Tanong 4: Lahat ng pastor sa iba’t ibang relihiyon ay pamilyar sa Biblia. Madalas nilang ipaliwanag ang Biblia sa mga iglesia at purihin ang Biblia. Inakala natin palagi ay dapat silang maging mga tao na kilala ang Diyos. Kung gayo’y bakit kaya ang gawain ng Diyos na nagkatawang tao sa mga huling araw ay marahas na tinuligsa at nilabanan ng karamihan sa mga pastor sa iba’t ibang relihiyon? Naniniwala ako na hindi posibleng ang tunay na daan ang tinutuligsa ng karamihan sa mga pastor at pinuno ng iba’t ibang relihiyon!

Sagot: Sa pagsisiyasat kung ito ang gawain ng Diyos, hindi tayo dapat manghusga ayon sa kung tinanggap ito ng karamihan sa mga pinuno ng iba’t ibang relihiyon. Gunitain kung kailan nagpakita ang Panginoong Jesus para gawin ang Kanyang gawain. Sino yaong mga nagpako sa Panginoong Jesus sa krus? Hindi ba ang mga pinuno ng mga relihiyon na pamilyar sa Biblia at madalas magpaliwanag ng Biblia sa iba? Ano ang sinasabi sa atin ng tunay na pangyayaring ito? Hindi komo pamilyar ang isang tao sa Biblia at kayang magpaliwanag sa Biblia ay alam na niya ang gawain ng Diyos, at bukod pa riyan ay hindi siya isang tao na tiyak na masasabing kilala ang Diyos. Ang mga pangulong saserdoteng Judio, mga tagasulat, at mga Fariseo ay pamilyar na lahat sa Biblia, subalit sila yaong lumaban at tumuligsa sa Panginoong Jesus. Lahat sila ay anticristo. Hindi ba totoo ito? Kung ni hindi makita ng isang taong pamilyar sa Biblia ang katotohanang ito, maituturing ba iyang pag unawa sa Biblia? Kung umaasa ka pa rin sa mga pananaw ng karamihan sa mga pinuno ng iba’t ibang relihiyon bilang batayan ng pag alam kung ito nga ay pagpapakita at gawain ng Diyos, hindi ba malaking kalokohan iyan? Kung ipipilit mo pa ring umasa sa pananaw ng karamihan sa mga pinuno ng iba’t ibang relihiyon tungkol sa isyung ito, hindi ba ikinakaila mo rin ang pagpapakita at gawain ng Panginoong Jesus? Walang duda, naging katulad ka na rin ng mga Fariseo—isang taong lumalaban sa Diyos. Kapag hinanap at sinuri natin ang tunay na daan, dapat tayong magdesisyon ayon sa kung may gawain ng Banal na Espiritu at kung may pagpapahayag ng katotohanan. Iyan ang tumpak na pamantayan. Ang pagbatay nito sa mga pananaw ng karamihan sa mga pinuno ng iba’t ibang relihiyon ay walang alinlangang paglaban sa Diyos, at isusumpa at aalisin ka ng Diyos.

Ang tingin ng karamihan sa mga nananalig ay lahat ng pastor ay pamilyar sa Biblia at madalas ipaliwanag at purihin ang Biblia, na nangangahulugan na dapat ay mga tao sila na kilala ang Diyos. Gayunman, kapag muling naging tao ang Diyos para isagawa ang Kanyang gawain sa mga huling araw, bakit ang mga pastor na ito ng iba’t ibang relihiyon na pamilyar sa Biblia ay marahas na tinutuligsa at nilalabanan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw? Palaisipan ito sa maraming tao. Hindi naman talaga ito mahirap intindihin. Noong araw, lahat ng Fariseo ay pamilyar sa Biblia at madalas nilang ipaliwanag at purihin ang Biblia sa mga sinagoga. Ngunit nang dumating ang Panginoong Jesus, marahas nila Siyang nilabanan at inusig, at ipinako ang Panginoong Jesus sa krus nang buhay. Sapat ang katotohanang ito upang patunayan na hindi komo madalas nilang ipaliwanag at purihin ang Biblia ay kilala na nila ang Diyos. Lahat ng Fariseo ay kayang ipaliwanag ang Biblia. Kung gayon ay bakit, nang malaman nila na lahat ng ipinahayag ng Panginoong Jesus ay katotohanan, tinuligsa at nilabanan pa rin nila Siya? Dahil hindi man lang nila nakilala ang tinig ng Diyos, paano nila malalaman ang disposisyon at diwa ng Diyos? Ang mga pastor ng mga relihiyon ay katulad lang ng mga Fariseo, Bagama’t pamilyar sila sa Biblia, ang ipinangangaral lang nila ay kaunting kaalaman tungkol sa Biblia at mga teoryang teolohiko, gayundin ang mga tauhan at kasaysayan ng pinagmulan ng Biblia. Hindi nila maibahagi ang anumang karanasan o patotoo tungkol sa pagsasabuhay ng salita ng Panginoon, o anumang tunay na kaalaman tungkol sa Diyos. Sapat na ito upang ipakita na hindi sila mga taong may karanasan sa gawain ng Diyos at pagsasabuhay ng salita ng Diyos. Paano sila posibleng naging mga tao na kilala ang Diyos? Ang pananaw nila tungkol sa Diyos ay puno ng mga paniwala at imahinasyon. Hindi man lang nila alam ang disposisyon ng Diyos at ang Kanyang layuning iligtas ang sangkatauhan, kaya kapag nagpakita ang Diyos para gawin ang Kanyang gawain sa mga huling araw, ginagamit nila ang kaalaman at doktrina sa Biblia na taglay nila upang ilarawan ang salita at gawain ng Diyos, at nauuwi sila sa pagganap sa papel ng mga Fariseo, na naniwala sa Diyos subalit nilabanan Siya. Tingnan natin ang isang talata ng salita ng Makapangyarihang Diyos: “Hindi kaya ng tao mismo na maggawa-gawa ng tunay na kaalaman tungkol sa Diyos. Hindi ito isang bagay na kayang isipin ng tao mismo, ni hindi ito bunga ng espesyal na pabor na ipinagkaloob ng Banal na Espiritu sa iisang tao. Sa halip, ito ay isang kaalamang dumarating matapos maranasan ng tao ang gawain ng Diyos, at ito ay isang kaalaman tungkol sa Diyos na dumarating lamang matapos maranasan ang mga katunayan ng gawain ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas tungo sa Pagkilala sa Diyos). Nililinaw ito ng Makapangyarihang Diyos. Ang kaalaman tungkol sa Diyos ay nagmumula sa pagdanas ng gawain ng Diyos at pagsasabuhay ng salita ng Diyos, at nakakamtan ito sa pamamagitan ng pagtanggap sa gawain ng Banal na Espiritu. Hindi ito nakakamtan sa pamamagitan ng pagiging pamilyar ng isang tao sa Biblia. Sa loob ng libu libong taon, wala pang nagkamit ng tunay na kaalaman tungkol sa Diyos sa pagbabasa ng Biblia. Bukod pa rito, walang sinumang tao na nalinis at tumanggap ng pagsang ayon ng Diyos dahil sa pagiging pamilyar sa Biblia.

Sa lahat ng tumanggap ng pagsang ayon ng Diyos sa buong kasaysayan, walang nagkamit ng kaalaman tungkol sa Diyos sa pagbabasa ng Biblia. Sa proseso ng pagsasabuhay ng salita ng Diyos at pagsunod sa gawain ng Diyos unti unti nilang natamo ang tunay na kaalaman at takot sa Diyos. Ipaghalimbawa natin sina Abraham at Job. Kapwa sila mga taong lumuwalhati sa Diyos at nagpitagan sa Diyos sa kanilang puso. Sa pamamagitan ng kanilang mga karanasan, nalaman nila ang pagka makapangyarihan at karunungan ng Diyos na nangingibabaw sa lahat. Nakita nila na lahat ng mayroon ang tao ay dahil sa pagpapala at biyaya ng Diyos, kaya sila nagkaroon ng tunay na pananampalataya sa Diyos. Kaya nga napupuri pa rin nila ang banal na pangalan ng Diyos sa gitna ng mga pagsubok upang lumikha ng magaganda at matutunog na patotoo, at pinagpala sila ng Diyos dahil dito. Kinilala ni Pedro na ang Panginoong Jesus ang Cristo, ang Anak ng buhay na Diyos, hindi sa pamamagitan ng pagiging pamilyar niya sa Lumang Tipan, kundi sa pamamagitan ng paghahanap sa katotohanan, at pagsunod sa salita at gawain ng Panginoong Jesus, pagtatamo ng gawain ng Banal na Espiritu, at unti unting pagkilala sa kagandahan ng Diyos at Kanyang disposisyon at lahat ng mayroon Siya at kung ano Siya. Sa huli, nagawa niyang magkamit ng sukdulang pagmamahal sa Diyos at sumunod hanggang kamatayan, na lumikha ng maganda at matunog na patotoo para sa Diyos. Dagdag pa rito, noong gumawa ang Panginoong Jesus, lahat ng sumunod sa Kanya ay nahiwatigan sa Kanyang sinambit ang awtoridad at kapangyarihan ng Kanyang salita. Nakilala nila na ito ang tinig ng Diyos at ipinasiya nilang sundin ang Panginoong Jesus. Lumikha rin sila ng magaganda at matutunog na patotoo sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng Panginoong Jesus. At noong naging tao muli ang Diyos upang gumawa sa mga huling araw, maraming tao na hindi naniwala kailanman sa Panginoong Jesus at hindi pa nakabasa ng Biblia pero natamo ang gawain ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pagtanggap at pagsunod sa paghatol ng salita ng Makapangyarihang Diyos. Unti unti silang nagkaroon ng tunay na kaalaman at pagsunod sa Diyos, at lumikha ng nakakaantig na mga patotoo sa gitna ng malupit na pang uusig ng rehimen ng ang CCP. Isa itong katotohanan para makita ng lahat. Yaon lamang mga nakaranas ng gawain at sa huli ay lumikha ng magaganda at matutunog na patotoo para sa Diyos ang masasabing mga tao na tunay na kilala ang Diyos at sumusunod sa Diyos. Yaong mga nagpapaliwanag lamang sa Biblia pero hindi tunay na nagpapatotoo ay ituturing na mga relihiyosong nagmamarunong. Kinamumuhian at kinapopootan ng mga relihiyosong Fariseo at pastor ang katotohanan. Ginagawa nilang pamilyar ang kanilang sarili sa Biblia at ipinaliliwanag ang Biblia hindi dahil sa naghahanap sila ng katotohanan at kaalaman tungkol sa Diyos. Bagkus, lubos na pagpapakitang gilas iyon, at nalilinlang at nakukulong nito ang mga tao. Noong nagkakatawang tao ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain, itinuturing pa nilang kaaway ang Cristong nagsasabi ng katotohanan, halos muling ipinapako sa krus ang Diyos, at sa gayo’y isinusumpa ng Diyos, na lubos na naglalantad sa pagkapoot nila sa katotohanan, at sa kanilang esesnya bilang anticristo Naihayag ng gawain ng Diyos na nagkatawang tao sa mga huling araw ang buong sangkatauhan, at binukod bukod ang mga tao ayon sa kanilang uri. Ang gawain ng Diyos ay talagang makapangyarihan at matalino!

Kung hindi mahal ng mga taong naniniwala sa Diyos ang katotohanan at hindi nila pinapansin ang pagsasabuhay ng salita ng Diyos, hindi nila tunay na nararanasan ang gawain ng Diyos. Kung ang tanging gusto ng mga tao ay magkaroon ng kaalaman tungkol sa Biblia at mga teoryang teolohiko para magpakitang gilas, upang mas gumanda ang kanilang reputasyon para sambahin at sundin sila ng mga tao, natural na maging mapagkunwaring mga Fariseo sila. Makapangyarihang Diyos: “Yaong mga may pakialam lamang sa mga salita ng Biblia at hindi nababahala sa katotohanan o sa paghahangad sa mga yapak Ko—laban sila sa Akin, dahil nililimitahan nila Ako ayon sa Biblia, at ipinipilit nila Ako sa loob ng Biblia, at sukdulang napakalapastangan tungo sa Akin. Paanong nangangahas pumunta sa harap Ko ang ganitong mga tao? Hindi sila nagbibigay pansin sa mga gawa Ko, o sa kalooban Ko, o sa katotohanan, ngunit sa halip ay nahuhumaling sila sa mga salita—mga salitang pumapatay. Paanong magiging kaayon sa Akin ang ganitong mga tao?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Hangarin ang Daan ng Pagiging Kaayon ni Cristo).

Mayroong mga nagbabasa ng Biblia sa mga malalaking iglesia at nagsasalaysay nito nang buong araw, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakauunawa sa layunin ng gawain ng Diyos. Wala ni isa sa kanila ang nakakilala sa Diyos, lalong wala ni isa sa kanila ang nakaayon sa kalooban ng Diyos. Lahat sila ay walang halaga, masasamang tao, bawat isa ay nagpapakataas upang pangaralan ang Diyos. Sadya nilang sinasalungat ang Diyos kahit na dala-dala nila ang Kanyang bandila. Sinasabi nilang sila ay nananampalataya sa Diyos, subalit kumakain pa rin sila ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng ganitong tao ay mga diyablong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong demonyo na sadyang humahadlang sa mga sumusubok na tumapak sa tamang landas, at mga balakid na nakasasagabal sa mga naghahanap sa Diyos. Sila ay tila may ‘mahuhusay na konstitusyon,’ ngunit paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay walang iba kundi mga anticristo na umaakay sa mga tao na manindigan laban sa Diyos? Paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay mga nabubuhay na diyablo na nakatuon sa paglamon ng mga kaluluwa ng tao? Ang mga nagpaparangal sa kanilang sarili sa harap ng Diyos ang pinakahamak sa mga tao, samantalang ang mga nagpapakumbaba ang pinakamarangal. At ang mga nag-aakala na alam nila ang gawain ng Diyos at, higit pa rito, ay kayang magpahayag ng gawain ng Diyos sa iba nang may pagpapasikat kahit pa sila ay direktang nakatingin sa Kanya—sila ang mga pinakamangmang sa mga tao. Ang ganitong mga tao ay walang patotoo ng Diyos, mapagmataas at puno ng kayabangan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Lahat ng Taong Hindi Nakakakilala sa Diyos ay mga Taong Sumasalungat sa Diyos).

Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay lubos na inilantad ang likas na pagkapoot at pagkamuhi sa katotohanan at diwa ng mga relihiyosong Fariseo, pastor at pinuno ng mga relihiyon. Ginagawa nilang pamilyar ang kanilang sarili sa Biblia at ipinaliliwanag ang Biblia para mamukod tangi at magpakitang gilas sila, upang magamit nila ito para linlangin at ikulong ang mga tao at protektahan ang sarili nilang katayuan at mga kabuhayan. Hindi ito para ibahagi ang katotohanan at purihin ang Diyos, magpatotoo sa Diyos, at dalhin ang mga tao sa Kanyang harapan. Nagkukunwari silang makadiyos sa panlabas na anyo, pero ang totoo ay wala silang anupamang pagpipitagan sa Diyos sa kanilang puso. Kapag naghahayag ng katotohanan at nagsasagawa ang Makapangyarihang Diyos ng Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw, para protektahan ang sarili nilang katayuan at mga kabuhayan, ginagawa nila ang lahat para magtahi tahi ng tsismis at magpahayag ng mga kamalian upang limitahan ang Diyos at tuligsain ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, na sinasabi ang mga bagay na gaya ng “Lahat ng salita at gawain ng Diyos ay nasa Biblia, anumang bagay na wala sa Biblia ay erehe,” at “Ang paniniwala sa Diyos ay paniniwala sa Biblia, ang Biblia ay kumakatawan sa Diyos,” at iba pa, at nagkakalat sila ng lahat ng klase ng kamalian upang linlangin at hadlangan ang mga tao sa paghahanap at pagsisiyasat sa tunay na daan. Ipinapakita nito na kapag ginamit ng mga pastor ng mga relihiyon ang mga pagkakataon nilang ipaliwanag ang Biblia para ipaliwanag ang Biblia nang mali at wala sa konteksto, upang limitahan ang Diyos at kontrahin ang Diyos, ito ay dahil lamang sa kanilang likas na kademonyohan sa pagkapoot sa katotohanan at paglaban sa Diyos. Sa buong kasaysayan, ang iba’t ibang relihiyon ay napamunuan ng mapagkunwaring mga Fariseo at mga anticristo. Sinasamba nila ang Biblia at pinupuri ang Biblia para lamang malinlang at makontrol nila ang mga piling tao ng Diyos at mapatibay ang sarili nilang katayuan at mga kabuhayan. Hindi ito para purihin ang Diyos at magpatotoo sa Diyos, o para gabayan ang mga tao tungo sa realidad ng katotohanan at dalhin sila sa harapan ng Diyos. Kaya nga, kapag dumarating ang Makapangyarihang Diyos upang isagawa ang Kanyang gawain sa mga huling araw, ang pagkapoot sa katotohanan, ang likas na pagiging anticristo ng mga pastor at pinuno ng mga relihiyon na lumalaban sa Diyos ay lubos na inilantad. Sa pagkukunwaring “ipagtanggol ang tunay na daan at protektahan ang kawan,” nagpapakadalubhasa sila sa pagkontra sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw, kaya naging matibay na balwarte ng oposisyon laban sa Diyos ang mga relihiyon. Hindi pa rin ba malinaw sa iyo ang katotohanang iyan?

mula sa iskrip ng pelikulang Kalagin ang Mga Kadena at Tumakbo

Sinundan: Tanong 3: Malinaw na sinabi ni Pablo sa Biblia: “Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila’y ginawa kayo ng Banal na Espiritu na mga tagapangasiwa, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Diyos …” (Mga Gawa 20:28). Pinatutunayan nito na ang mga pastor at elder ay hinirang lahat ng Banal na Espiritu. Hindi ba’t ang paghirang ng Banal na Espiritu ay kumakatawan sa paghirang ng Diyos? Hinirang ng Diyos ang mga pastor at elder bilang mga tagapangasiwa sa lahat ng kawan. Hindi maaaring maging mali iyon.

Sumunod: Tanong 5: Nang malaman ng pastor at elder na tinanggap namin ang Makapangyarihang Diyos, walang-tigil ang panggugulo nila sa amin, walang-tigil ang paliwanag nila sa amin sa Biblia. Kahit pabulaanan namin sila, at tanggihan sila, ayaw nila kaming tantanan. Matinding panliligalig ’yan sa mga mamamayan. Noong araw, kapag nanghihina o negatibo kami, hindi sila ganito kasigasig. Pero ngayon, nang tanggapin na namin ang Makapangyarihang Diyos, galit na galit sila, sa pagbibigay ng pabuya at parusa, panay ang pang-iinis nila sa amin. Parang hindi sila titigil sa kasamaan nila hangga’t hindi nila kami naihuhulog sa impiyerno na kasama nila! Hindi ko lang maintindihan. Ang pastor at elder, bilang mga taong naglilingkod sa Panginoon, at madalas magsalita tungkol sa Biblia, dapat nilang makita na lahat ng salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay katotohanan. Bakit hindi nila hanapin ang katotohanan? Bakit hindi nila siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, sa halip na mabangis na tuligsain, kalabanin, at lapastanganin ang Makapangyarihang Diyos? Ginagawa ng pastor at elder ang lahat para hadlangan ang pagtanggap namin sa Makapangyarihang Diyos. Nahihirapan kaming makita ang likas na katangian ng bagay na ito. Pakipaliwanag ito nang kaunti sa amin.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 11: Pinatototohanan mo na si Jesus at ang Makapangyarihang Diyos ang parehong si Cristo, ang una at ang huling Cristo. Hindi ’yan tinatanggap ng ating CCP. Sa The Internationale, malinaw na sinabi “Walang sinumang naging tagapagligtas ng mundo kailanman.” Pilit n’yong pinatototohanan na dumating na si Cristong Tagapagligtas. Paanong hindi kayo tutuligsain ng CCP? Sa palagay namin, ang Jesus na pinananaligan ng mga Kristiyano ay isang karaniwang tao. Ipinako pa nga siya sa krus. Kahit ang Judaismo ay hindi kinilala na Siya si Cristo. Ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw na pinatototohanan n’yo ay isa lamang palang karaniwang tao. Malinaw na inilalarawan sa mga dokumento ng CCP na may apelyido at pangalan Siya. Totoo rin ’yan. Bakit n’yo pinatototohanan na ang gayong karaniwang tao ay si Cristo, ang pagpapakita ng Diyos? Mahirap paniwalaan ’yan! Gaano man n’yo patotohanan ang katotohanang naipahayag at kung paano nagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, hindi kikilalanin ng ating CCP na ang taong ito ay ang Diyos. Palagay ko katulad lang kayo ng mga tao ng Kristiyanismo, Katolisismo, at Eastern Orthodoxy na nananalig kay Jesus, na nananalig na Diyos ang isang tao. Hindi ba kamangmangan ’yan? Ano ba talaga ang Diyos at ang pagpapakita at gawain ng Diyos? Ibig sabihin ba nito ay ang pagpapahayag lang ng katotohanan at paggawa ng gawain ng Diyos ay pagpapakita ng tunay na Diyos? Yan ang hinding-hindi namin tatanggapin. Kung makakagawa ang Diyos ng mga himala at hiwaga, mapupuksa ang CCP at lahat ng kumakalaban sa Kanya, kikilalanin namin na Siya ang tunay na Diyos. Kung magpapakita ang Diyos sa kalangitan, gagawa ng madagundong na kulog na tatakot sa buong sanglibutan, yan ang pagpapakita ng Diyos. Sa gayo’y kikilalanin Siya ng ating CCP. Kung hindi, hinding-hindi tatanggapin ng CCP na may Diyos.

Sagot: Hindi ko lang maunawaan, bakit palaging galit ang CCP sa Diyos? Bakit nito palaging tinatanggihan ang Diyos? Bakit ito galit lalo na...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito