754 Tanging ang mga Lubos na Nagtatagumpay kay Satanas ang Makakamit ng Diyos
Ⅰ
Si Satanas ay talo ‘pag tao’y napalaya,
hindi na nito pagkain, hindi nilamon,
sa halip ay pinakawalan.
Dahil sila ay matuwid, may pagsunod,
pananampalataya’t takot sa Diyos.
Kay Satanas humihiwalay sila nang ganap.
Dahil dala nila’y kahihiya’t
ginagawa itong duwag, tuluyang tinatalo ito.
Dahil sa kanilang pagkamasunurin at takot sa Diyos
pinakawalan sila ni Satanas.
Tanging mga taong tulad nito’ng tunay na nakamit ng Diyos.
Ito ang layunin Niya sa pagligtas sa tao.
Kung nais nilang maligtas, ganap na makamit ng Diyos,
mga tukso at paglusob dapat nilang harapin.
Silang nagtagumpay sa lahat ng ginagawa ni Satanas
at tinalo ito ang silang nailigtas ng Diyos.
Ⅱ
Silang nailigtas ng Diyos dumaan sa pagsubok Niya,
tinukso, nilusob sa maraming paraan ni Satanas.
Silang nailigtas naiintindihan kalooba’t mga hinihingi Niya,
sumusunod sa mga plano Niya’t
kayang umiwas sa masama’t matakot sa Diyos.
Nagtataglay sila ng katapatan, may kabutihan sa puso
at nakikita’ng kaibahan ng pag-ibig at poot.
May pakiramdam ng katarungan, sila ay makatwira’t
may malasakit sa Diyos at iniingatan ang galing sa Kanya.
Tanging mga taong tulad nito’ng tunay na nakamit ng Diyos.
Ito ang layunin Niya sa pagligtas sa tao.
Kung nais nilang maligtas, ganap na makamit ng Diyos,
mga tukso at paglusob dapat nilang harapin.
Silang nagtagumpay sa lahat ng ginagawa ni Satanas
at tinalo ito ang silang nailigtas ng Diyos.
Ⅲ
‘Di nakatali, pinapanood, inaakusahan,
inaabuso ni Satanas,
sila’y malaya, ganap nang napakawalan.
Tulad ni Job na maaaring ipasa ng Diyos kay Satanas,
upang siya’y makapamuhay sa kalayaan.
Tanging mga taong tulad nito’ng tunay na nakamit ng Diyos.
Ito ang layunin Niya sa pagligtas sa tao.
Kung nais nilang maligtas, ganap na makamit ng Diyos,
mga tukso at paglusob dapat nilang harapin.
Silang nagtagumpay sa lahat ng ginagawa ni Satanas
at tinalo ito ang silang nailigtas ng Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II