1 Bumababa ang Anak ng Tao sa Lupa

Dumarating mula sa Silangan ang kidlat, nagniningning sa Kanluran.

Bumaba na sa lupa ang Anak ng tao.

Diyos na nagkatawang-tao, nagpapakita, gumagawa sa Tsina,

Siya ang Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw.

Nagpahayag Siya ng mga katotohanan, niyayanig ang bawat bansa.

Nagsisimula ang gawain ng paghatol sa Sambahayan ng Diyos.

Ang Kanyang mga salita ay may awtoridad, nilulupig ang puso ng lahat.

Ganap na napaniwala, yumuyuko sila sa pagsamba.

Nakaupo ang Makapangyarihang Diyos sa Kanyang luklukan ng kaluwalhatian.

Ang Anak ng tao ay nagpakita at gumawa,

niyayanig ang bawat bansa sa lupa.

Lumalaganap ang mga salita ng Diyos sa mundo,

may tunog ng trumpeta ng Kapanahunan ng Kaharian

na narinig sa buong mundo.


Ang Anak ng tao ay nangugusap at lumalakad sa gitna ng mga iglesia,

ang Kanyang mga salita at gawain ay nasa gitna natin.

Bawat isa sa atin ay pinapastol, dinidiligan ng Diyos,

kinakain at iniinom ang Kanyang mga salita, harap-harapan sa Kanya.

Ang mga salita ng paghatol ng Diyos ay tulad ng espadang may dalawang talim,

inilalantad at hinihimay ang katotohanan ng katiwalian ng tao.

Ang paghatol at pagkastigo ay nililinis

ang ating katiwalian at paghihimagsik,

lubos na inililigtas tayo mula sa mga puwersa ni Satanas.

Nakamit natin ang katotohanan at buhay, naghahandog tayo ng mga papuri sa Diyos.

Ang Anak ng tao ay nagpakita at gumawa,

niyayanig ang bawat bansa sa lupa.

Lumalaganap ang mga salita ng Diyos sa mundo,

may tunog ng trumpeta ng Kapanahunan ng Kaharian

na narinig sa buong mundo.


Ang Makapangyarihang Diyos ay ipinahahayag ang mga katotohanan upang hatulan at linisin ang tao.

Nakagawa Siya ng isang grupo ng mga mananagumpay sa Tsina.

Sa pagtalo kay Satanas, nakakamit ng Diyos ang kaluwalhatian.

Isa-isang natutupad ang Kanyang mga salita.

Ang Anak ng tao ay nagpakita at gumawa,

niyayanig ang bawat bansa sa lupa.

Lumalaganap ang mga salita ng Diyos sa mundo,

may tunog ng trumpeta ng Kapanahunan ng Kaharian

na narinig sa buong mundo, na narinig sa buong mundo.

Ang mga trumpeta ng mga anghel, ang mga awit ng mga anghel,

lahat ng ito ay nagsisilbing luwalhatiin ang Diyos.

Ang Makapangyarihang Diyos ay maghahari sa lupa

hanggang sa kawalang-hanggan, hanggang sa kawalang-hanggan.

Sinundan: 1030 Kapag Pumapasok ang Sangkatauhan sa Walang-Hanggang Hantungan

Sumunod: 2 Ang Anak ng Tao’y Nagpakita Na

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito