1015 Ang Pinakadakilang Pagpapala na Ipinagkakaloob ng Diyos sa Tao
Ⅰ
Sa kaganapan ng salita ng Diyos, kaharia’y nagkakahubog.
Sa pagbabalik ng tao sa normal, kaharian ng Diyos narito.
Mga tao ng Diyos sa kaharian,
babawiin n’yo buhay na laan sa sangkatauhan.
Ngayon, namumuhay kayo sa harap ng Diyos;
bukas, mamumuhay kayo sa Kanyang kaharian.
Lahat ng lupain punô ng sigla’t galak.
Kaharian ng Diyos narito sa lupa.
Kaharian ng Diyos narito sa lupa.
Ⅱ
Nagyeyelo’ng taglamig napalitan
ng mundo na tagsibol buong-taon,
kung kelan ‘di na haharapin ng tao
ang hirap o pagdurusa ng mundo.
Wala ng labanan ng mga tao,
mga bansa’y wala nang digmaan.
Wala nang patayan, wala nang dugo.
Bukas, mamumuhay kayo sa Kanyang kaharian.
Lahat ng lupain punô ng sigla’t galak.
Kaharian ng Diyos ay narito,
kaharian ng Diyos narito sa lupa.
Ⅲ
Diyos gumagalaw dito sa buong mundo,
nagtatamasa mula sa Kanyang trono.
Namumuhay Siya sa gitna ng mga bit’win,
mga anghel umaawit’ sumasayaw sa Kanya.
Mga anghel ‘di na umiiyak sa kahinaan nila.
Mga anghel ay nag-aawitan at nagsasayawan para sa Kanya.
Di na kailanman maririnig ng Diyos iyak ng mga anghel.
Mga anghel ay nag-aawitan at nagsasayawan para sa Kanya.
Ⅳ
Wala nang dadaing sa mga paghihirap.
Ngayon, namumuhay kayo sa harap ng Diyos;
bukas, mamumuhay kayo sa Kanyang kaharian.
Di ba ito pinakadakilang pagpapala
na ibinigay Niya sa tao?
Mga tao ng Diyos sa kaharian,
babawiin n’yo buhay na laan sa sangkatauhan.
Ngayon, namumuhay kayo sa harap ng Diyos;
bukas, mamumuhay kayo sa Kanyang kaharian.
Lahat ng lupain punô ng sigla’t galak.
Kaharian ng Diyos narito sa lupa.
Kaharian ng Diyos narito sa lupa.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 20