164 Ang Layunin ng Pagkakatawang-tao ng Diyos sa mga Huling Araw

Sa mga huling araw, ang Diyos ay naging tao

para gawin ang gawaing dapat Niyang gawin,

at gampanan ang Kanyang ministeryo ng salita.

Personal Siyang gumagawa sa piling ng tao,

dahil mithiin Niyang gawin silang perpekto

ang lahat ng kaayon ng Kanyang puso.

Mula sa paglikha hanggang ngayon,

nitong mga huling araw lang

nagkatawang-tao ang Diyos para

gawin ang napakalawak na gawain.

Pinagdurusahan Niya ang di matiis ng tao,

ngunit gawain Niya’y hindi naaantala kailanman,

kahit mapagkumbaba Siyang naging ordinaryong tao.

Nagkatawang-tao ang Diyos para lupigin ang mga tao

at mga minamahal Niya’y gawing perpekto.

Nais Niyang makita ng sarili Niyang mga mata

ang mga taong ginagawa Niyang perpekto.

Nais Niyang makita Mismo,

na magpatotoo ang mga taong

ginagawa Niyang perpekto.


Kahit dakilang Diyos ay naging tao,

Kanyang plano kailanman ay hindi nalilito.

Siya’y gumagawa ayon sa Kanyang plano.

Hindi lang isa o dalawa ang naperpekto,

ngunit iilan lang sila sa grupong ito.

Sila ay mula sa iba’t ibang bansa sa mundo.

Mithiin ng maraming gawaing ito

na matamo ang grupong ito,

at ang patotoo sa Kanya ng mga taong ito.

Mithiin ng maraming gawaing ito

na gawing perpekto ang mga pinili

at kaluwalhatian ay matamo

sa pamamagitan ng iilang taong ito.

Nagkatawang-tao ang Diyos para lupigin ang mga tao

at mga minamahal Niya’y gawing perpekto.

Nais Niyang makita ng sarili Niyang mga mata

ang mga taong ginagawa Niyang perpekto.

Nais Niyang makita Mismo,

na magpatotoo ang mga taong

ginagawa Niyang perpekto.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaon Lamang mga Nakatuon sa Pagsasagawa ang Mapeperpekto

Sinundan: 163 Bakit Dumating na si Cristo Upang Gumawa sa Mundo

Sumunod: 165 Walang Nakababatid sa Pagparito ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito