398 Dapat Mong Hangaring Mahalin ang Diyos sa Iyong Paniniwala

I

Ang paggamit ng Diyos sa ‘yo’y higit pa sa

pagpipino o pagdusahin ka.

Tinutulutan ka nitong malaman ang

kahulugan ng buhay at mga gawa ng Diyos,

na paglilingkod sa Diyos ay ‘di madali.

Ang pagdanas sa gawain ng Diyos ay ‘di lang

upang matamasa’ng biyaya Niya

kundi’ng magdusa sa pagmamahal sa Kanya.

Danasin ang lahat ng panig:

biyaya’t pagkastigo Niya,

kaliwanagan at paghatol Niya.


Mga naglilingkod sa Diyos ay ‘di lang dapat

malaman kung pa’no magdusa para sa Kanya,

kundi pati na rin ang paniniwala nila sa Kanya’y

upang hangarin nilang mahalin Siya.


Paniniwala sa Diyos ay upang mapalugod Siya’t

maisabuhay ang disposisyong hinihingi Niya.

Sa gayon ang kilos

at kaluwalhatian Niya’y maipamalas

sa mga ‘di karapat-dapat na taong ‘to.

‘Yon ang tamang pananaw

sa paniniwala sa Kanya’t

ang tunay na layuning dapat mong hangarin.


II

Hinatulan at kinastigo ka na ng Diyos.

Mga salita Niya’y iwinasto ka na

at niliwanagan ka na rin.

‘Pag ika’y negatibo’t mahina,

nag-aalala ang Diyos sa’yo.

Lahat ito’y upang malamang

tao’y nasa awa ng Diyos.

Maa’ring isipin mong pananalig sa Diyos

ay tungkol sa pagdurusa,

paggawa para sa Kanya,

o para maayos ang mga bagay,

ngunit wala sa mga ‘to’ng dapat

maging layunin sa paniniwala mo.

Kung ito man, ito’y mali,

ika’y ‘di kailanman mapeperpekto.


Mga kilos, matuwid na disposisyon ng Diyos,

karunungan at mga salita Niya,

pagiging kamangha-mangha’t di-maaarok Niya,

ay mga bagay na dapat maunawaan ng tao.

Gamitin ang kaalamang ito upang alisin

ang mga hiling, pag-asam at kuru-kuro mo,

saka lang matutugunan mo’ng

mga kondisyong hiling ng Diyos.

Sa ganito lang kaya mong magkabuhay.

Sa ganito lang kaya mong

mapalugod ang Diyos.


Paniniwala sa Diyos ay upang mapalugod Siya’t

maisabuhay ang disposisyong hinihingi Niya.

Sa gayon ang kilos

at kaluwalhatian Niya’y maipamalas

sa mga ‘di karapat-dapat na taong ‘to.

‘Yon ang tamang pananaw

sa paniniwala sa Kanya’t

ang tunay na layuning dapat mong hangarin,

layuning dapat mong hangarin.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino

Sinundan: 397 Ang Paniniwala sa Diyos ay ang Hangaring Makilala ang Diyos

Sumunod: 399 Ang Landas ng Pananalig sa Diyos ay ang Landas ng Pag-ibig sa Kanya

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito