887 Ang Diyos ay Tahimik na Nagbibigay sa Lahat
Ⅰ
Ang Diyos ay nagbibigay
ng mga pangangailangan ng lahat ng tao,
sa bawat lugar, sa lahat ng oras.
Pinagmamasdan Niya’ng lahat ng kanilang iniisip,
kung paano dumaan sa pagbabago ang kanilang mga puso.
At binibigyan Niya sila ng kaginhawaan na kailangan nila,
pinasisigla at ginagabayan sila.
Para sa isang nagmamahal na sa Kanya,
para sa isang sumusunod, walang ipagkakait ang Diyos,
lahat ng Kanyang pagpapala ay ilalahad.
Nagbibigay Siya ng biyaya sa kanilang lahat,
at ang Kanyang awa ay dumadaloy nang malawak.
Anong nasa Kaniya at kung ano Siya,
nagbibigay Siya nang walang pasubali.
Ⅱ
Bagaman binabalewala ng tao ang Kanyang iniisip,
pinapatnubayan pa rin sila ng Diyos sa liwanag,
nagtutustos at tumutulong sa kanila,
at hinihiling na sundin ang Kanyang landas,
upang maaaring matanggap nila mula sa Kanyang kamay
ang pinakamagandang kapalaran na binalak.
Para sa isang nagmamahal sa Kanya,
para sa isang sumusunod, walang ipagkakait ang Diyos,
lahat ng Kanyang pagpapala ay ilalahad.
Nagbibigay Siya ng biyaya sa kanilang lahat,
at ang Kanyang awa ay dumadaloy nang malawak.
Anong nasa Kaniya at kung ano Siya,
nagbibigay Siya nang walang pasubali.
Ⅲ
Hindi kailanman naibunyag ng Diyos
ang lahat ng sakit na tinitiis Niya,
o ang kalagayan ng Kanyang sariling pag-iisip.
Walang naririnig na reklamo,
kapag walang nagmamalasakit o umiintindi.
Naghihintay lamang ang Diyos
hanggang isang araw sila ay magising.
Para sa isang nagmamahal na sa Kanya,
para sa isang sumusunod, walang ipagkakait ang Diyos,
lahat ng Kanyang pagpapala ay ilalahad.
Nagbibigay Siya ng biyaya sa kanilang lahat,
at ang Kanyang awa ay dumadaloy nang malawak.
Anong nasa Kaniya at kung ano Siya, nagbibigay Siya nang
at kung ano Siya, nagbibigay Siya nang
at kung ano Siya, nagbibigay Siya nang walang pasubali.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I