774 Ang mga Pagpapahayag ni Pedro ng Pag-ibig sa Diyos

Anumang bagay sa buhay ni Pedro

na ‘di kinalugdan ng Diyos ay bumagabag sa kanya.

Kung ‘di nalugod ang Diyos, siya’y taos na magsisisi,

naghahanap ng paraan na mabigyang-kasiyahan ang Diyos.

Sa pinakamaliliit mang bagay sa buhay ni Pedro,

inaring tungkulin n’yang tugunan ang nais ng Diyos,

walang kaluwagan sa dati n’yang disposisyon,

sarili’y inuutusang mas lumalim sa katotohanan.

Ito ma’y pagkastigo, paghatol,

o matinding kahirapan, makakamit mo

ang pagsunod hanggang kamatayan.

At dapat itong makamit ng isang nilalang ng Diyos.

Ito ang kalinisan ng pag-ibig ng Diyos.

Ito ang kalinisan ng pag-ibig ng Diyos.


Minahal ni Pedro ang Diyos

sa puntong kinailangan ng Diyos.

Ang gayong tao lang ang makapagpapatotoo.

Sa paniniwala niya’y, hangad ni Pedrong

laging mapasaya ang Diyos,

sinusunod ang lahat ng nagmula sa Diyos,

nang walang reklamo,

tinatanggap ang pagkastigo at paghatol,

kadalisayan, kasalata’t matinding kahirapan.

Walang makayayanig sa pag-ibig n’ya sa Diyos.

Di ba’t ito ang sukdulang pagmamahal sa Diyos?

Di ba nito tinutupad ang tungkulin

ng isang nilalang ng Diyos?

Ito ma’y pagkastigo, paghatol,

o matinding kahirapan, makakamit mo

ang pagsunod hanggang kamatayan.

At dapat itong makamit ng isang nilalang ng Diyos.

Ito ang kalinisan ng pag-ibig ng Diyos.

Ito ang kalinisan ng pag-ibig ng Diyos.

Ito ang kalinisan ng pag-ibig ng Diyos.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao

Sinundan: 773 Handa Ka bang Ibigay sa Diyos ang Pagmamahal na Nasa Puso Mo?

Sumunod: 775 Hangaring Mahalin ang Diyos Kahit Gaano Kalaki ang Iyong Pagdurusa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

966 Ang Diyos ay Matuwid Sa Lahat

IKung ang tanongay paano hanapin o tratuhin ang Diyos.Ang saloobin mo ang pinakamahalaga.Ang Diyos ay ‘di mapapabayaano maiiwan sa likod ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito