68 Ang Kaligayahan sa Mabuting Lupain ng Canaan

I

Bumalik sa pamilya ng Diyos, sabik at masaya.

Makilala Ka’y karangalan ko, puso ko’y alay sa ‘Yo tunay na Diyos,

ibinigay ko ang aking puso sa Iyo.

Lambak ng luha’y dinaanan, ngunit rikit ng Diyos ay nakita.

Pag-ibig sa Diyos lumalago, galak ko’y galing Sa ‘Yo.

Ganda ng Diyos, at likha Niya, puso’y kapit sa Kanya.

Pag-ibig ko sa Diyos di-sapat, awit sa puso ko’y umigkas.


II

Pinagpalang lupain ng Canaan, ang lahat ay sariwa, ang lahat ay may buhay.

Makapangyarihang Diyos Kanyang tinig, inakay tayo sa Kapanahunan ng Kaharian.

Sa Kanyang salita landas ay mahanap,

makikita ang landas na dapat tao’y lumakad.

Pangarap na langit ngayo’y tunay, ‘di na hahanapin, papangarapin.


III

Mga bituin sa langit ay ngumingiti sa akin, araw tumatango,

sa sikat n’ya, ula’t hamog, buhay namu’nga ng hinog.

Salita ng Diyos, malago’t mayaman, dala’y matamis na piging sa atin.

Sapát at punóng tustos ng Diyos tayo’y nasiyahan.

Lupain ng Canaan, sa mundo ng mga salita ng Diyos;

Kanyang pag-ibig ay nagdulot sa amin ng walang-hanggang kagalakan.

Samyo ng mga prutas ay pumupuno sa hangin.

Kung ika’y andirito para sa ilang araw,

ito’y mamahalin mo higit sa kahit ano.


IV

Buwang pilak kay liwanag. Ang buhay laging masaya.

Ikaw ay laging nasa puso ko, habambuhay ako’y kapiling Mo.

Puso’y laging sabik sa’Yo; kay sayang ibigin Ka araw-araw.

O sinisinta sa puso ko! Sa ‘Yong lahat pag-ibig ko.

Nag-iisa Ka sa aking puso, iyong kagandahan ay lampas sa lahat ng mga salita.

Puso’y umiibig lamang sa Iyo, di-mapigilang sa tuwa’y mapalukso.

Makita ang Diyos ng mukhaan, gaya ng isang kagalakan,

maunawaan ang kalooban ng Diyos sa Kanyang mga salita.

Malaman na tapat ang Diyos at matuwid,

disposisyon ng Diyos, masyadong kaibig-ibig.

Sinisinta ko’y kayganda! Kanyang kagandahan ay bihag ang aking puso.

Sinundan: 67 Umawit at Sumayaw sa Pagpupuri sa Diyos

Sumunod: 69 Awitin ang Iyong Taos-pusong Pagmamahal para sa Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

281 Panahon

IIsang malungkot na kaluluwa’ng naglalakbay,sinusuri’ng bukas, hinahanap nakalipas,masipag na nagsisikap,naghahangad ng isang pangarap.‘Di...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito