559 Unawain ang Iyong Tunay na mga Kalagayan Upang Unawain ang Iyong Sarili
1 Kung uunawain ng mga tao ang kanilang mga sarili, dapat nilang unawain ang tunay nilang mga katayuan. Ang pinakamahalagang aspeto ng pag-unawa sa sariling katayuan ng isa ay ang magkaroon ng pagtangan sa sariling mga kaisipan at mga ideya. Sa bawa’t sakop ng panahon, ang mga kaisipan ng mga tao ay pigil ng isang pangunahing bagay. Kung nagagawa mong kontrolin ang pag-iisip mo, nagagawa mong kontrolin ang bagay na nasa likod ng mga ito. Hindi nakokontrol ng mga tao ang mga kaisipan at ideya nila, ngunit kailangan nilang malaman kung saan nagmumula ang mga kaisipan at ideyang ito, ano ang mga motibo sa likod ng mga ito, paano nabubuo ang mga kaisipan at ideyang ito, ano ang kumokontrol sa kanila, at ano ang kalikasan nila.
2 Kapag nagbago na ang iyong disposisyon, ang iyong mga kaisipan at ideya, ang mga hangarin ng iyong puso, at mga pananaw mo tungkol sa tunguhin—na nabuo mula sa mga bahagi mo na nabago na—ay mag-iiba. Yaong mga kaisipan at ideyang nanggagaling sa mga bahagi mo na hindi pa nagbago, ang mga bagay na hindi mo malinaw na nauunawaan, at ang mga bagay na hindi mo pa napapalitan ng mga karanasan sa katotohanan ay marurumi, madudungis, at pangit. Ang mga tao ngayon, na ilang taon nang nakaranas ng gawain ng Diyos, ay may kaunting pagkaunawa at kamalayan sa mga bagay na ito. Hindi pa nauunawaan ng mga nakaranas na ng gawain ng Diyos sa loob ng maikling panahon ang mga bagay na ito. Hindi nila alam kung nasaan ang kanilang kahinaan o kung saang parte sila madaling babagsak. Hindi nila alam kung nasaan ang kanilang kahinaan o kung saang parte sila madaling babagsak.
3 Hindi ninyo alam sa kasalukuyan kung anong klaseng tao kayo, at kahit bahagyang nakikita ng ibang tao kung anong klaseng tao kayo, hindi ninyo iyon nararamdaman. Hindi ninyo malinaw na natutukoy ang mga karaniwang kaisipan o intensyon ninyo, at hindi ninyo malinaw na nauunawaan kung ano ang diwa ng mga bagay na ito. Habang lalo mong nauunawaan ang isang aspeto, lalo kang magbabago sa aspetong iyon; sa gayon, ang mga bagay na ginagawa mo ay magiging alinsunod sa katotohanan, matutugunan mo ang mga hinihingi ng Diyos, at magiging mas malapit ka sa Kanyang kalooban. Sa paghahangad lamang sa ganitong paraan ka magtatamo ng mga resulta.
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi