702 Kinakailangan ng mga Pagbabago sa Disposisyon ang Gawain ng Banal na Espiritu
Ⅰ
Ang gawain at presensya ng Banal na Espiritu
ang nagpapasiya kung taos-puso kang naghahanap,
hindi ang mga paghatol ng iba,
ni ang kanilang mga opinyon.
Ngunit higit pa rito,
ang nagpapasiya ng iyong katapatan ay,
sa paglipas ng panahon,
kung ang gawain ng Banal na Espiritu
ay nagpapabago sa iyo at nakikilala mo ang Diyos.
Kung gumagawa ang Banal na Espiritu sa inyo,
ang disposisyon ay magbabago,
magiging dalisay ang pananaw
ninyo sa pananampalataya.
Ang ibig sabihin ng pagbabago’y
kumikilos ang Banal na Espiritu,
gaano man kayo katagal nakasunod na sa Kanya.
Ⅱ
Kung walang pagbabago sa inyo, ibig sabihin
ang Banal na Espiritu ay hindi gumagawa sa inyo.
Kahit naglilingkod kayo, ginagawa ninyo ito
para magkamit ng pagpapala.
Sa paminsan-minsang serbisyo
hindi ibig sabihin ay pagbabago sa disposisyon.
Ang mga nagbibigay-serbisyo ay wawasakin
dahil hindi sila kailangan ng kaharian.
Hindi kailangan ng kaharian ang hindi nagbago
para maglingkod sa mga tapat at naperpekto.
Kung gumagawa ang Banal na Espiritu sa inyo,
ang disposisyon ay magbabago,
magiging dalisay ang pananaw
ninyo sa pananampalataya.
Ang ibig sabihin ng pagbabago’y
kumikilos ang Banal na Espiritu,
gaano man kayo katagal nakasunod
na sa Kanya, sa Kanya.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama