284 Paano Nagsisimula ang Pasakit ng Sangkatauhan?

I

Dahil tao’y ‘di kinikilala’ng soberanya ng Diyos,

sila’y mapanghimagsik at tumatanggi sa kapalaran,

umiiwas sa kapalaran nila’t sa awtoridad ng Diyos,

umaasang mabago’ng kalagayan, kapalaran,

ngunit nabibigo.


‘Di sila magtatagumpay, sila’y laging matatalo.

Itong kinakaharap nilang paglalaban sa kaluluwa

ay nagdudulot ng kirot na tagos sa buto,

habang unti-unting inaaksaya’ng buhay nila.


Ano’ng sanhi ng kirot ng tao?

Ito’y dahil sa landas na tinatahak

at mga pagpiling ginagawa nila

sa kung pa’no sila namumuhay.


II

Trahedya ng tao’y ‘di hangad niyang

mamuhay nang masaya,

o paghahanap ng katanyaga’t yaman

at paglaban sa kapalaran.

Ito’y nakita niyang tunay ang Diyos

at namumuno sa tadhana ng tao

ngunit ‘di pa rin niya maiwasto’ng nakagawian.


Mas nais niyang makipagtunggali

sa soberanya ng Diyos

at sumuko lang ‘pag wasak na.

Matalino ang mga nagpapasakop, sabi ng Diyos,

yaong mga nakikipagbuno’y hangal.


Ano’ng sanhi ng kirot ng tao?

Ito’y dahil sa landas na tinatahak

at mga pagpiling ginagawa nila

sa kung pa’no sila namumuhay.


Ang ilan ay maaaring ‘di napagtanto.

Ngunit ‘pag nauunawaan mo,

‘pag tunay mong kinikilalang

Diyos ang namumuno sa kapalaran ng tao,

‘pag nakikita mo’ng pinlano Niya sa’yo’y

malaking tulong at proteksyon,

unti-unting mapapawi ang kirot mo,

buong pagkatao mo’y magiging malaya.


Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III

Sinundan: 283 Buhay ng Tao’y Lubusang Nasa Ilalim ng Kataas-taasang Kapangyarihan ng Diyos

Sumunod: 285 Pinupuno ng Pagdurusa ang mga Araw na Wala ang Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

85 Kasama Ka Hanggang Wakas

ⅠNagpapaanod ako’t nilalakbay ang mundo,pakiramdam ay wala sa sarili at sa loob ay walang-kakayanan.Ginising ng Iyong mga malalambing na...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito