189 Sa Pamamagitan Lamang ng Paggawa sa Katawang-tao Makakamit ng Diyos ang Sangkatauhan
I
Sa salita ng praktikal na Diyos,
mga kahinaa’t paghihimagsik ng tao’y
hinahatula’t ibinubunyag.
Saka makatatanggap ang tao
ng kinakailangan nila.
Makikita nilang ang Diyos,
dumating na sa mundo ng tao.
Gawain ng praktikal na Diyos
ay naglalayong iligtas ang lahat
mula sa impluwensya ni Satanas,
iligtas sila mula sa karumihan,
mula sa kanilang disposisyong
ginawang tiwali ni Satanas.
Ang pagiging nakamit ng Diyos
ay pagsunod sa Kanyang halimbawa
bilang perpektong huwaran ng tao.
Tularan ang praktikal na Diyos,
isabuhay ang normal na pagkatao,
isagawa ang Kanyang mga salita’t hinihingi,
ganap na isagawa ang sinasabi Niya’t
kamtin ang Kanyang hiling,
tapos ika’y makakamit ng Diyos.
II
Diyos ay nagkatawang-tao, tinutulutang
makita ng tao’ng Kanyang mga gawa.
Espiritu Niya’y nagkatawang-tao,
upang Diyos ay mahipo ng tao,
upang makita nila ang Diyos at makilala Siya.
Sa gan’tong praktikal na paraan lang
ginagawang ganap ng Diyos ang tao.
Yaong may kakayahang manguna
sa kanilang buhay ayon sa Kanya
at sundin ang Kanyang puso,
sila’ng mga nakamit ng Diyos.
Ang pagiging nakamit ng Diyos
ay pagsunod sa Kanyang halimbawa
bilang perpektong huwaran ng tao.
Tularan ang praktikal na Diyos,
isabuhay ang normal na pagkatao,
isagawa ang Kanyang mga salita’t hinihingi,
ganap na isagawa ang sinasabi Niya’t
kamtin ang Kanyang hiling,
tapos ika’y makakamit ng Diyos.
III
Kung ang Diyos ay nagsalita lang mula sa langit
at ‘di pumarito sa lupa,
pa’no Siya makikilala ng mga tao?
Sa hungkag na salita lang
upang ipangaral ang Kanyang gawa,
ngunit ‘di salita Niya bilang realidad.
Dumating ang Diyos bilang huwaran,
upang tao’y makita’t mahipo Siya,
at sila’y makamit ng Diyos.
Ang pagiging nakamit ng Diyos
ay pagsunod sa Kanyang halimbawa
bilang perpektong huwaran ng tao.
Tularan ang praktikal na Diyos,
isabuhay ang normal na pagkatao,
isagawa ang Kanyang mga salita’t hinihingi,
ganap na isagawa ang sinasabi Niya’t
kamtin ang Kanyang hiling,
tapos ika’y makakamit ng Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo