756 Talunin ng Katotohanan si Satanas Upang Makamit ng Diyos

Sa panahon ng pagtutustos at suporta ng Diyos,

sinasabi Niya sa tao’ng kalooban at hinihingi Niya.

‘Pinapakita Niya’ng mga gawa’t disposisyon Niya,

kung ano’ng mayro’n Siya’t kung ano Siya sa tao.


I

Ang layuni’y upang tao’y mabigyan ng tayog,

upang makamit niya’ng katotohanan

habang sumusunod sa Diyos.

Katotohanang ‘to’y sandatang

bigay ng Diyos sa tao,

mga sandata para sa laban kay Satanas.


‘Pag may mga sandata

tao’y dapat humarap sa mga pagsubok Niya.

Maraming paraan ang Diyos

ng panunubok sa tao,

ngunit bawat isa’y kailangan ng “tulong”

kay Satanas, ang kaaway ng Diyos.


Kung tao’y kaya mang iligtas o hindi’y

nagdedepende kung kaya niyang

talunin si Satanas;

kung tao’y kaya mang makamit

ang kalayaan o hindi’y

nagdedepende kung kaya niyang

gamitin ang sandata

upang pagtagumpayan

ang pagkakabihag ni Satanas,

nang ito’y mawalan ng pag-asa’t

iwan siyang mag-isa.

Oh, oh, oh.


II

Pagkatapos bigyan ang tao ng mga sandata,

‘binibigay ng Diyos ang tao kay Satanas.

Pinapayagan Niya ‘tong

subukin ang tayog ng tao

upang makita kung tao’y

kayang tumakas sa bitag nito.


Kung siya’y makakatakas sa paglusob nito’t

mabubuhay pa rin,

siguradong tao’y makakapasa na sa pagsubok.

Ngunit kung tao’y nabibigong pagtagumpayan ito,

nagpapasakop kay Satanas, siya’y mabibigo na.


Anuman ang sinusuri ng Diyos sa tao,

ang pamantayan sa pagsubok Niya’y ang makita

kung tao’y naninindigan sa patotoo niya

‘pag siya’y inaatake ni Satanas,

o kung tinalikdan na niya ang Diyos at sumuko na

habang siya’y nabibitag ni Satanas.


Kung tao’y kaya mang iligtas o hindi’y

nagdedepende kung kaya niyang

talunin si Satanas;

kung tao’y kaya mang makamit

ang kalayaan o hindi’y

nagdedepende kung kaya niyang

gamitin ang sandata

upang pagtagumpayan

ang pagkakabihag ni Satanas,

nang ito’y mawalan ng pag-asa’t

iwan siyang mag-isa.


Kung nawawalan ng pag-asa si Satanas

at pinapalaya ang tao,

ibig sabihin ‘di nito makukuha’ng tao

mula sa Diyos,

hinding-hindi ito muling magpaparatang,

manghihimasok,

hinding-hindi pahihirapan o aatakihin siya.

Gan’tong tao lang ang makakamit na ng Diyos.

Ito ang prosesong nakakamit ng Diyos ang tao.


Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II

Sinundan: 755 Yaon Lamang mga Tumatalo kay Satanas ang Maliligtas

Sumunod: 757 Ang Babala ng Patotoo ni Job sa mga Susunod na Henerasyon

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

966 Ang Diyos ay Matuwid Sa Lahat

IKung ang tanongay paano hanapin o tratuhin ang Diyos.Ang saloobin mo ang pinakamahalaga.Ang Diyos ay ‘di mapapabayaano maiiwan sa likod ng...

610 Tularan ang Panginoong Jesus

ⅠTinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,ang pagtubos sa lahat ng taosa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N’ya,nang walang pansariling layunin...

281 Panahon

IIsang malungkot na kaluluwa’ng naglalakbay,sinusuri’ng bukas, hinahanap nakalipas,masipag na nagsisikap,naghahangad ng isang pangarap.‘Di...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito