276 Magbigay-pansin sa Kapalaran ng Sangkatauhan
Ⅰ
Hinihimok ng Diyos ang mga tao ng lahat ng mga etniko,
lahat ng mga bansa at maging mga industriya:
Makinig sa tinig ng Diyos at tingnan ang Kanyang gawain;
bigyang pansin ang kapalaran ng sangkatauhan;
gawing pinakabanal at marangal ang Diyos,
ang pinakamataas at tanging bagay para sa pagsamba;
pahintulutan ang buong sangkatauhan na mabuhay sa ilalim
ng pagpapala ng Diyos, tulad ng mga inapo ni Abraham
ay namuhay sa ilalim ng pangako ni Jehova,
tulad ng nilikha ng Diyos na sina Adan at Eva
ay nanirahan sa Hardin ng Eden.
Ⅱ
Ang gawain ng Diyos ay tulad ng napakalakas na alon;
walang makakaantala sa Kanya
o makapagpapatigil sa Kanyang mga paa.
Sa pamamagitan lamang ng pakikinig
sa Kanyang salita at paghahanap sa Kanya
maaaring masundan ang Kanyang mga yapak
at matanggap ang pangako.
Ang lahat ng iba pa ay dapat harapin ang ganap na paglipol
at tanggapin ang nararapat na kaparusahan.
Hinihimok ng Diyos ang mga tao ng lahat ng mga etniko,
lahat ng mga bansa at maging mga industriya:
Makinig sa tinig ng Diyos at tingnan ang Kanyang gawain;
bigyang pansin ang kapalaran ng sangkatauhan.
Magbigay-pansin sa kapalaran ng sangkatauhan.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan