558 Unawain ang Iyong Sarili Ayon sa mga Salita ng Diyos
1 Ang mga tao ay may lubhang napakababaw na pagkaunawa sa kanilang sariling kalikasan, at may napakalaking pagkakaiba sa pagitan nito at ng mga salita ng paghatol at pahayag ng Diyos. Ang mga tao ay walang pangunahin o malaking pagkaunawa sa kanilang mga sarili; sa halip, sila ay nakatuon at naglalaan ng kanilang lakas sa kanilang mga pagkilos at panlabas na mga pagpapahayag. Kahit may nagsabi ng isang bagay paminsan-minsan tungkol sa pagkaunawa sa kanyang sarili, hindi ito magiging napakalalim. Walang sinuman ang kailanma’y nag-isip na siya ay ganitong uri ng tao o may ganitong uri ng kalikasan sanhi ng pagkakagawa ng ganitong uri ng bagay o pagkakabunyag ng isang bagay. Naibunyag ng Diyos ang likas na pagkatao at diwa ng sangkatauhan, subali’t nauunawaan ng mga tao na ang kanilang paraan nang paggawa ng mga bagay-bagay at kanilang paraan ng pananalita ay may kapintasan at depektibo; samakatuwid, isang nakapapagod na gawain para sa mga tao na isagawa ang katotohanan.
2 Iniisip ng mga tao na ang kanilang mga pagkakamali ay pansamantalang mga pagpapakita lamang na nabubunyag nang walang ingat sa halip na pagiging mga kapahayagan ng kanilang kalikasan. Ang mga taong ganito kung mag-isip ay hindi maaaring isagawa ang katotohanan, dahil hindi nila matanggap ang katotohanan bilang katotohanan at hindi sila nauuhaw sa katotohanan; samakatuwid, kapag isinasagawa ang katotohanan, sila ay basta sumusunod lamang sa mga tuntunin. Hindi itinuturing ng mga tao na lubhang tiwali ang kanilang sariling likas na pagkatao, at naniniwala na hindi naman sila ganoon kasama para puksain o parusahan. Iniisip nila na maliit na bagay lamang ang magsinungaling paminsan-minsan, at itinuturing nila ang kanilang sarili na mas mabuti kaysa rati; subali’t, sa katunayan, napakalayo nila sa pag-abot sa pamantayan, sapagka’t ang mga tao ay mayroon lamang ilang mga pagkilos na sa panlabas ay hindi lumalabag sa katotohanan, kapag hindi nila aktwal na isinasagawa ang katotohanan.
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi