163 Bakit Dumating na si Cristo Upang Gumawa sa Mundo
I
Bagama’t gumagawa si Cristo
sa ngalan ng Diyos,
ito’y ‘di upang ipakita ang Kanyang imahe.
Hindi Siya dumadating upang Siya’y makita,
Siya’y dumadating upang akayin
ang tao sa bagong panahon.
Ang tungkulin ni Cristo bilang katawang-tao
ay upang gawin ang gawain ng Diyos Mismo.
Ito’y ‘di upang hayaan ang mga tao
na maunawaan ang diwa ng katawang-tao Niya.
Gaano man gumagawa si Cristo,
ang mga gawa Niya’y natatamo sa katawang-tao,
hindi hihigit sa saklaw ng normal na pagkatao.
‘Di ito kahima-himala
o ‘di matatawaran tulad ng iniisip ng tao.
Hindi Niya lubos na pinapakita
ang mukha ng Diyos sa tao.
Nagkakatawang-tao ang Diyos
upang kumpletuhin ang gawain,
‘di lang upang hayaang makita Siya ng mga tao.
Ang gawain Niya ang nagpapatunay
ng pagkakakilanlan Niya.
Ang inihahayag Niya’ng
nagpapatunay ng diwa Niya.
Ang pagkakakilanlan Niya’y
‘di sinakop ng Kanyang kamay,
ngunit tinutukoy ng diwa’t gawain Niya.
II
Kahit si Cristo’y kumikilos para sa Diyos Mismo,
‘di Niya ikinakaila ang Diyos sa kalangitan.
‘Di Niya inihahayag ang sarili Niyang gawa.
Bagkus mapagkumbabang nagkukubli
sa katawang-tao Niya.
Nagkakatawang-tao ang Diyos
upang kumpletuhin ang gawain,
‘di lang upang hayaang makita Siya ng mga tao.
Ang gawain Niya ang nagpapatunay
ng pagkakakilanlan Niya.
Ang inihahayag Niya’ng
nagpapatunay ng diwa Niya.
Ang pagkakakilanlan Niya’y
‘di sinakop ng Kanyang kamay,
ngunit tinutukoy ng diwa’t gawain Niya.
III
Yaong mga huwad na umaangking sila si Cristo
ay ‘di nagtataglay ng mga katangian Niya.
‘Pag inihambing sa kanilang mapagmataas,
mapagpuri sa sariling mga paraan,
nakikita nang mas malinaw
kung ano nga ba si Cristo.
Kung mas huwad sila, lalo silang nagmamalaki.
at mas lalo silang gumagawa
ng tanda upang linlangin ang tao.
Ang mga huwad na Cristo’y
walang mga katangian ng Diyos,
at ‘di nadudungisan si Cristo
sa taglay nilang katangian.
Nagkakatawang-tao ang Diyos
upang kumpletuhin ang gawain,
‘di lang upang hayaang makita Siya ng mga tao.
Ang gawain Niya ang nagpapatunay
ng pagkakakilanlan Niya.
Ang inihahayag Niya’ng
nagpapatunay ng diwa Niya.
Ang pagkakakilanlan Niya’y
‘di sinakop ng Kanyang kamay,
ngunit tinutukoy ng diwa’t gawain Niya.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit