229 Ang Pagninilay-nilay sa Sarili ay Nagbubukas ng Daang Pasulong

1 Sa landas ng pagsunod sa Diyos, hindi ako kailanman tumutok sa pagsasagawa sa katotohanan. Maraming pagkakataong nabigo ako at dinisiplina—at nagising ako na parang mula sa isang panaginip. Hinatulan ako, at pinagnilay-nilayan ko ang aking sarili, at saka ko lang natuklasan kung gaano kalalim ang aking katiwalian. Sa aking pamumuhay sa satanikong disposisyong ito, madalas akong nagsinungaling at nandaya; palagi akong nagmamadali at pabaya sa pagganap sa aking tungkulin; ginawa ko ang gusto ko sa lahat ng bagay; hindi ko hinangad ang mga prinsipyo ng katotohanan; wala akong ginawa kundi ang ipangaral ang doktrina at sumunod sa mga patakaran, naniniwalang tinataglay ko ang realidad ng katotohanan. Isa akong mapagpaimbabaw, puro at simple. Hindi ako isang taong sumunod ni kaunti man sa Diyos; gumawa lang ako para sa katayuan at reputasyon, at napakababaw ng pagpasok ko sa buhay. Sinuri ko kung paanong magkaroon ng espiritu ni Pedro, ngunit hindi ko ito maunawaan at hindi maipaliliwanag ang aking kahihiyan.

2 Ipinakita ng mga pagsubok at pagdurusa na hindi ako tapat sa Diyos, ni hindi ko inibig ang Diyos. May pagmamalasakit lang ako para sa mga inaasam ng laman, lubos kong hindi pinapansin ang puso ng Diyos, at patuloy akong natatakot na madakip habang ginagampanan ang aking tungkulin, na baka hindi ko makayanan ang pagpapahirap, at maging isang Judas. Inasam ko ang buhay at kinatakutan ang kamatayan, namuhay ng isang kahiya-hiyang buhay, kung kaya’t hindi ko nagampanan nang maayos ang aking tungkulin. Saka ko lang natuklasan kung gaano ako kalunos-lunos nang naging maliwanag na ang mga katotohanan. Dahil sa kawalan ng realidad ng katotohanan, nakatadhana akong pagtaksilan ang Diyos; kung hindi inibig ng puso ko ang Diyos, paano ako tunay na susunod at magiging tapat sa Diyos? Pinagsisisihan ko na sa maraming taon ng pananampalataya sa Diyos, gumanap lang ako ng kaunti sa aking tungkulin upang pagpalain. Kung hindi ko isinagawa ang katotohanan, paano ako magkakaroon ng maugong na patotoo? Lubos kong nadama na matagal na akong namumuhay sa bingit ng panganib.

3 Sa loob ng maraming taon ng pananampalataya sa Diyos, bakit hindi ko naisabuhay ni katiting ng realidad ng katotohanan? Ito ay ganap na dahil sa hindi ko inibig ang katotohanan, at hinangad lang ang kayamanan, reputasyon at mga pagpapala. Maging sa ngayon, wala akong takot sa Diyos, ni hindi ko Siya tunay na sinusunod. Sa pagninilay-nilay sa aking sarili, napagtanto ko kung gaano ako kalunos-lunos sa maraming taong pananampalataya sa Diyos nang walang paghahangad sa katotohanan. May mukha pa rin ako ni Satanas, nagnanais pa rin akong pagpalain at makapasok sa kaharian ng langit, at napakahangal ko. Matuwid at banal ang disposisyon ng Diyos—paano Niya pahihintulutan ang mga tiwali na pumasok sa Kanyang kaharian? Tiyak na tatalikuran ako ng Diyos kung magpapatuloy akong hindi hangarin ang katotohanan. Lubos ang pasasalamat ko sa Diyos para sa Kanyang biyaya at mga maingat na pagsisikap, at nagpasya akong tularan si Pedro, na hangaring ibigin ang Diyos at magkaroon ng maugong na patotoo sa Kanya.

Sinundan: 228 Tumatagos sa Akin na Parang Espada ang Nakaraan

Sumunod: 230 Ang Lahat ay Walang Kabuluhan Nang Malayo sa mga Salita ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito