5 Makapangyarihang Diyos ay Nagpakita sa Silangan ng Mundo
Ⅰ
Nagbalik ang Tagapagligtas sa isang puting ulap
bilang ang Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw.
Ipinapahayag Niya ang katotohanan upang hatulan at linisin ang tao,
pinapapasok ang Kapanahunan ng Kaharian.
Nagsisimula ang paghatol sa bahay ng Diyos,
ihinahayag ang matuwid na disposisyon ng Diyos.
Puno ng galit at karingalan,
nagpapakita Siya sa Silangan.
Makapangyarihang Diyos ay Nagpakita sa Silangan ng mundo.
Ⅱ
Tayo ay mga inapo ng malaking pulang dragon,
mapalad na maitaas sa harap ng Diyos.
Ang pagkakamit ng kaligtasan sa mga huling araw
ay tunay na pagdakila at biyaya Niya.
Sino ang mas mapalad o pinagpala kaysa sa atin?
Iniangat tayo ng Diyos mula sa tumpok ng dumi,
at inililigtas Niya tayo mula sa impluwensya ni Satanas.
Makapangyarihang Diyos ay nagpakita sa Silangan ng mundo.
Ⅲ
Napakabihira ng pagkakatawang-tao ng Diyos,
dumarating Siya nang Siya Mismo upang gumawa at mamuno.
Tinatamasa natin ang mga salita ng Diyos sa bawat araw.
Sa pag-unawa ng katotohanan, palagay ang ating mga espiritu.
Tinatanggap ang paghatol, harapan sa Diyos,
nilinis ang katiwalian, tayo ay may wangis ng tao.
Ang pagsunod sa Diyos at pagpapatotoo sa Kanya
ang ating pinakamalaking biyaya.
Makapangyarihang Diyos ay nagpakita sa Silangan ng mundo.
Ⅳ
Ang mga salita ng Diyos ay may kapangyarihan at awtoridad,
lumulupig ang mga ito at gumagawa ng mga mananagumpay.
May malaking impluwensiya ang katotohanan sa mundo,
at tiyak na dumating na ang mga araw ng Diyos.
Sinisira ng malalaking sakuna ang lumang mundo,
inihayag ang katuwiran ng Diyos.
Pinuksa ang lahat ng masasamang puwersa,
dumarating sa mundo ang kaharian ng Diyos.
Makapangyarihang Diyos ay nagpakita sa Silangan ng mundo.
Makapangyarihang Diyos ay nagpakita sa Silangan ng mundo.