557 Alam Mo Ba ang Sarili Mong Kalikasan?
I
Kung ikaw ay isang taong
paikot-ikot magsalita,
gayon ikaw ay may liku-likong kalikasan.
Kung kalikasan mo’y tuso,
mapanlinlang ka sa lahat ng gawa mo,
at napakadali mo lang na malinlang ang iba.
Sinuma’y makakagamit
ng sarili nilang mga salita’t pagkilos
upang tunay na kumatawan
sa tunay nilang mukha,
at ang mukhang iyon ang nagpapakita
ng kanilang totoong kalikasan.
II
Kaaya-aya mang pakinggan
ang iyong mga salita,
ngunit ‘di maitatago sa iyong gawa
kung likas kang masama.
Kung likas ka namang tamad,
puno ka ng dahilan,
mabagal at pabaya,
bihasa sa pagtatago ng katotohanan.
Sinuma’y makakagamit
ng sarili nilang mga salita’t pagkilos
upang tunay na kumatawan
sa tunay nilang mukha,
at ang mukhang iyon ang nagpapakita
ng kanilang totoong kalikasan.
Kung likas kang maawain,
mga salita mo’y magiging makatwiran,
mga kilos mo’y maiging aayon sa katotohanan.
Kung likas kang may katapatan,
mga salita mo’y tiyak na magiging taos-puso,
mga kilos mo’y magiging mapagpakumbaba,
ganap na malaya sa anumang
maaaring magdulot ng pagkabalisa
sa ‘yong pinuno.
III
Sa likas na may pagnanasa
o gahaman sa pera,
puso mo’y kadalasang mapupuno
ng mga bagay na ito.
Sa ‘di sinasadya’y makakagawa ka
ng mga lihis at imoral na bagay
na kaiinisan ng mga tao’t
hindi nila makakalimutan.
Sinuma’y makakagamit
ng sarili nilang mga salita’t pagkilos
upang tunay na kumatawan
sa tunay nilang mukha,
at ang mukhang iyon ang nagpapakita
ng kanilang totoong kalikasan.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Napakaseryosong Problema: Pagtataksil 1