Tanong 5: Nagpatotoo kayo na ang Diyos ay nagkatawang-tao muli bilang Anak ng tao at ginagawa ang Kanyang gawain ng paghatol mula sa tahanan ng Diyos. Ganap nga itong alinsunod sa propesiya ng Biblia, pero di ko maintindihan: Ang paghatol na nagmula sa tahanan ng Diyos pareho ba ng sa dakilang puting trono ng paghatol na nasa Aklat ng Pahayag? Sa aming palagay ay pinatatamaan ng puting trono ng paghatol ang mga hindi mananampalataya na pag-aari ng diyablo na si Satanas. Pag dumating na ang Panginoon, ang mga mananampalataya ay dadalhin sa langit, at saka Siya magpapadala ng kalamidad upang malipol ang mga hindi mananampalataya. Iyan ang paghatol sa harap ng dakilang puting trono. Nagpatotoo kayo sa simula ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, pero di pa namin nakita na nagpadala ng kalamidad ang Diyos upang malipol ang mga hindi mananampalataya. Kaya papaano ito maging paghatol ng dakilang puting trono? Ano ba talaga ang paghatol ng Diyos sa mga huling araw? Maaari mo bang sabihin sa amin ito ng mas malinaw.

Sagot: Ang lahat ng tunay na nakakaintindi ng Biblia ay nauunawaan na ang dakilang puting trono ng paghatol sa Aklat ng Pahayag ay pangitain ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos ay dumating upang ipahayag ang katotohanan at gampanan ang Kanyang paghatol na gawain sa mga huling araw, simulang linisin at iligtas ang tiwaling sangkatauhan. Ibig sabihin, nag-umpisa na ang paghatol ng dakilang puting trono. Ang paghatol ay dapat magsimula sa tahanan ng Diyos. Gagawa muna ang Diyos ng grupo ng mga mananagumpay bago ang sakuna. Pagkatapos, isasagawa ng Diyos ang malalaking sakuna at sisimulan ang pagbibigay-gantimpala sa mabuti at parusahan ang masama, hanggang mawasak itong makasalanang panahon. Kaya ang paghatol ng dakilang puting trono ng Diyos sa huling mga araw ay magiging ganap ng lubusan. At saka hayagang magpapakita ang Diyos upang simulan ang bagong panahon. Makikita nating lahat ng malinaw yan ngayon. Ang mga pangitain ng malalaking sakuna—apat na sunud-sunod na pulang buwan—ay nagpakita na. Ang mga makalangit na bituin ay nagpapakita na palapit na ang mga malalaking sakuna. Kapag dumating ang malalaking sakuna, ang sinumang kinakalaban ang Diyos, hinahatulan ang Diyos, o kinokontra ang Diyos, at ang mga inakay ng diyablong si Satanas ay malilipol sa sakuna. Hindi ba iyan ang hustong paghatol ng puting trono? Makikita natin sa mga propesiya ng Biblia na ang pagbabalik ng Panginoon ay nahahati sa dalawang yugto ng lihim na pagdating at lantad na pagdating. Sa simula, ang pagdating ng Panginoon ay tulad ng magnanakaw, na nangangahulugan na palihim ang pagdating ng Diyos na nagkatawang-tao upang ipahayag ang katotohanan at gampanan ang Kanyang paghatol na gawain sa mga huling araw. Ang pangunahing layunin ay gawing ganap ang grupo ng mga mananagumpay. Ito ang magsasakatuparan sa propesiya na “ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos”. Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay nag-umpisa na ng ang Diyos na nagkatawang-tao ay lihim na dumating upang ipahayag ang katotohanan at hatulan ang buong sangkatauhan. Ang unang bahagi ng gawain ay ang simulan ang paghatol sa tahanan ng Diyos. Sa pamamagitan niyan, nililinis at nililigtas ng Diyos ang mga nakikinig sa Kanyang boses at dinala sa Kanyang harapan, gawin silang mga mananagumpay. At saka ang Diyos ay babalik sa Zion, at ang malaking sakuna ay mag-uumpisa. Gagamitin ng Diyos ang mga sakuna upang parusahan at sirain itong lumang mundo. Sa gayon, umabot na sa kasukdulan ang gawaing paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Kapag ang Diyos ay hayagang magpapakita sa kaulapan, ang Kanyang gawaing paghatol ay ganap ng lubusan. Ang kaharian ng Diyos ay makikita sa dakong huli. Kaya ito ang magsasakatuparan ng propesiya ng bagong Herusalem na bumaba mula sa langit. Tulad ng sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang isang aspeto ng gawain ng Diyos ay lupigin ang buong sangkatauhan at maangkin ang mga taong hinirang sa pamamagitan ng Kanyang mga salita; ang isa pa ay lupigin ang lahat ng anak na suwail sa pamamagitan ng iba’t ibang sakuna. Isang bahagi ito ng malawakang gawain ng Diyos. Sa ganitong paraan lamang lubusang makakamtan ang kaharian sa lupa na nais ng Diyos, at ito ang bahagi ng Kanyang gawain na lantay na ginto(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 17). Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang nagbuod sa ilang pananalita ng Kanyang gawain sa paghatol sa mga huling araw nang napakatumpak. Napakadali natin itong maiintindihan Ang paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay ang dakilang puting tronong paghatol na hinulaan sa Aklat ng Pahayag. Ayon sa paghatol na gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, tayo ay makakaunawa rin kung ano ang propesiya sa Pahayag tungkol sa pagbubukas ng mga aklat sa paghatol sa mga patay at ang pagbubukas ng aklat ng buhay kung ano ang lahat ng mga ito Ang totoo niyan, ang pagbubukas ng mga aklat ng paghatol sa mga patay ay ang paghatol ng Diyos sa lahat ng mga hindi tumanggap at kinakalaban Siya. Ang paghatol na ito ay ang kanilang pagkapahamak, kanilang kaparusahan, kanilang pagkawasak. At ang pagbubukas ng aklat ng buhay ay tumutukoy sa paghatol na magsisimula sa tahanan ng Diyos, yan ay, Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw, nagpapahayag ng katotohanan sa paghatol at paglinis ng lahat ng dinala sa harapan ng Kanyang trono. Itong piniling bayan ng tao ng Diyos na tumanggap ng paghatol sa Makapangyarihang Diyos at dinala sa harap Niya ay ang lahat ng pakay ng paghatol, paglilinis, at kaligtasan ng Diyos. Ang paghatol na magsisimula sa tahanan ng Diyos ay upang gawing ganap itong grupo ng mga tao bago ang sakuna. Tanging itong grupo ng mga tao lamang ang mga matatalinong birhen, ang mga taong nakalista sa aklat ng buhay, ang 144,000 na mga mananagumpay na hinulaan ng Aklat ng Pahayag. Ang mga tao na sa huli ay makakapasok sa kaharian ng langit upang magmana ng buhay na walang hanggan. Ito ang tumupad sa kung ano ang hinulaan sa Pahayag 14:1–5: “At tumingin ako, at narito, ang Cordero ay nakatayo sa bundok ng Sion, at ang kasama niya’y isang daan at apat na pu’t apat na libong may pangalan niya, at pangalan ng kaniyang Ama, na nasusulat sa kanikaniyang noo. At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit, na gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malakas na kulog: at ang tinig na aking narinig ay gaya ng sa mga manunugtog ng alpa na tumutugtog ng kanilang mga alpa: At sila’y nangagaawitan na wari’y isang bagong awit sa harapan ng luklukan, at sa harap ng apat na nilalang na buhay at ng matatanda: at sinoman ay hindi maaaring matuto ng awit kundi ang isang daan at apat na pu’t apat na libo lamang, sa makatuwid ay siyang mga binili mula sa lupa. Ang mga ito’y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka’t sila’y mga malilinis. At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saanman Siya pumaroon. Ang mga ito’y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Diyos at sa Cordero. At sa kani-kaniyang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan: sila’y mga walang dungis.

Ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw Ganap na natupad ang pangitain ng dakilang puting trono ng paghatol na hinulaan sa Aklat ng Pahayag. Ang dakilang puting trono ay kumakatawan sa kabanalan ng Diyos at ng Kanyang awtoridad. Kung gayon papaano namin makikilala ang awtoridad ng Diyos? Alam nating lahat. Nilikha ng Diyos ang langit at lupa at ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng Kanyang salita. Siya ay gumagamit ng Kanyang salita upang gabayan, linisin, at iligtas ang sangkatauhan, upang magawa ang lahat ng bagay. Ang salita ng Diyos ang kumakatawan sa Kanyang awtoridad. Anuman ang sabihin ng Diyos ay matutupad, anuman ang Kanyang ipinag-utos ay mangyayari. Ang Diyos ay kasinggaling ng Kanyang salita, at ang Kanyang salita ay matutupad, at ang natupad na iyon ay magtatagal magpakailanman. Ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay gawain ng salita. Ang Diyos ay gumagamit ng Kanyang salita upang pamahalaan ang buong sandaigdigan, pamahalaan ang lahat ng sangkatauhan. Siya ay gumagamit ng Kanyang salita upang gumabay, upang magbigay sa sangkatauhan, at ngayon ay gumagamit ng Kanyang salita sa paghatol at paglinis ng sangkatauhan. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Dadalhin Ko sa lupain ng Canaan ang mga tao mula sa buong mundo, kaya nga patuloy Akong bumibigkas ng mga salita sa lupain ng Canaan upang kontrolin ang buong sansinukob. Sa pagkakataong ito, walang liwanag sa buong mundo maliban sa Canaan, at nanganganib na magutom at ginawin ang lahat ng tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nagpopropesiya na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob). “At sa gayon, sa mga huling araw, sa pagkakatawang-tao ng Diyos, pangunahin Niyang ginagamit ang salita upang tuparin ang lahat at gawing malinaw ang lahat(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos). “Kakastiguhin ng mga salitang sinabi mula sa bibig ng Diyos ang lahat ng buktot, pagpapalain ng mga salitang sinabi mula sa bibig Niya ang lahat ng matuwid, at ang lahat ay itatatag at gagawing ganap ng mga salitang sinabi mula sa bibig Niya. Ni hindi Siya magpapamalas ng anumang mga tanda o mga kababalaghan; magagawa ang lahat ng mga salita Niya, at magbubunga ng mga katotohanan ang mga salita Niya. Ipagdiriwang ng lahat ng nasa lupa ang mga salita ng Diyos, maging mga nasa hustong gulang man sila o mga bata, lalaki, babae, matanda, o bata, magpapasakop sa ilalim ng mga salita ng Diyos ang lahat ng mga tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dumating Na ang Milenyong Kaharian). Ang pagpapahayag ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay tulad ng kidlat na tumatama mula sa Silangan deretso sa Kanluran. Nililinis nito at ginagawang ganap ang lahat ng nagbalik sa harap ng trono ng Diyos, at ibinubunyag ang mga mapagkunwaring Pariseo na galit sa katotohanan. pati na rin ang lahat ng makasalanang tao na ayaw tumanggap at kinakalaban ang Diyos. Kasabay nito, papatayin ang lahat ng mga anak ng suwail. Ang paghatol na gawain ng Makapangyarihang Diyos sa lupa sa mga huling araw ay ipinapakita na ang Diyos ay nakaupo na at namamahala sa Kanyang trono. Kahit na itong lumang daigdig ng kasamaan at kadiliman ay umiiral pa rin sa kasalukuyan, iba-ibang malalaking kalamidad na wawasak sa daigdig ang malapit nang mangyari. Walang puwersa sa mundo ang makakasira sa kaharian ng Diyos, at walang puwersa ang makakabuwag sa gawain ng Diyos o makakahadlang sa Kanyang gawain na magpatuloy. Gumagamit ang Diyos ng Kanyang awtoridad upang gampanan ang Kanyang paghatol na gawain sa lupa ay katulad ng Kanyang trono sa langit: Ito ay isang bagay na walang sinuman ang makakayanig at walang sinuman ang makakapagbago. Iyan ang katotohanan. Tulad ng sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Lumalawak ang kaharian sa gitna ng sangkatauhan, nabubuo ito sa gitna ng sangkatauhan, at nakatayo ito sa gitna ng sangkatauhan; walang puwersang maaaring magwasak sa Aking kaharian(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 19). Ito ang awtoridad at kapangyarihang ipinakita ng salita ng Diyos. Ang salita ng Diyos na may hawak na kapangyarihan sa lupa ay si Cristo na namumuno sa lupa. Ito ang Diyos na namumuno na sa Kanyang trono sa mundo. Ito ay sapat na upang ipakita na ang kaharian ng Diyos ay bumaba na sa lupa. Ito ang katotohanan na hindi maipagkakaila ninuman. Makikita natin na ang kalooban ng Diyos ay ganap ng natupad sa lupa, gaya ng sa langit. Ang Panginoong Hesus ay nagsabi: “Dumating nawa ang kaharian Mo. Gawin nawa ang Iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa(Mateo 6:10). Hinulaan din sa Pahayag: “At humihip ang ikapitong anghel; at nagkaroon ng malalakas na tinig sa langit, at nagsasabi, ‘Ang kaharian ng sanlibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa Kanyang Cristo: at Siya’y maghahari magpakailan-kailanman’. At ang dalawangpu’t apat na matatanda na nakaupo sa kanikaniyang luklukan sa harapan ng Diyos, ay nangagpatirapa, at nangagsisamba sa Diyos, Na nangagsasabi, Pinasasalamatan Ka namin, Oh Panginoong Diyos, na Makapangyarihan sa lahat, na Ikaw ngayon, at naging Ikaw nang nakaraan; sapagka’t hinawakan Mo ang Iyong dakilang kapangyarihan, at Ikaw ay naghari(Pahayag 11:15–17). Ang mga salitang ito ay naging katotohanan na. Ang lahat ng mga katotohanang ito ay nagawa ng gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw.

mula sa iskrip ng pelikulang Awit ng Tagumpay

Sinundan: Tanong 4: Kanina lamang, sinabi ninyo na ang pinakahinuhulaang bagay sa Biblia ay ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Mayroong hindi bababa sa 200 bahagi ng Biblia ang nabanggit na gagawin ng Diyos ang Kanyang paghatol. Talagang totoo ito. Nakasaad pa nga ito nang mas malinaw sa 1 Pedro 4:17: “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos.” Parang ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling mga araw ay may kasiguraduhan. Ngunit ang inyong nasaksihan ay ang Diyos ng mga huling araw na nagkakatawang-tao para gampanan ang kanyang gawain ng paghatol. Iba ito sa aming paniniwala. Naniniwala kami na ang Panginoon sa mga huling araw ay magpapakita sa sangkatauhan at gagawa sa anyo ng espiritwal na katawan ni Jesus kasunod ng muling pagkabuhay. Ito rin ang pananaw ng karamihan sa mga relihiyosong sekta. Ang konsepto ng nagbalik na Panginoon na nagpapakita sa tao at gumagawa sa katawang-tao ay isang bagay na di pa namin nakikita, kaya maaari bang makipag-talastas ka pa sa amin.

Sumunod: Tanong 6: Sabi mo naparito ang Panginoon para gawin ang gawain ng paghatol at pagdadalisay sa mga huling araw, pero sabi ng Panginoong Jesus: “At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol” (Juan 16:8). Napaghiganti na ng mga salita at gawain ng Panginoong Jesus ang mga tao para sa kanilang mga kasalanan, para sa katuwiran, at para sa paghatol. Sa pangungumpisal ng ating mga kasalanan sa Panginoon at pagsisisi, sumailalim na tayo sa Kanyang paghatol, kaya ano talaga ang kaibhan sa pagitan ng sinasabi mong gawain ng paghatol sa mga huling araw at ng gawain ng Panginoong Jesus?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito