804 Ang Resulta ng Pagkakakilala sa Diyos

I

Isang araw, madarama mong ang Maylalang

ay ‘di palaisipan,

S’ya ay di nakatago,

‘di tinakpan ang mukha sa iyo;

S’ya ay ‘di naging malayo sa iyo;

Di na S’ya ang ‘yong hangad araw at gabi

kundi ang ‘di maabot ng damdamin mo.

S’yang tunay mong tagapagbantay sa iyong tabi,

buhay mo’y tinutustusan,

at hawak ang ‘yong kapalaran.

S’ya’y wala sa malayong abot-tanaw,

at ‘di nakatago sa ulap.

S’ya’y sa tabi mo, naghahari sa lahat sa’yo.

Siya ay ‘yong lahat at ‘yong Nag-iisa.


II

Ang gayong Diyos ay ginagawa kang sambahin S’ya,

hangaan S’ya, kumapit sa Kanya, yapusin S’ya,

pinangangambahan mong mawala,

ayaw mo nang talikuran at suwayin,

o iwasan at layuan;

S’ya’y nais mo lang kalingain, sundin,

suklian sa lahat N’yang binibigay,

magpasailalim sa Kanyang kaharian.

Ika’y ‘di na tumatanggi sa Kanyang gabay,

tustos, kalinga, at pagkanlong;

ika’y ‘di na sumasalungat

sa Kanyang paghahari at panukala.

Tanging nais mo’y sundin S’ya,

makasama S’ya;

tanggapin S’ya na iyong nag-iisang buhay,

nag-iisang Panginoon at Diyos.


Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Paunang Salita

Sinundan: 803 Kapag Nakilala Mo ang Diyos, Saka Mo Lamang Siya Tunay na Masasamba

Sumunod: 805 Yaon Lamang mga Nakakakilala sa Diyos ang Makapagpapatotoo sa Kanya

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito