1030 Kapag Pumapasok ang Sangkatauhan sa Walang-Hanggang Hantungan

‘Pag tao’y pumapasok

sa walang-hanggang hantungan,

siya’y sasamba sa Lumikha.

At dahil tao’y nakamit na’ng

walang hanggang kaligtasan,

siya’y wala nang hahangarin,

at ‘di matatakot mabitag ni Satanas.


I

Malalaman ng tao’ng lugar niya.

Tungkulin niya’y gagawin,

kahit ‘di man husgahan.

Lahat ay likha lang ng Diyos,

walang anumang ranggo.

Bawat isa’y gagampanan ang tungkulin niya.

Bawat isa’y gagampanan ang tungkulin niya.


Tao’y mabubuhay pa rin

sa isang maayos na mundong

angkop sa mga tao.

Gagawin niya’ng tungkulin

upang sambahin ang Lumikha

bilang sangkatauhan ng walang-hanggan.


II

Tao’y magkakamit ng buhay

sa liwanag ng Diyos,

sa pangangalaga’t proteksyon Niya,

kasama ang Diyos, kasama ang Diyos.

Tao’y hahantong sa maayos na buhay sa lupa,

at papasok sa tamang landas.


Anim-na-libong taong plano

ng pamamahala ng Diyos

ang tatalo kay Satanas.

‘Pag gawaing ito’y natapos saka lang

magsisimula ang buhay ng tao sa mundong ito,

magsisimula ang buhay ng tao sa mundong ito.


Sa gayon lang tao’y magkakaro’n

ng magandang buhay.

Mababawi ng Diyos ang orihinal na layunin Niya

para sa paglikha ng tao

at orihinal na wangis ng tao,

at orihinal na wangis ng tao.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan

Sinundan: 1029 Isang Ilog ng Tubig ng Buhay

Sumunod: 1 Bumababa ang Anak ng Tao sa Lupa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito