874 Lahat ng Ginagawa ng Diyos para sa Tao ay Tapat
1 Lahat ng ginagawa ng Diyos ay praktikal, wala Siyang ginagawang hungkag. Mapagpakumbabang dumarating ang Diyos sa sangkatauhan, bilang isang pangkaraniwang tao. Hindi lamang Niya ginagampanan ang ilang gawain, binibigkas ang ilang pananalita, pagkatapos ay aalis; sa halip, tunay Siyang dumarating sa gitna ng mga tao at dinaranas ang pasakit ng sanlibutan. Pinagbabayaran ng Diyos ang halaga ng Kanyang sariling karanasan ng pagdurusa kapalit ng isang hantungan para sa sangkatauhan. Hindi ba ito praktikal na gawain? Maaaring magbayad nang matindi ang mga magulang para sa kapakanan ng kanilang mga anak, at ito ay kumakatawan sa kanilang katapatan. Sa paggawa nito, ang Diyos na nagkatawang-tao, mangyari pa, ay nagpapakita ng lubos na kataimtiman at katapatan sa sangkatauhan.
2 Ang diwa ng Diyos ay tapat; ginagawa Niya kung ano ang Kanyang sinasabi, at kung anuman ang Kanyang ginagawa ay nakakamit. Lahat ng Kanyang ginagawa para sa mga tao ay tapat. Hindi Siya basta bumibigkas; kapag sinabi Niyang babayaran Niya ang halaga, talagang binabayaran Niya ang halaga. Kapag sinabi Niyang babalikatin Niya ang pagdurusa ng sangkatauhan at Siya ang magdurusa sa halip na sila, talagang sumasama Siya upang mamuhay sa piling nila, personal na nadarama at nararanasan ang pagdurusang ito. Pagkatapos niyon, kikilalanin ng lahat ng bagay sa sansinukob na lahat ng ginagawa ng Diyos ay tama at matuwid, na lahat ng ginagawa ng Diyos ay makatotohanan: Ito ay isang malaking katibayan.
3 Magkakaroon ng magandang hantungan ang sangkatauhan sa hinaharap, at lahat ng natira ay pupurihin ang Diyos; pararangalan nila na ang mga gawa ng Diyos ay talagang ginawa dahil sa pagmamahal Niya sa sangkatauhan. Ang diwa ng Diyos tungkol sa kagandahan at kabutihan ay maaaring makita sa kabuluhan ng Kanyang pagkakatawang-tao sa laman. Anumang ginagawa ng Diyos ay taos-puso; anuman ang Kanyang sinasabi ay masigasig at tapat. Ang bawat bagay na hinahangad Niyang gawin, aktuwal na ginagawa Niya ito, at kapag nagbabayad ng halaga, aktuwal Niyang binabayaran ito; hindi lamang Siya basta bumibigkas. Ang Diyos ay isang matuwid na Diyos; ang Diyos ay isang tapat na Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Ikalawang Aspeto ng Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao