399 Ang Landas ng Pananalig sa Diyos ay ang Landas ng Pag-ibig sa Kanya

Ang pananalig sa Diyos ay pagmamahal sa Kanya.

Kung nananalig ka, dapat mahalin mo Siya.


Pag-ibig sa Diyos ay di pagsukli lang,

ni dahil sa konsensiya,

kundi wagas na pag-ibig sa Diyos.

Konsiyensya’y di pupukaw ng pag-ibig.

Pag nadama mong kaibig-ibig Siya,

espiritu mo’y inaantig Niya,

konsiyensya mo’y gagana.

Pag-ibig na totoo nagmumula sa puso.

Diyos ay mamahalin mo pag Siya ay kilala mo.


Pag tao’y inantig ng Diyos, pag puso’y nakaalam,

mamahalin nila ang Diyos nang may konsiyensya

matapos ‘tong maranasan.

Dikta ng konsiyensya ay di mali, ngunit mababaw,

biyaya ng Diyos binibigyang-hustisya lang,

ngunit di mapipilit pagpasok ng tao.

Pag-ibig na totoo nagmumula sa puso.

Diyos ay mamahalin mo pag Siya’y kilala mo.


‘Pag Espiritu’y gumana, at pag-ibig ng Diyos ay nadama,

pag Diyos ay kilala nila, tunay nilang mamahalin Siya.

Pag nakita nilang Diyos, ay dapat na mahalin,

dahil kaibig-ibig Siya, mamahalin nila Siya.

Pag-ibig na totoo nagmumula sa puso.

Diyos ay mamahalin mo pag Siya’y kilala mo.


Yaong di makaunawa sa Diyos,

mamahalin lang ang Diyos

ayon sa pagkaunawa’t gusto nila;

di taos-puso, di totoo.

Pag Diyos ay naunawaan niya,

puso’y bumaling na sa Kanya.

Pagmamahal sa puso niya, tunay at wagas.

Siya lamang ang tao na ang Diyos ay nasa puso.

Pag-ibig na totoo nagmumula sa puso.

Diyos ay mamahalin mo pag Siya ay kilala mo.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tunay na Pag-ibig sa Diyos ay Kusa

Sinundan: 398 Dapat Mong Hangaring Mahalin ang Diyos sa Iyong Paniniwala

Sumunod: 400 Ang Paghahangad na Dapat Sundin ng mga Mananampalataya

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito