Panginoon upang gawin ang Kanyang paghatol? Sa espiritual na katawan o Diyos na nagkatawang-tao? Naging napakaimportanteng katanungan ito sa mga naniniwala sa Diyos. Ang ating patotoo sa Diyos sa pagkakatawang-tao sa mga huling araw upang gampanan ang Kanyang gawaing paghatol ay isang bagay na mayroong malinaw na propesiya sa Biblia. Sabi ng Panginoong Jesus: “Sapagka’t ang Ama’y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob Niya sa Anak ang buong paghatol(Juan 5:22). “At binigyan Siya ng awtoridad na humatol, sapagka’t Siya’y Anak ng tao(Juan 5:27). Deretsahang ipinropesiya ng Panginoong Jesus na ang Diyos ng mga huling araw ay maging tao bilang Anak ng tao upang gawin ang Kanyang paghatol. Ang lahat ng tungkol sa “Anak” o “Anak ng tao” ay tiyak na tungkol sa Cristo sa laman Halimbawa, si Jesus sa katawang tao ay Anak ng tao. Ipinanganak sa tao, na may normal na pagkatao. Umaangkin ng ordinaryo at pangkaraniwang anyo ng tao upang mamuhay kabilang ng mga tao. Kaya Siya ay tinawag na Anak ng tao, Cristo. Kung Siya ay Espiritu, hindi siya matatawag na “Anak ng tao.” Tulad ng ang Diyos na Jehovah ay Espiritu, kaya hindi Siya matatawag na “Anak ng tao.” Ang espiritual na katawan ng Panginoong Jesus matapos ang muling pagkabuhay ay hindi ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao kaya hindi rin Siya matatawag na Anak ng tao. Ang sinumang may anyo ng tao ngunit isang espiritual na katawan ay hindi matatawag na Anak ng tao. Tulad ng propesiya ng Panginoong Jesus: “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito(Lucas 17:24–25). Ito’y higit pang patunay na ang pagbabalik ng Panginoon sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao bilang Anak ng tao. Kung ito ay sa pamamagitan ng espiritual na katawan ng muling nabuhay na Panginoon, kung gayon hindi na Niya kailangang magtiis nang labis na pasakit, at tiyak na hindi na Siya tatanggihan ng henerasyong ito. Ang espiritual na katawan ay talagang hindi pangkaraniwan. Hindi lamang Siya makagagawa ng mga milagro, anuman ang Kanyang sabihin ay magkakatotoo agad. Kung ganito, tiyak ang sangkatauhan ay susunod sa Kanya. Mananampalataya, hindi mananampalataya, kahit na ang demonyong si Satanas ay susunod. Kung ganon, papaanong ang pagbabalik ng Panginoon ay hindi tatanggapin ng henerasyon ngayon? At saka, kung espiritual na katawan ang dumating upang dalhin ang mga banal na tao, eh lalong hindi tatanggihan ng mga mananampalataya ang Diyos. Sabihin mo sa akin, hindi ba yan ang totoo? Kaya alinsunod sa propesiya ng Panginoong Jesus, lubos tayong makakasiguro na ang Panginoong Jesus ay magbabalik sa laman bilang Anak ng tao upang ihayag ang Kanyang tinig at gampanan ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Hindi maaaring ang espiritual na katawan ng muling nabuhay na si Jesus—tiyak na ito’y hindi maikakaila.

Sa mga huling araw, ang Diyos ay nagkatawang-tao bilang Anak ng Tao upang gampanan ang Kanyang gawaing paghatol, gaya nang pumarito sa mundo ang Panginoong Jesus upang ipalaganap ang ebanghelyo ng kaharian ng langit. Nakita ng sangkatauhan ang Panginoong Jesus bilang pangkaraniwang Anak ng tao, ngunit ang Kanyang mga salita at gawain ay may awtoridad, kapangyarihan, at nahikayat ang mga tao. Masasabi natin mula sa mga salita at gawain ng Panginoong Jesus na ang bawat ipinahayag ng Panginoong Jesus ay katotohanan, hinahayaan ang bawat isa na lubos na maniwala. Natural, ang mga tao ay maniniwala na ang Panginoong Jesus ay talagang ipinadala ng Diyos, at Siya ay Diyos Mismo na ginawa ang gawain ng Diyos. Sa parehong paraan, kapag ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos sa lahat ay magpakita sa mga huling araw upang gawin ang kanyang gawain maraming tao ang makakarinig sa tinig ng Diyos, at makakakita ng lahat ang katotohanan na lumitaw gaya ng liwanag sa mundo ng tao. Pinahihintulutan nitong makita ng lahat na ang nagkatawang-taong Anak ng tao ay nakakapag-pahayag ng katotohanan at humahatol at linisin ang tiwaling sangkatauhan. At pinapayagan nito ang mga tao na makita mula sa katotohanan na ipinahayag ng nagkatawang-taong Anak ng Tao ang matuwid na disposisyon ng Diyos, upang igalang at sundin ng mga tao sa kanilang mga puso ang Diyos, at ganap na mailigtas at makuha ng Diyos. Ang Makapangyarihang Diyos sa lahat ay nagsasalita at ginagawa ng Kanyang gawain ng paghatol mula sa tahanan ng Diyos, nililinis at inililigtas ang lahat ng mga lumalapit sa harap ng trono ng Diyos, at gumagawa ng grupo ng mga mananagumpay bago ang sakuna. Ngayon, Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa Lahat at ang mananagumpay na mga patotoo ng bayan ng Diyos tungkol sa pagdanas ng Kanyang paghatol, paglilinis at pagka-perpekto ay naisapubliko na sa Internet, sa harap ng buong mundo at hayagang nagpapatotoo na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagpapakita ng tanging totoong Diyos na humahatol at tumutubos ng sangkatauhan. Tulad ng sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Babantayan Ko ang buong daigdig at, habang nagpapakita sa Silangan ng mundo nang may katuwiran, kamahalan, poot, at pagkastigo, ihahayag Ko ang Aking sarili sa napakaraming hukbo ng sangkatauhan!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 26).

mula sa iskrip ng pelikulang Awit ng Tagumpay

Sinundan: Tanong 3: Maraming taon na akong nananalig sa Panginoon at nabasa ko na nang kaunti ang Biblia, kaya bakit hindi ko pa nakitang magpropesiya ang Panginoon na sa mga huling araw ay magiging tao Siyang muli at magiging Anak ng tao para isagawa ang gawain ng paghatol? Pinatototohanan ninyo na nagkatawang-tao nang muli ang Panginoong Jesus, na Siya ang Makapangyarihang Diyos, at na ginagawa Niya ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. May basehan ba ito sa Biblia? Pinagtibay ba iyan ng mga relihiyon?

Sumunod: Tanong 5: Nagpatotoo kayo na ang Diyos ay nagkatawang-tao muli bilang Anak ng tao at ginagawa ang Kanyang gawain ng paghatol mula sa tahanan ng Diyos. Ganap nga itong alinsunod sa propesiya ng Biblia, pero di ko maintindihan: Ang paghatol na nagmula sa tahanan ng Diyos pareho ba ng sa dakilang puting trono ng paghatol na nasa Aklat ng Pahayag? Sa aming palagay ay pinatatamaan ng puting trono ng paghatol ang mga hindi mananampalataya na pag-aari ng diyablo na si Satanas. Pag dumating na ang Panginoon, ang mga mananampalataya ay dadalhin sa langit, at saka Siya magpapadala ng kalamidad upang malipol ang mga hindi mananampalataya. Iyan ang paghatol sa harap ng dakilang puting trono. Nagpatotoo kayo sa simula ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, pero di pa namin nakita na nagpadala ng kalamidad ang Diyos upang malipol ang mga hindi mananampalataya. Kaya papaano ito maging paghatol ng dakilang puting trono? Ano ba talaga ang paghatol ng Diyos sa mga huling araw? Maaari mo bang sabihin sa amin ito ng mas malinaw.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 2: Matagal na naming narinig na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagpatotoo na tungkol sa pagbabalik ng Panginoong Jesus. At Siya ang Makapangyarihang Diyos! Nagpapahayag Siya ng mga katotohanan at gumaganap sa Kanyang gawaing paghatol sa mga huling araw, ngunit karamihan sa mga tao ng mga relihiyosong lipunan ay naniniwala lahat na babalik ang Panginoon sa pamamagitan ng pagbaba nang nasa mga alapaap. Ito ay dahil malinaw na nagsabi ang Panginoong Jesus na: “At kung magkagayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” (Mateo 24:30). Ipinropesiya rin ng Libro ng Pahayag: “Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya” (Pahayag 1:7). Pinananatili ko rin ang paniniwalang babalik ang Panginoon sa pamamagitan ng pagbaba nang nasa mga alapaap upang direkta tayong dalhin sakaharian ng langit. Tinatanggihan namin ang Panginoong Jesus na hindi bumaba nang nasa mga alapaap. Sinasabi ninyo na ang pagbabalik ng Panginoon ay pagbabalik sa katawang-tao at pagbaba nang palihim. Ngunit walang nakakaalam tungkol dito. Gayunman, ang lantarang pagbaba ng Panginoonnang nasa mga alapaap ay ganap! Kaya hinihintay naming bumaba ang Panginoonnang nasa mga alapaap at lantarang magpakita upang dalhin tayo nang direkta sa kaharian ng langit. Tama ba ang aming pag-unawa o hindi?

Sagot: Pagdating sa paghihintay sa Panginoon na bumaba nang nasa mga alapaap, hindi tayo dapat umasa sa mga paniniwala at imahinasyon ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito