281 Hindi Mapipigilan ng Sangkatauhan ang Kanilang Sariling Kapalaran
Ⅰ
Sa’n sa mundo ka pupunta araw-araw?
Ano’ng sasabihi’t gagawin mo?
Sino o ano ang ‘yong makakatagpo?
Maaari mo bang mahulaan?
Alam mo ba’ng mangyayari?
Kaya mo ba ‘tong kontrolin?
Hindi mo kaya, ‘di mo makikita.
Maraming nangyayaring ‘di tulad ng ‘yong inaasahan.
‘Di mapipigilan ng tao ang kanilang kapalaran.
Mula sa walang halaga hanggang sa kapalaran ng buhay.
Wala sa mundo na ‘di ‘binubunyag
mga plano at soberanya ng Lumikha,
at Kanyang awtoridad ay ‘di maaaring higitan,
sukdulan ang Kanyang awtoridad. Ito’y walang hanggan.
‘Di mapipigilan ng tao ang kanilang kapalaran.
Ⅱ
Ang pang-araw-araw na pangyayari,
o ang disenyo nito ay laging
nagpapaalala sa sangkatauhan
na walang sapalarang nangyayari,
na ang mga ‘di maiwasang pangyayari
ay hindi mababago ng tao.
Malayo sa kanilang kakayahan.
‘Di mapipigilan ng tao ang kanilang kapalaran.
Wala sa mundo na ‘di ‘binubunyag
mga plano at soberanya ng Lumikha,
at Kanyang awtoridad ay ‘di maaaring higitan,
sukdulan ang Kanyang awtoridad. Ito’y walang hanggan.
‘Di mapipigilan ng tao ang kanilang kapalaran.
Ⅲ
Bawa’t pangyayari ay naghahatid
ng babala mula sa Lumikha.
Ito’y may mensaheng ‘di mapipigilan
ng tao ang kanilang kapalaran.
At ang bawa’t kaganapan
ay salungat sa ambisyon ng tao,
walang saysay at mapusok,
at sabik na pamahalaan ang sariling buhay.
‘Di mapipigilan ng tao ang kanilang kapalaran.
Ito’y malalakas na sampal
sa sangkatauhan, isa-isa, isa-isa.
Ito’y malalakas na sampal sa sangkatauhan,
pumipilit sa kanila na muling isipin
kung sino’ng mamumuno sa kanilang tadhana,
at sino ang susupil nito sa huli.
Kanilang hangari’y paulit-ulit nasisira.
Mga ambisyon ay nabibigo.
Walang malay nilang tinatanggap
ang kapalaran at lahat ng realidad.
Walang malay nilang tinatanggap ang kalooban
ng Langit at ang soberanya ng Lumikha.
Wala sa mundo na ‘di ‘binubunyag
mga plano at soberanya ng Lumikha,
at Kanyang awtoridad ay ‘di maaaring higitan,
sukdulan ang Kanyang awtoridad. Ito’y walang hanggan.
‘Di mapipigilan ng tao ang kanilang kapalaran.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III