Tanong 3: Sabi sa Biblia, “Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay titipuning kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailanman” (1 Tesalonica 4:17). Paano natin ipaliliwanag ’yon?

Sagot: Asamin natin ang pagbalik ng Panginoon batay sa mga propesiyang Siya Mismo ang nagsabi. ’Yon ang pinaka-karaniwang paraan ng paghihintay sa pagbalik ng Panginoon. Sino ba ang talagang nagsabi niyan? Mga salita ba ’yan ng Panginoon o mga salita ng mga tao? “Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay titipuning kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin,” sino’ng nagsabi no’n? Mga salita ba ’yon ng Panginoong Jesus? Walang sinabing gano’n ang Panginoong Jesus. Hindi rin ’yon sinabi ng Banal na Espiritu. Ang mga salitang sinasabi at pinaniniwalaan mo ay mga salita ni Pablo. Kinakatawan ba ng mga salita ni Pablo ang mga salita ng Panginoong Jesus? Pwede ba siyang maging kinatawan ng Diyos? Tanging ang Diyos lang ang may alam sa sagot sa misteryong ito. Kung susubukan nating mga masamang tao na gumawa ng mga bulag na kahulugan at hatol gaya nito, isa ’yong seryosong problema. Hindi si Cristo si Pablo. Isa lang siyang karaniwang masamang tao. Puno ng mga ideya at imahinasyon ng tao ang mga sinulat niya. Hindi ang mga salita niya ang katotohanan, kaya hindi natin ’yon magagamit na pruweba. Lahat ng pruweba ay dapat nakabase sa mga salita ng Diyos sa Bibliya. Alinsunod ’yon sa katotohanan. Maling imbestigahan ang pagdadala at pagpasok sa kaharian ng langit base sa mga salita ng mga tao sa Bibliya, lalo na kay Pablo, at hindi ayon sa mga salita ng Panginoong Jesus dahil tanging ang mga salita ng Panginoong Jesus ang katotohanan; tanging ang mga salita Niya ang may awtoridad. Tanging ang Panginoong Jesus ang Cristo, ang Hari ng kaharian ng langit. Bakit hindi niyo hanapin ang katotohanan at nais ng Diyos sa mga salita ng Panginoong Jesus? Sa halip, bakit niyo ginagamit ang mga salita ng tao na basehan ng inyong paghahanap? Alinsunod ba ’yon sa nais ng Panginoon? Ginagawa kayo no’ng suseptible na sundin ang tao at tahakin ang sarili niyong landas. Nilikha ng Diyos ang tao mula sa putik ng lupa. Inatasan Niya sila na gawin ang mga tungkulin nila sa lupa, at ’yon ay ang pamahalaan ang iba pa Niyang mga nilikha sa lupa. Hiniling Niya na sumunod sila, sumamba, at magbigay-dangal sa Kanya sa lupa at iniatas na ang destinasyon nila ay sa lupa, hindi sa langit. Maliban do’n, matagal nang sinabi sa atin ng Diyos na itatatag Niya ang kaharian Niya sa lupa. Maniniirahan siya sa lupa kasama nating mga tao at ang mga kaharian ng lupa ay dapat maging kahariang pinamamahalaan ni Cristo. Samakatuwid, sa lupa itatag ang kaharian ng Diyos sa huli, hindi sa langit. Maraming tao ang laging naghahangad na maiakyat sa langit. Yon ang sarili nilang pagkaintindi at imahinasyon, ang sarili nilang kathang hangarin. Hindi ’yon alinsunod sa katotohanan o sa katotohanan ng gawain ng Diyos.

mula sa iskrip ng pelikulang Paggising mula sa Panaginip

Sinundan: Tanong 2: Hindi pa natin nasisiguro kung nasa lupa o nasa langit ang kaharian ng Diyos. Maraming beses nang nagsalita ang Panginoong Jesus ng “malapit na ang kaharian ng langit” at “Dumarating ang kaharian ng langit.” Kung “kaharian ng langit,” ibig sabihin nasa langit ’yon. Pa’no ’yon napunta sa lupa?

Sumunod: Tanong 4: Ang mga sinabi niyo ang paghahangad natin sa pagbabalik ng Panginoon at sa pagdadala sa ’tin sa alapaap ay nagmula lang talaga sa pagkaintindi at imahinasyon ng tao. Seryosong naipagkanulo na natin ang mga salita ng Panginoon. Dahil do’n, pa’no tayo ngayon maghihintay sa pagbabalik ng Panginoon at sa pagdadala sa atin sa alapaap? Pwede mo ba ’yong ipaliwanag pa nang mas detalyado?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 13: Lahat kayo ay naniniwala sa Diyos; Ako naman ay kina Marx at Lenin. Dalubhasa ako sa pagsasaliksik ng iba’t ibang paniniwala sa relihiyon. Sa ilang taon ng pagsasaliksik ko, may nadiskubre akong isang problema. Ayon sa relihiyosong paniniwala ay mayroon talagang Diyos. Pero sa dami ng naniniwala sa Diyos, wala pa namang nakakakita sa Kanya. Ang paniniwala nila ay base sa sarili nilang nararamdaman. Kaya nga nakabuo ako ng konklusyon tungkol sa relihiyosong paniniwala: Purong imahinasyon lang ang relihiyosong paniniwala; yun ay isang pamahiin, at walang matibay na basehan sa syensya. Ang modernong lipunan, ay isang lipunan kung saan napakaunlad na ng syensya. Kailangang, nakabase ang lahat sa syensya, para hindi na magkaro’n ng kamalian. Kaming mga miyembro ng Partidong Komunista ay naniniwala sa Marxismo-Leninismo. Hindi kami naniniwalang may Diyos. Ano bang sabi sa The Internationale? “Kailanma’y di nagkaro’n ng Tagapagligtas ang mundo, o ng diyos at emperador na kailangang asahan. Upang magkaro’n ng kaligayahan ang tao, mga sarili lamang natin ang ating asahan!” Malinaw sa The Internationale na “Kailanma’y di nagkaro’n ng Tagapagligtas ang mundo.” Ang sangkatauhan ay naniwala noon sa Diyos at naging mapamahiin dahil ang sangkatauhan nung mga panahong iyon, ay humaharap sa kababalaghan ng natural na mundo na ang araw, buwan, mga bituin; hangin, ulan, kulog at kidlat, ay hindi makapagbibigay ng siyentipikong paliwanag. Samakatuwid, sumibol sa mga utak nila ang takot at pagtataka tungkol sa di-pangkaraniwang kapangyarihan. Kung kaya nabuo ang mga pinakaunang konsepto ng relihiyon. Bukod ditto, nung hindi malutas ng mga tao ang kahirapang dulot ng mga kalamidad at sakit, umasa silang makakuha ng ginhawang pangkaluluwa sa pamamagitan ng mataimtim na pagsunod sa Diyos. Ito ang dahilan kaya nabuhay ang relihiyon. Kitang-kita naman, Hindi ito makatwiran at hindi siyentipiko! Sa panahong ito, moderno na ang tao, at namamayagpag na ang siyensya. Sa mga larangang gaya ng aerospace industry, biotechnology, genetic engineering at medisina, mabilis na naging maunlad ang lahat ng tao. Noon hindi ito naintindihan ng sangkatauhan, at hindi nila kayang lutasin ang mga problema. Pero ngayon kaya ng ipaliwanag ng siyensya ang mga problemang ito, at pwede ng umasa sa siyensya para magbigay ng mga solusyon. Ngayong maunlad na ang agham at teknolohiya, kung naniniwala pa rin ang tao sa Diyos, at naging mapamahiin, hindi ba’t ito ay kabaliwan at kamangmangan? Hindi ba’t napag-iwanan na ang mga tao sa panahong ito? Ang pinakapraktikal na gawin ay ang maniwala tayo sa siyensya.

Sagot: Sabi n’yo ang relihiyosong paniniwala ay dahil sa napag-iwanan na ang tao sa siyentipikong kaalaman, at nabuo mula sa takot at...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito