Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Klasikong Tanong at Sagot sa Ebanghelyo ng Kaharian

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

Tanong 2: Na sinabing minsan ng Panginoong Jesus na: “Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon” (Juan 14:2-3). Ang Panginoong Jesus ay nabuhay na mag-uli at nagbalik sa langit para maghanda ng lugar para sa atin, kaya ibig sabihin ay sa langit Siya naghanda ng lugar. Kung nagbalik na ang Panginoon, dapat ay para dalhin tayo sa langit, para dalhin muna tayo sa kalangitan upang salubungin ang Panginoon. Ang pinatototohanan n’yo ngayon ay na nagbalik na ang Panginoong Jesus, na naging tao Siya at nagsasalita at gumagawa sa lupa. Kaya pa’no Niya tayo dadalhin sa kaharian ng langit? Nasa lupa ba ang kaharian ng langit, o nasa langit?

Sagot: To understand whether the kingdom of heaven is actually in heaven or on the earth, unawain muna natin kung ano talaga ang kaharian ng langit. Alam ng lahat na ang “langit” ay madalas tumukoy sa selestiyal, sa Diyos. Kaya natural, ang kaharian ng langit ay tumutukoy sa kaharian ng Diyos, at naro’n ang kapangyarihan ng Diyos, ‘yon ang kaharian ni Cristo. Kung gayon nasa lupa ba ang kaharian ng Diyos, o nasa langit? Tingnan muna natin kung ano ang sabi sa panalangin ng Panginoon. “Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa” (Mateo 6:9-10). Napakalinaw ng mga salita ng Panginoon. Sabi ng Panginoon ipagdasal nating bumaba sa lupa ang kaharian ng Diyos, para maisagawa sa lupa ang Kanyang kalooban. Hindi sinabi ng Panginoong Jesus na itatag sa langit ang kaharian ng Diyos, at lalong hindi Niya sinabi na asahan at ipagdasal natin ang araw na madadala tayo sa langit. Kaya hindi ba taliwas sa mga salita ng Diyos at sa Kanyang kalooban ang umasa palagi na madala sa langit para makapasok sa kaharian ng Diyos? Tingnan natin ang propesiya sa Pahayag: “At humihip ang ikapitong anghel; at nagkaroon ng malalakas na tinig sa langit, at nagsasabi, Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo: at siya’y maghahari magpakailan kailan man” (Pahayag 11:15). “At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa. At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya’y mananahan sa kanila, at sila’y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila: At papahirin niya ang bawa’t luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na” (Pahayag 21:2-4). Binanggit sa dalawang siping ‘to ang dalawang bagay na ‘to: “Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo.” “Ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios.” “Ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao.” Tumutukoy ito sa pagtatatag ng kaharian ni Cristo sa lupa. Ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay para itatag ang kaharian ni Cristo sa lupa. Bago dumating ang malaking kalamidad sa lupa, gagawa ang Diyos ng isang grupo ng mga mananagumpay, at ang grupong ito ang magiging haligi ng kaharian ng Diyos. Sila ang mamumunong kaagapay ng Diyos sa kaharian ni Cristo. Sa kalamidad, ang mga taong nagawang perpekto ng Diyos ang tatao sa kaharian ng Diyos. Ang mga hindi tumanggap kailanman sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay ilalantad at aalisin ng Diyos, at walang bahagi sa kaharian ni Cristo. Ang mga propesiya sa Aklat ng Pahayag ay nagsisimula sa mga binigkas ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, at nagwawakas sa malaking kalamidad kapag naitatag ang kaharian ni Cristo sa lupa, at pupunta sa kawalang-hanggan ng bagong langit at bagong lupa. Kapag natupad at natapos ang lahat ng propesiyang ito, lubos na matutupad ang plano sa pamamahala ng Diyos. Kaya, lahat ng tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, basta’t napadalisay at nagawang perpekto, ang tatao sa kaharian ni Cristo. Sila ang bubuuin ng Diyos sa grupo ng mga mananagumpay bago sumapit ang kalamidad. Sila ang mga nakikinig sa mga salita ng Diyos, at sumusunod at sumasamba sa Kanya. Pagdating ng malaking kalamidad, sila ang poprotektahan at aangkinin ng Diyos. Pero ang mga nabubuhay sa kadiliman at imahinasyon, na umaasam lang na madala sa kalangitan at sumalubong sa Panginoon pero hindi tinatanggap ang paghatol at pagdadalisay ni Cristo sa mga huling araw ay haharapin sa oras ng kalamidad. Karamihan sa mga tao ay pupuksain, at kakaunti ang babaling sa Diyos sa pamamagitan ng pagpipino ng kalamidad. Totoo ang lahat ng bagay na ito na malapit nang gawin ng Diyos.

Nangako ang Panginoong Jesus sa atin: “Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon” (Juan 14:2-3). May mga hiwaga ngang nakapaloob sa mga salita ng Panginoon. Kung titingnan natin ang mga ito ayon sa sarili nating mga paniwala at imahinasyon, bumalik na nga ang Panginoong Jesus sa langit, kaya tiyak na naghahanda Siya ng lugar doon para sa atin. Kung gan’on ang tingin natin, maling-mali ‘yon! Sa gawain ng Diyos, hindi tayo makakaasa sa sarili nating mga paniwala at imahinasyon dahil ang Kanyang gawain ay hindi maarok ng tao. Malilinawan lang natin ang mga bagay na ‘to kapag natapos na Niya ito at nailatag na sa ating harapan. Hindi ko rin ito naunawaan hanggang sa tanggapin ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at nakita ko na ang mga detalye ng gawaing natapos Niya. Ang pagbalik ng Panginoong Jesus para ipaghanda tayo ng lugar ay para ipanganak tayo sa mga huling araw, matanggap natin ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, maranasan ang Kanyang paghatol, mapadalisay at magwang perpekto, at sa huli’y madala sa kaharian ni Cristo. Isipin n’yo ‘yan. Naging tao ang Diyos at nakihalubilo sa sangkatauhan, nagpahayag ng katotohanan para gawin ang paghatol sa mga huling araw, at narinig na natin ang tinig ng Diyos at pinatayo tayo sa Kanyang harapan. Hindi ba Siya ito na sinasalubong tayo? Kinakain at iniinom at ninanamnam natin ang mga salita ng Diyos, nararanasan natin ang Kanyang gawain, at dumadalo tayo sa piging na kasama Siya. Hindi ba pagsalubong ‘yan sa Panginoon? Pagdating ng araw na tapos na ang gawain ng Diyos, kapag napadalisay at naging perpekto na tayo, dadalhin tayo sa kaharian ng Diyos. Si Cristo ang namamahala sa kaharian ng Diyos, at sasambahin natin ang Diyos bilang Kanyang mga tao sa Kanyang kaharian. ‘Di ba nito tinutupad ang propesiya ng Panginoon na, “kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon”?

Basahin natin ang ilang sipi mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, tingnan natin kung paano itatatag ang kaharian ni Cristo sa lupa, kung gaano kaganda ang kaharian. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Lumalawak ang kaharian sa kalagitnaan ng sangkatauhan, nabubuo ito sa kalagitnaan ng sangkatauhan, ito ay tumatayo sa kalagitnaan ng sangkatauhan; walang puwersa ang maaaring magwasak sa Aking kaharian. … Lumalakad Ako ngayon sa kalagitnaan ng Aking bayan, naninirahan Ako sa kalagitnaan ng aking bayan. Ngayon, yaong may tunay na pag-ibig sa Akin, ang taong gaya nito ay mapalad; mapalad yaong mga nagpapasakop sa Akin, sila ay tiyak na mananatili sa Aking kaharian; mapalad yaong mga nakakakilala sa Akin, sila ay tiyak na hahawak ng kapangyarihan sa Aking kaharian; mapalad ang mga yaong naghahangad sa Akin, tiyak na makaliligtas sila mula sa mga gapos ni Satanas at matatamasa nila ang pagpapala sa Akin; mapalad ang mga yaong kayang talikuran ang kanilang mga sarili, tiyak na papasok sila sa Aking pag-aari, at mamanahin ang gantimpala ng Aking kaharian. Aalalahanin Ko ang mga yaong gumagawa para sa Aking kapakanan, yayakapin Ko nang may kagalakan ang mga yaong gumugugol para sa Aking kapakanan, bibigyan Ko ng mga kasiyahan ang mga yaong naghahandog sa Akin. Pagpapalain Ko ang mga yaong nasisiyahan sa Aking mga salita; tiyak na sila ang magiging mga haligi na magtataas sa ituktok ng Aking kaharian, tiyak na magkakaroon sila ng walang-kapantay na gantimpala sa Aking bahay, at walang maihahalintulad sa kanila. Tinanggap na ba ninyo ang mga pagpapalang ibinigay sa inyo? Hinanap na ba ninyo ang mga ipinangako sa inyo? Sa ilalim ng paggabay ng Aking liwanag, tiyak na makakawala kayo mula sa pagkasakal ng mga puwersa ng kadiliman. Sa gitna ng kadiliman, tiyak na hindi ninyo maiwawala ang ilaw na gumagabay sa inyo. Tiyak na kayo ang magiging panginoon ng lahat ng nilalang. Tiyak na kayo ay magiging mananagumpay sa harap ni Satanas. Sa pagbagsak ng kaharian ng malaking pulang dragon, tiyak na tatayo kayo sa kalagitnaan ng napakaraming tao upang sumaksi sa Aking tagumpay. Tiyak na magiging matatag at matibay kayo sa lupain ng Sinim. Sa pamamagitan ng mga pagdurusang tinitiis ninyo, mamanahin ninyo ang pagpapalang nagmumula sa Akin, at tiyak na sisinagan ng Aking kaluwalhatian ang loob ng buong sansinukob” (“Ang Ikalabing-siyam na Pagbigkas” ng mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Kasunod ng kaganapan ng mga salita Ko, unti-unting nabubuo ang kaharian sa mundo at unti-unting babalik sa pagiging-karaniwan ang tao, at sa gayon naitatatag sa mundo ang kahariang nasa Aking puso. Sa kaharian, mababawi ng buong bayan ng Diyos ang buhay ng normal na tao. Wala na ang nagyeyelong taglamig, napalitan na ng isang mundo ng mga lungsod sa tagsibol, kung saan tagsibol sa buong taon. Hindi na nahaharap ang mga tao sa madilim, mahirap na mundo ng tao, hindi na nila tinitiis ang maginaw na mundo ng tao. Hindi na nakikipag-away ang mga tao sa isa’t isa, hindi na makikipagdigma ang mga bansa sa isa’t isa, wala na ang patayan at ang dugong dumadaloy mula sa patayan; mapupuno ang lahat ng mga lupain ng kaligayahan, at punung-puno ng init sa pagitan ng mga tao ang lahat ng dako. Kumikilos Ako sa buong mundo, nasisiyahan Ako mula sa kaitaasan ng Aking trono, naninirahan Ako sa kalagitnaan ng mga bituin. At naghahandog sa Akin ang mga anghel ng mga bagong awitin at mga bagong sayaw. Hindi na sinasanhi ng kanilang kahinaan na umagos ang mga luha sa kanilang mga mukha. Hindi Ko na naririnig, sa Aking harapan, ang tinig ng pag-iyak ng mga anghel, at wala na ring nagrereklamo sa Akin ng kahirapan. Ngayon, lahat kayo ay nabubuhay sa harapan Ko; bukas, mamamalagi kayong lahat sa Aking kaharian. Hindi ba ito ang pinakadakilang pagpapala na ipinagkakaloob Ko sa tao?” (“Ang Ikadalawampung Pagbigkas” ng mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Sa oras na ang gawain ng panlulupig sa tao ay makumpleto na, ang tao ay dadalhin sa isang magandang mundo. Ang buhay na ito ay magiging, walang duda, sa mundo pa rin, ngunit ito ay ganap na hindi magiging kagaya ng buhay ng tao sa ngayon. Ito ang buhay na kakamtin ng sangkatauhan matapos na ang sangkatauhan ay ganap nang malupig, ito ay magiging bagong simula ng tao sa mundo, at para sa sangkatauhan na magkaroon ng gayong buhay ay magiging katibayan na ang sangkatauhan ay nakapasok na sa isang bago at magandang kaharian. Ito ang magiging simula ng buhay ng tao at Diyos sa lupa. Ang saligan ng gayong kagandang buhay ay marahil, matapos ang tao ay malinis at malupig, siya ay susuko sa harap ng Lumikha. At kaya, ang gawain ng panlulupig ay ang huling yugto ng gawain ng Diyos bago pumasok ang tao sa kamangha-manghang hantungan. Ang gayong buhay ay ang hinaharap na buhay ng tao sa lupa, ito ang pinakamagandang buhay sa lupa, ang uri ng buhay na inaasam ng tao, ang uri na hindi pa kailanman nakamtan ng tao sa kasaysayan ng mundo. Ito ang huling kalalabasan ng 6,000 taon ng gawain sa pamamahala, ito ang pinaka-kinasasabikan ng sangkatauhan, ito rin ang pangako ng Diyos sa tao. Ngunit ang pangakong ito ay hindi kaagad maisasakatuparan: Ang tao ay papasok sa hinaharap na hantungan sa oras lamang na maging ganap ang gawain sa mga huling araw at siya ay ganap nang nalupig, iyon ay, sa oras na si Satanas ay ganap nang natalo. Ang tao ay hindi na magkakaroon ng makasalanang kalikasan pagkatapos na siya ay madalisay, dahil madadaig na ng Diyos si Satanas, na nangangahulugan na hindi na makapanghihimasok ang mga masamang puwersa, at walang masamang mga puwersa ang maaaring sumalakay sa laman ng tao. At kaya makalalaya ang tao, at magiging banal—siya ay makapapasok sa kawalang-hanggan” (“Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Kapag ang sangkatauhan ay naibalik na sa kanilang orihinal na wangis, kapag nakakaya nang tuparin ng sangkatauhan ang kani-kanilang mga tungkulin, napapanatili ang kanilang sariling lugar at nasusunod ang lahat ng mga pagsasaayos ng Diyos, ang Diyos ay nakatamo ng isang grupo ng mga tao sa ibabaw ng lupa na sumasamba sa Kanya, at naitatag na rin Niya ang isang kaharian sa ibabaw ng lupa na sumasamba sa Kanya. Siya ay magkakaroon ng walang-hanggang tagumpay sa ibabaw ng lupa, at yaong mga salungat sa Kanya ay malilipol magpasawalang-hanggan. Mapanunumbalik nito ang Kanyang orihinal na layunin sa paglikha sa tao; mapanunumbalik nito ang Kanyang layunin sa paglikha ng lahat ng mga bagay, at ito rin ang magpapanumbalik ng Kanyang awtoridad sa ibabaw ng lupa, ng Kanyang awtoridad sa gitna ng lahat ng mga bagay at ng Kanyang awtoridad sa gitna ng Kanyang mga kaaway. Ang mga ito ang mga simbolo ng Kanyang kabuuang tagumpay. Simula roon ang sangkatauhan ay papasok sa kapahingahan at papasok sa isang buhay na sumusunod sa tamang landas. Ang Diyos ay papasok din sa walang-hanggang kapahingahan kasama ang tao at papasok sa isang buhay na walang-hanggan na pagsasaluhan ng Diyos at tao. Ang karumihan at pagsuway sa lupa ay mawawala, at gayundin ang pananaghoy sa ibabaw ng lupa. Ang lahat ng sumasalungat sa Diyos sa ibabaw ng lupa ay hindi na iiral. Tanging ang Diyos at yaong mga tao na Kanyang nailigtas ang mananatili; ang Kanyang nilikha lamang ang mananatili” (“Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Kumikilos Ako sa ibabaw ng lahat ng mga tao at nagmamasid Ako sa lahat ng dako. Walang nagmumukhang matanda, at walang tao na katulad ng kung ano siya dati. Namamahinga Ako sa trono, sumasandig Ako patawid sa buong sansinukob, at Ako’y lubos na nasisiyahan, dahil naibalik ang lahat ng mga bagay sa kanilang kabanalan, at muli Akong maninirahan nang mapayapa sa Sion, at ang mga tao sa mundo ay makapamumuhay ng mapayapa, kuntentong mga buhay sa ilalim ng Aking paggabay. Pinangangasiwaan ng lahat ng mga tao ang lahat ng bagay sa Aking kamay, nabawi na ng lahat ng mga tao ang dati nilang katalinuhan at orihinal na anyo; hindi na sila nababalutan ng alabok, nguni’t, sa Aking kaharian, dalisay sila na tulad ng mamahaling-batong luntian, bawa’t isa ay may mukha na gaya ng sa banal na isa sa kaibuturan ng puso ng tao, dahil naitatag na ang Aking kaharian sa kalagitnaan ng mga tao” (“Ang Ikalabing-anim na Pagbigkas” ng mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Sa buong mundo, tanging Diyos at tao ang umiiral. Walang alabok o dumi, at lahat ng bagay ay napabago, tulad ng isang maliit na tupa na nakahiga sa isang luntiang damuhan sa ilalim ng langit, tinatamasa ang lahat ng biyaya ng Diyos. At dahil ito sa pagdating ng pagka-luntiang ito na ang hininga ng buhay ay sumisikat, sapagka’t dumarating ang Diyos sa mundo upang mamuhay katabi ng tao sa buong kawalang-hanggan, tulad ng sinabi mula sa bibig ng Diyos na ‘muli Akong maninirahan nang mapayapa sa Sion.’ Ito ang simbolo ng pagkatalo ni Satanas, ito ang araw ng kapahingahan ng Diyos, at ang araw na ito ay pupurihin at ipahahayag ng lahat ng tao, at gugunitain ng lahat ng tao. Kung kailan namamahinga ang Diyos sa trono ay iyon din ang kung kailan tinatapos ng Diyos ang Kanyang gawain sa lupa, at ang mismong sandali na ang lahat ng mga misteryo ng Diyos ay ipinakikita sa tao; ang Diyos at ang tao ay magpakailanmang nagkakasundo, hindi kailanman magkabukod— ang mga ito ang magagandang mga tagpo sa kaharian!” (“Pakahulugan sa Ikalabing-anim na Pagbigkas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

mula sa iskrip ng pelikulang Pananabik

Sinundan:Tanong 1: Pinatototohanan n’yo na nagbalik na ang Panginoong Jesus, at na Siya ay nagpakita at gumawa sa China, naniniwala ako na ito ay totoo dahil ito ang ipinropesiya ng Panginoong Jesus sa Biblia: “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:27). Pero palagay namin babalik ang Panginoon sa mga huling araw para dalhin tayo sa kaharian ng langit, o dapat man lang Niya tayong iangat sa mga ulap para salubungin Siya sa hangin. Tulad nga ng sinabi ni Pablo sa Biblia, “Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man” (1Tesalonica 4:17). Pero bakit hindi pa dumarating ang Panginoon na tulad ng nakasaad sa Biblia? Ano ang kinalaman ng gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw sa pagdadala sa atin sa kaharian ng langit?

Sumunod:Tanong : Sabi ng Panginoong Jesus, “Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig” (Juan 10:27). Ang Panginoon ay nagbabalik para bumigkas ng mga salita upang tawagin ang Kanyang mga tupa. Ang susi sa paghihintay sa Panginoon ay hangaring marinig ang Kanyang tinig. Pero ngayon, ang mahirap ay di namin alam kung paano pakikinggan ang Kanyang tinig. Di rin namin nakikilala ang tinig ng Diyos, at ang tinig ng tao. Sabihin mo naman sa amin kung paano makatitiyak sa tinig ng Panginoon.

Baka Gusto Mo Rin