329 Nais ng Diyos ang Tunay na Puso ng Tao
I
Mga tao ngayo’y ‘di pinahahalagahan ang Diyos;
wala Siyang lugar sa puso nila.
Sa mga darating na araw ng pagdurusa,
kaya bang magpakita
ng tunay na pag-ibig sa Kanya?
Mga gawa ba ng Diyos ay ‘di sulit sa puso ng tao?
Ba’t ‘di ‘binibigay ng tao’ng puso niya sa Kanya?
Ba’t niyayakap ng tao’ng puso niya’t
‘di handang pakawalan?
Makatitiyak ba’ng puso ng tao
ng tuwa’t kapayapaan?
II
Pagiging matuwid ng tao’y walang anyo.
Ito’y ‘di kayang mahawakan o makita.
Sa katawan ng tao,
ang pinakamahalagang bahagi’y
ang nais ng Diyos, ito’y ang puso ng tao.
Mga gawa ba ng Diyos ay ‘di sulit sa puso ng tao?
Ba’t ‘di ‘binibigay ng tao’ng puso niya sa Kanya?
Ba’t niyayakap ng tao’ng puso niya’t
‘di handang pakawalan?
Makatitiyak ba’ng puso ng tao
ng tuwa’t kapayapaan?
III
Ba’t ‘pag humihingi ang Diyos sa tao,
ilang dakot ng alikabok
ang isinasaboy nila sa Kanya?
Ito ba’y tusong pakana ng tao?
Mga gawa ba ng Diyos ay ‘di sulit sa puso ng tao?
Ba’t ‘di ‘binibigay ng tao’ng puso niya sa Kanya?
Ba’t niyayakap ng tao’ng puso niya’t
‘di handang pakawalan?
Makatitiyak ba’ng puso ng tao
ng tuwa’t kapayapaan?
Makatitiyak ba’ng puso ng tao
ng tuwa’t kapayapaan?
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 36