230 Ang Lahat ay Walang Kabuluhan Nang Malayo sa mga Salita ng Diyos
1 Pinagbubulay-bulayan ko ang mga salita ng Diyos at taimtim na nagninilay sa aking sarili. Itinaas ako ng Diyos upang gumanap ng isang tungkulin para maaari akong magkaroon ng pagkakataong sanayin ang aking sarili. Ngunit ginamit ko ang pagkakataong ito para magyabang. Nang magbunga nang kaunti ang aking gawain, binago ko maging ang paraan ng paglalakad at pagsasalita ko. Ipinapahayag ko na ibinibigay ko ang lahat ng luwalhati sa Diyos ngunit binibilang ko naman ang aking mga kontribusyon. Parati akong naniniwala sa mga talento ngunit hindi taos sa puso ang pananalangin sa Diyos. Hindi hinahangad ang katotohanan sa lahat ng bagay, paulit-ulit akong hindi umuusad. Pagkatapos lamang mahulog sa kadiliman ko nakita kung gaano ako kalunos-lunos at nangangailangan. O Diyos! Ngayon, sa wakas, nabatid kong wala akong magagawa kung wala Ka.
2 Hindi ko alam ang kahalagahan ng mga prinsipyo sa pamamahala ng mga bagay. Pakiramdam ko lagi ay sapat na ang mga talento para magawa ang lahat ng bagay nang mabuti. Sa wakas ay naranasan ko na ngayon na kung malayo sa mga salita ng Diyos, ang lahat ay walang kabuluhan. Ang umasa sa mga talento sa gawain nang walang paghahangad sa katotohanan ay tiyak na mabibigo. Kung walang pagpapasakop at pagmamahal sa Diyos, walang saysay ang pagganap sa tungkulin. Sumalungat ako sa aking konsiyensiya at ninakaw ang kaluwalhatian mula sa Diyos, talagang walang kahihiyan—ipinagyabang at ipinarada ko pa ang sarili ko. Paano iyon naging isang puso na may paggalang sa Diyos? Hindi hinahanap ang katotohanan, iginigiit ang sarili kong paraan—paanong hindi ako madadapa? O, Diyos! Ang paghatol Mo ang naging daan upang makilala ko ang Iyong matuwid na disposisyon.
3 Kahit na labis akong suwail, binibigyang-liwanag at ginagabayan pa rin ako ng Diyos. Nang makita ko ang pag-ibig at awa ng Diyos, mas naramdaman ko ang matinding pagsisisi at pagkakautang. Ako ay napakahamak at mababa, isang maliit na butil lamang ng alikabok. Kung kaya kong gampanan ang tungkulin ng isang nilalang, dapat kong gawin ang lahat ng aking makakaya para gawin iyon upang masuklian ang Diyos. Kinamumuhian ko na sa nakaraan ay ginampanan ko lamang ang aking tungkulin nang hindi hinahangad ang katotohanan. Nawalan ako ng maraming pagkakataon na maging perpekto, na tunay na nakasugat sa puso ng Diyos. Pagkatapos lamang malubog sa kapaitan ko nabatid kung gaano kahalaga ang katotohanan. Pagkatapos lamang mapungusan at maiwasto ng Diyos ko nabatid kung gaano kalalim akong nagawang tiwali. Handa kong ibigay ang lahat ko upang hanapin ang katotohanan, tanggapin ang paghatol ng Diyos, at malinis. Ihahandog ko ang lahat sa akin para tuparin ang tungkulin ko na aliwin ang puso ng Diyos.