1029 Isang Ilog ng Tubig ng Buhay

1 Ang isang ilog ng tubig ng buhay, na maningning na gaya ng kristal, na umaagos sa luklukan ng Diyos at ng Cordero. At sa alinmang dako ng ilog ay naroon ang punong kahoy ng buhay, na namumunga ng labindalawang iba’t ibang bunga, na namumunga sa bawa’t buwan: at ang mga dahon ng punong kahoy ay pampagaling sa mga bansa. At hindi na magkakaroon pa ng sumpa. At ang luklukan ng Diyos at ng Cordero ay nasa bayan at Siya’y paglilingkuran ng Kaniyang mga alipin. At makikita nila ang Kaniyang mukha, at ang Kaniyang pangalan ay sasakanilang mga noo. At hindi na magkakaroon pa ng gabi, at sila’y hindi nangangailangan ng liwanag ng ilawan, ni ng liwanag man ng araw, sapagka’t liliwanagan sila ng Panginoong Diyos. Sila’y maghahari magpakailan at kailanman.

2 Ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Diyos, Narito, ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao. Siya’y mananahan sa kanila, at sila’y magiging mga bayan Niya, Ang Diyos Mismo ay sasakanila, at magiging Diyos nila. At papahirin ng Diyos ang bawa’t luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan, hindi na magkakaroon pa ng dalamhati o ng pananaghoy man, o ng hirap pa man, dahil ang mga bagay nang una ay naparam na. Ang nauuhaw ay Aking paiinuming walang bayad sa bukal ng tubig ng buhay. Ang magtagumpay ay magmamana ng lahat ng bagay; at Ako’y magiging Diyos niya, at siya’y magiging anak Ko.

3 Ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat at ang Cordero ay Siyang templo ng bayan. Ang bayan ay hindi nangangailangan ng araw, o ng buwan man, upang lumiwanag sa kaniya, sapagka’t ito’y nililiwanagan ng kaluwalhatian ng Diyos, at ang ilaw doon ay ang Cordero. At ang mga bansa ay lalakad sa pamamagitan ng liwanag nito, at ang mga hari sa lupa ay mangagdadala ng kanilang karangalan sa loob niyaon. Ang mga pintuan niyaon ay hindi ilalapat kailanman sa araw, sapagka’t hindi magkakaroon doon ng gabi. Dadalhin nila sa loob niyaon ang karangalan at kapurihan ng mga bansa. Hindi papasok doon sa anumang paraan ang anumang bagay na karumaldumal, o siyang gumagawa ng kasuklamsuklam at ng kasinungalingan, kundi yaon lamang na mga nakasulat sa aklat ng buhay ng Cordero.

4 Ang kidlat ay nagmumula sa Silangan at kumikislap sa Kanluran. Ang Cristo ng mga huling araw—Makapangyarihang Diyos—ay dumating na sa mga tao upang ipahayag ang katotohanan, at ang Salita ay nagpakita sa katawang-tao. Lahat ng tao’y bumalik sa harap ng trono ng Diyos upang tanggapin ang pagsasanay at pagperpekto ng kaharian. Ang Cristo ng mga huling araw ay nagdala ng daan ng walang-hanggang buhay. Ang mga tao ng Diyos ay humaharap sa Diyos sa araw-araw, at tinatamasa ang walang katulad na tamis ng Kanyang mga salita. Tulad ng matalas na espadang may dalawang talim, ang mga salita ng paghatol ay nililinis at nagdadala ng kaligtasan sa sangkatauhan. Ang paghatol ay nagsimula na sa bahay ng Diyos; ang telon ay umangat na sa paghatol ng mga huling araw. Sinasamba ng lahat ng tao ng Diyos ang pangalan ng Makapangyarihang Diyos bilang banal. Natamo na Niya ang kaharian at pumarito sa lupa. Ang dakilang gawain ng Diyos ay nakumpleto na, at Siya ay lubos na naluwalhati.

Hango sa Aklat ng Pahayag sa Biblia

Sinundan: 1028 Ang Buhay sa Kapahingahan

Sumunod: 1030 Kapag Pumapasok ang Sangkatauhan sa Walang-Hanggang Hantungan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

85 Kasama Ka Hanggang Wakas

ⅠNagpapaanod ako’t nilalakbay ang mundo,pakiramdam ay wala sa sarili at sa loob ay walang-kakayanan.Ginising ng Iyong mga malalambing na...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito