162 Tahimik na Dumarating ang Diyos sa Gitna Natin
I
Tahimik ang Diyos at ‘di kailanman sa’tin nagpakita,
pero ‘di kailanman nahinto’ng gawain Niya.
Tinitingnan Niya lahat ng lupain,
inuutusan lahat ng bagay,
lahat ng salita’t gawa ng tao’y minamasdan.
Pamamahala Niya’y ginagawa,
hakbang-hakbang, sa plano Niya.
Tahimik, pero yapak Niya’y lumalapit sa tao.
Luklukan ng paghatol Niya’y
pinadala sa sansinukob,
kasunod ang pagbaba ng trono Niya sa gitna natin.
II
Maharlikang tanawin, marangal at kapita-pitagan.
Gaya ng kalapati’t leon, Espiritu’y dumarating.
Tunay na marunong Siya, matuwid at maharlika,
may awtoridad, puno ng pag-ibig at habag.
Pamamahala Niya’y ginagawa,
hakbang-hakbang, sa plano Niya.
Tahimik, pero yapak Niya’y lumalapit sa tao.
Luklukan ng paghatol Niya’y pinadala sa sansinukob,
kasunod ang pagbaba ng trono Niya sa gitna natin.
Pamamahala Niya’y ginagawa,
hakbang-hakbang, sa plano Niya.
Tahimik, pero yapak Niya’y lumalapit sa tao.
Luklukan ng paghatol Niya’y pinadala sa sansinukob,
kasunod ang pagbaba ng trono Niya sa gitna natin,
kasunod ang pagbaba ng trono Niya sa gitna natin,
sa gitna natin.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 4: Mamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo