390 Mga Prinsipyo ng Pagkilos para sa mga Mananampalataya
Tingnan ninyo ang inyong sarili upang makita kung isinasagawa ninyo ang pagkamatuwid sa lahat ng inyong ginagawa, at kung inoobserbahan ng Diyos ang lahat ng pagkilos ninyo: Ito ang prinsipyo na ginagamit ng mga naniniwala sa Diyos sa paggawa ng kanilang mga gawain. Tatawagin kayong matuwid dahil napalulugod ninyo ang Diyos, at dahil tinatanggap ninyo ang pag-aalaga at proteksyon ng Diyos. Sa paningin ng Diyos, lahat ng tumatanggap ng Kanyang pag-aalaga, proteksyon, at pagpeperpekto, at ang mga nakamit Niya, ay mga matuwid, at tinitingnan Niya silang lahat nang may pagtatangi. Mas tinatanggap ninyo ang mga kasalukuyang salita ng Diyos, mas magagawa ninyong tanggapin at unawain ang kalooban ng Diyos, at kaya mas maisasabuhay ninyo ang mga salita ng Diyos at matutugunan ang Kanyang mga kinakailangan. Ito ang tagubilin ng Diyos para sa inyo, at kung ano ang dapat ninyong lahat na makamtan.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Masama ay Tiyak na Parurusahan