755 Yaon Lamang mga Tumatalo kay Satanas ang Maliligtas
Bago nililigtas ang mga tao,
buhay nila’y pinanghihimasuka’t
kinokontrol ni Satanas.
Mga bilanggo silang lahat dito.
I
Mga bilanggong ito, wala silang kalayaan,
‘di pa binibitawan ni Satanas,
‘di angkop o walang karapatang
sambahin ang Diyos.
Si Satanas ay laging sumusunod sa kanila.
Habang sila’y nagdurusa
sa matinding atake nito,
gan’tong tao’y wala nang kaligayahan,
walang karapatan sa normal na pag-iral,
wala ring matatawag na dangal.
Dapat kang tumindig,
makipaglaban kay Satanas,
na may pananalig, pagpapasakop,
at takot sa Diyos
bilang sandata sa isang
buhay-at-kamatayang laban.
Sa lahat ng ito’y mapapaluhod mo si Satanas.
‘Pag magawa mo’t buong matalo ito,
magawang bahag ang buntot
nito’t maging duwag,
ito’y ‘di na aatake o aakusa sa ‘yo.
Saka ka lang maililigtas, magiging malaya.
II
Kung determinado kang lumaya kay Satanas,
ngunit wala kang
mga sandatang tutulong sa ‘yo,
mananatili kang nasa panganib.
Sa paglipas ng panahon, ika’y pahihirapan,
mauubusan ng lakas,
‘di pa rin magagawang magpatotoo,
nakulong sa mga atake’t paratang nito,
‘di tuluyang napapalaya ang sarili.
Kung gayon maliit ang pag-asang maililigtas ka.
‘Pag ang katapusan ng gawain
ng Diyos ay ‘pinapahayag,
ika’y mananatili sa pagkakahawak ni Satanas,
sarili’y ‘di mapapalaya,
walang tsansa o pag-asa.
Gan’tong tao’y magiging bihag ni Satanas.
Dapat kang tumindig,
makipaglaban kay Satanas,
na may pananalig, pagpapasakop,
at takot sa Diyos
bilang sandata sa isang
buhay-at-kamatayang laban.
Sa lahat ng ito’y mapapaluhod mo si Satanas.
‘Pag magawa mo’t buong matalo ito,
magawang bahag ang buntot
nito’t maging duwag,
ito’y ‘di na aatake o aakusa sa ‘yo.
Saka ka lang maililigtas, magiging malaya.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II