155 Iisa ang Diwa ng Katawang-tao ng Diyos at ng Espiritu
Katawang-tao ng Diyos
ang suot ng Espiritu Niya.
Kapwa Espiritu’t katawang-tao ng Diyos
ay banal at makapangyarihan,
pinakamataas at matuwid. Oh.
I
Magagawa lang ng katawang taong ito’y
ang makabubuti sa tao,
ang banal, matuwid at dakila.
Mga kilos Niya’y ‘di makapagtataksil
sa Espiritu ng Diyos,
ni lalabag sa katotohanan,
katarungan o moralidad.
Espiritu ng Diyos ay banal,
katawang-tao Niya’y ‘di matitiwali ni Satanas.
Katawang-tao ng Diyos
at laman ng tao’y magkaiba ng diwa.
Katawang-tao ng Diyos
ang suot ng Espiritu Niya.
Kapwa Espiritu’t katawang-tao ng Diyos
ay banal at makapangyarihan,
pinakamataas at matuwid. Oh.
II
Tao’y magagawang tiwali ni Satanas,
ngunit ‘di ang katawang-tao ng Diyos.
Kaya bagamat si Cristo’t ang tao’y
iisa’ng tinitirhan,
tao’y pinaghaharian, ginagamit,
at binibitag ni Satanas,
habang si Cristo’y ‘di tinatablan
ng katiwalian ni Satanas.
‘Pagkat ang kataas-taasang lugar
ay laging ‘di abot ni Satanas,
at kailanman ay ‘di magagawang
lumapit sa Diyos.
Katawang-tao ng Diyos
ang suot ng Espiritu Niya.
Kapwa Espiritu’t katawang-tao ng Diyos
ay banal at makapangyarihan,
pinakamataas at matuwid. Oh.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Napakaseryosong Problema: Pagtataksil 2